Chapter 3

2521 Words
RAVEN BLAISE ROSS __ Dinalaw ni Atlas ang mga magulang niya sa simenteryo. As usual, may kasama siyang isang katutak na tauhan. I was feeling bored there dahil wala naman siyang ginagawa kung hindi ang titigan ang puntod ng mga ito. Pabalik na ako sa sasakyan pero huminto ako nang pagbuksan ako ng pinto ng isa sa mga kasama naming bodyguard. "Feels like I've seen you." "Ako rin po ang nagbukas ng pinto ninyo noong nakaraan." "You look cute. What's your name?" "Marco po." Hinagod ko ito ng tingin. Nakita kong napalunok siya nang muling umangat ang tingin ko sa kaniya. He was tall, dark, and handsome. He had a probinsyano accent, but it was negotiable. I guess I just found my new man. "Marco... see me tonight." Tumango lang ito sa akin. Hinintay ko si Atlas sa sasakyan habang nagse-selfie. Maya-maya lang ay pumasok na ito. Sumiksik ako sa kaniya at sinama ko siya sa pagkuha ng mga litrato. I stopped and gave him a tipsy look. "Can't you smile?" Nagsimula nang tumakbo ang sasakyan. Diniinan ko ang mga pisngi niya gamit ang kamay ko. "You are really annoying." Hinalikan ko ang mga labi nitong nakanguso na dahil sa pagkakapiga ko sa pisngi niya. He wrapped his arm around me and I buried my face on his chest. He smelled so manly... warm, and clean. It was like a musk scent with something citrus. Alam ko kung ano ang pabangong madalas niyang gamitin, but I already forgot its name because it was hard to read. Alam ko namang minsan sa ganda lang ako bumabawi. "Are you going to hang out with me?" I asked. "Yeah, before I leave tonight." "You're leaving again?" "I just have an important meeting." "Mas importante kaysa sa akin?" Inabot nito ang baba ko at marahan iyong hinaplos. "I'll see after that." "You always say that. Tatlong araw na akong gumising hindi ka pa rin umuuwi. You are really such a liar." "I'll make up to you." "Hindi na ako aasa." Hinaplos nito ang baywang ko at hinalikan ang ulunan ko. He was always reserved pero alam nito kung nasaan ang kiliti ko. Alam na alam niya kung paano niya ako lolokohin. Marunong naman talaga siyang maglambing lalo na kapag nagsu-super saiyan na ako. He was never the boss. Belinda Linder-Zacarias was his boss. That was non-negotiable. Hindi pa kami tapos sa tampuhan at lambingan nang makarinig kami ng putok ng baril na tumama sa windshield ng sasakyan. Halos mapasigaw at mapatalon ako sa gulat kahit pa hindi naman nabasag ang windshield dahil bulletproof iyon. Nakita ko ang mabilis na paghugot ni Atlas ng baril niya. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil tinago niya ang ulo ko sa likod ng driver's seat. Tiningnan ko siya nang may malakas na kabog sa dibdib. Sunod-sunod na ang putok ng baril na narinig ko sa labas. Kita ko ang pagtatangis ng bagang niya pero naging malambot pa rin nang tumingin sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko. "Stay there. Keep your head down." I called his name pero tuluyan na siyang lumabas. Ako na lang ang naiwang mag-isa sa sasakyan dahil bumaba rin ang driver at nakipagpalitan ng putok ng baril. Dahan-dahan akong sumilip para tingnan kung anong nangyayari. May tatlong sasakyan ang nakaharang sa naunang sasakyan ng mga tauhan at may mga pangit na nagpapaputok ng baril. Muli akong napayuko nang may tumamang ligaw na bala sa sasakyan. I knew they could handle it. Hindi ko na kailangang ipakita na mas magaling ako sa kanilang lahat. Maya-maya narinig kong bumukas ang pinto sa tabi ko. I was startled but I also calmed down nang makita kong si Atlas iyon. Inabot niya sa akin ang kamay niya at hindi naman ako nagdalawang isip na kuhanin. Hinapit niya ang baywang ko and covered my head. Hindi ko na nakita pa ang nangyayari sa harapan pero naririnig ko pa rin ang palitan ng putok. Pinasok niya ako sa loob ng sasakyan at tumabi siya sa akin sa backseat. Humarurot na iyon palayo. Marahas pa rin ang paghinga nito at mahigpit pa rin ang hawak niya sa baril. Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko agad ang galit sa mukha niya. I held his hand holding a gun and gently caressed it. "Who are those ugly people, hubby?" "Kalaban sa negosyo," malamig na sagot nito at tumingin sa akin. "Are you okay?" "I'm scared," nag-iinarteng sambit ko kahit sa totoo ay lumaki ako sa p*****n and things like that would not even bother me. Ayoko lang nang ginugulat ako sa putukan. Hinaplos nito ang buhok ko at hinalikan ang ulunan ko. "No once can hurt you as long as I'm alive." Pakiramdam ko ay pumilipit ang small at large intestine ko sa sinabi nito. He just exactly uttered the correct, the excellent, and best response. Huminto ang sasakyan sa isang open area kung saan may nakaabang na helicopter. Hawak niya ang kamay ko habang papunta kami roon hanggang sa makasakay sa loob. "Where are we going?" I asked. "I'll take you away for a while." Muli akong sumiksik sa kaniya at inubos ang amoy niya hanggang sa makarating kami sa isang isolated area kung saan nakatayo ang isang simple pero modernong rest house. It was my first time there. Mas naging maganda ang dagat dahil palubog na ang araw. Naririnig ko ang alon habang papasok kami sa loob ng bahay. The first thing he did was drank liquor. Inubos niya ang isang baso bago niya iyon binalibag. Napaiktad na lang ako. He was obviously upset at kanina pa pa iyon pinipigilan. Sinundan ko ng tingin ang pagkuyom ng mga palad niya sa kamao. He isolated himself in another room. Mga isang oras lang ang lumipas narinig ko na naman ang helicopter. Mula sa malalaking glass wall, nakita ko ang mga taong papunta sa direksyon ng rest house. Sinalubong sila ni Atlas kaya alam kong hindi sila kalaban. Nagtungo sila sa isang silid doon. Sinubukan kong makinig mula sa labas ng pinto pero wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. I was getting bored. Naikot ko na ang buong bahay pero hindi pa rin sila tapos. Kumuha ako ng wine at nagtungo sa master's bedroom. Naupo ako sa gilid ng kama at marahang sumimsim doon. I had been married to him for a quite few months. I was still thinking of ways kung paano ko nanakawin ang buong kayamanan niya. Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng katok doon. Binaba ko ang dala kong baso ng wine sa bedside table at binuksan ang pinto. I was a little bit surprised nang makita ko ang lalaking nakangiti sa akin. "Hi, Ms. Bel." "What are you doing here?" "Kararating lang ho namin at ng ibang security. Sinabi n'yo hong kitain ko kayo, hindi ba? May iuutos ho ba kayo?" "About that..." Muli ko siyang hinagod ng tingin bago ko buksan nang mas malawak ang pinto. "Come in." Sinara ko rin agad ang pinto nang makapasok siya. Hindi na ako nagsayang ng oras at nilapitan siya para siilin ng halik. I didn't feel his response. He was still in shock nang tumigil ako. "M-Ms. Bel..." "What? You didn't like it?" Sunod-sunod itong lumunok. "Baka po... m-mahuli tayo ni Sir Atlas..." "He won't. He's always busy. Palagi naman siyang wala," I said bitterly. Muli akong lumapit sa kaniya at dinampian ng halik ang mga labi niya. Tumugon na rin ito at naging mas marahas pa hanggang sa umabot kami sa ibabaw ng kama. "Ms. Bel... ang ganda n'yo po..." "I know," I proudly responded. Napuno agad nang pananabik ang mga halik niya at tila ba nawala rin ang hiya niya. Hinubad ko ang suot niyang itim na t-shirt na fit sa kaniya. Hinagis ko iyon kung saan. I also started to unfasten his belt and unzip his pants nang maramdaman ko ang kamay niya sa ilalim ng dress ko na inaabot ang underwear ko. Nahila niya rin agad iyon pababa. Nagsisimula pa lang mag-init ang katawan ko pero napatigil din ako nang makarinig ako ng mga yabag. Mabilis ko itong tinulak palayo sa akin. "I think Zacarias is coming. Get out. Get out!" nagpa-panic na sambit ko. Nagmadali rin itong umibis ng kama. Parehas kaming naaligaga maghanap ng labasan mula sa silid. I realized na hindi bumubukas ang glass door dahil naghihilahan kami roon. "Don't pull it!" mahinang singhal ko sa kaniya. Umalis ito roon pero naaligagang lumayo na tila lalabas sa pinto. "Hey, you stupid!" nanggigil na singhal ko. "Dito. Tumalon ka dito... bilisan mo." Mabilis itong sumunod. Pupulutin ko sana ang t-shirt niya sa gilid ng kama pero bumukas na ang pinto kaya sinipa ko na lang iyon sa ilalim. I saw Zacarias' frustrated face. Malakas pa rin ang kabog sa didbib ko habang papalapit ito. Simple kong hinawi at inayos ang buhok ko. Nagkaroon na naman ng linya ang noo nito. "Why is your underwear on the floor?" Napatingin ako sa kulay pulang panty ko sa sahig na nakalimutan ko nang pulutin. Lalong kumalabog ang didbib ko, but I answered him calmly. "Hinubad ko... naramdaman kong parating ka na." Pinasok nito ang isang kamay sa bulsa at inangat ang isa para haplusin ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. "We'll leave tonight." "With me?" "With my business partners." Unti-unti ring nagkatalim ang tingin ko sa kaniya. "Umalis ka," malamig na sambit ko. "Doon ka naman magaling." Tumalikod ako sa kaniya sa kaniya at nagsalin ng wine sa baso bago ako humarap sa glass wall. "Ipapahatid ko si Lottie rito, so you have a company." "Leave," muling malamig na sambit ko. Nanatili lang itong nakatayo sa puwesto niya sa ilang sandali bago lumabas ng pinto. Lalo akong nagngitngit sa inis sa kaniya. He really leave. He wouldn't hesitate to do that. Gustong-gusto ko siyang tirisin nang buhay. Nalaklak ko na ang isang baso ng wine nang muli kong marinig na bumukas ang pinto. Mula sa salamin, nakita ko itong papunta sa direksyon ko. Hindi ko maintindihan ang kung anong bagay na lumilipad sa tiyan ko nang yumakap ito mula sa likuran ko. "Akala ko ba aalis ka?" "I just forget something." Hinalikan nito ang ulunan ko at hinigit ako paharap sa kaniya para abutin ang mga labi ko. "I'll be here early tomorrow. I promise." "Huwag ka nang mangako. Lagi namang napapako." Hinaplos nito ang pisngi ko at muling inabot ang mga labi ko bago tuluyang umalis. Nagpunta ako sa bar counter and found myself drinking different liquors. "I hate you to death, Zacarias," bulong ko habang umiikot na ang paningin ko. Nakarinig ako ng mga taong nag-uusap sa labas. Nang puntahan ko, nakita ko ang mga security na binitbit niya. "Ano pang ginagawa n'yo rito?" Napatingin ang mga ito sa akin at yumuko. "Umalis kayong lahat. Sumunod kayo ro'n sa amo n'yong babaero at sinungaling!" Tila walang narinig ang mga ito at nakatayo pa rin sa kani-kaniyang puwesto. Hinablot ko ang baril na nakasukbit sa tagiliran ng isa. Pinaputok ko iyon sa itaas. Nataranta ang mga ito lalo nang magtutok na ako ng baril sa kanila. "Ayaw n'yong umalis, puwes..." Nagpaputok ako without aiming. Mabilis nagtakbuhan papalayo ang mga ito habang sumisigaw sa kalayaan at kaligtasan nila. Sunod-sunod pa akong nagpaputok ng baril hanggang sa nakikita ko pa ang anino nila. Lumulubog ang takong ko sa buhangin kaya tinagal ko na iyon at hinagis kung saan. Nagtungo ako sa dagat kung saan nakaparada ang yate. Hindi pa nakakapagsalita ang kapitan nang itutok ko sa sentido niya ang baril. Napalunok na lang ito at tinaas ang mga kamay niya sa ere. "Alis." "Ms. Be–" "ALIS. Remove the docking lines." Mabilis itong sumunod sa utos ko. Pumasok ako sa loob ng yate at pinaandar iyon. I turned it to autopilot bago ako muling lumaklak ng alak. Nagising na lang ako sa sikat ng araw na tumatama sa akin mula sa view deck. I realized na nakabaluktot ako sa couch. Bumangon ako agad para tingnan ang paligid. I was somewhere near the shore. I looked at my gold wristwatch. It was almost ten. Ano naman kayang kabaliwan ang ginawa ko kagabi? Bumalik ako sa bridge para manyobrahin ang yate. I turned it to autopilot again and had my breakfast. I was enjoying the sun nang makita kong may limang speedboat ang papalapit sa direksyon ko at nagiging pamilyar ang mukha ng mga ito. "Ms. Bel!" one of them shouted. "Kanina pa po namin kayo hinahanap!" "Pabalik na nga, 'di ba?" sarkastikong sagot ko. Sumunod sila sa akin hanggang sa makabalik na kami sa rest house. Pagpasok ko pa lang sa bahay, nakasalubong ko na ang matalim na mga mata ni Atlas. "Saan ka nanggaling?" malamig na tanong nito. Dumiretso ako sa bar counter para sana kumuha ng alak pero tinabig niya ang basong sasalinan ko. Nabasag iyon sa sahig. "Sinabihan na kitang huwag uminom sa umaga." "Tanghali na," sarkastikong sagot ko. "Bakit ka ba nagagalit?" Nagtangis ang bagang nito. "You f*****g made me worry." "Kung nag-aalala ka sana hindi mo ako iniwan dito. Anong gusto mong gawin ko dito? It's so boring here surrounded by water, sands, and those people of yours na hindi ko naman kilala!" "Then you should have just asked Captain Cortez to drive that yacht for you. You were drunk, Belinda. You were alone there. Kung hindi naging maganda ang alon? Kung may nabangga kang barko?" "Eh, wala, so what's the sense of getting mad? Mas mabuti nga kung bumangga na lang ako, lumubog, at nagpakain sa pating o naging kalansay sa kailaliman ng karagatan nang hindi na kita nakikita ngayon." "What the f**k are you taking about?" nagbabaga ang mga matang anito. Hindi ako natakot na salubungin ang mga iyon. "Every time you're leaving me para mo na rin akong pinapatay–" Hindi na ako nakapagpatuloy pa nang higitin niya ang pisngi ko at siniil ako ng halik. I liked it, but I chose to push him away. "I still hate you." Humugot ito ng malalim na hininga. "Let's talk." "Ayoko," mariing sagot ko. Akmang lalapit ulit pero lumipat ako sa kabilang side ng mesa. Sumunod ito sa akin pero lumipat ulit ako sa kabila. He kept chasing me. Pumasok ako sa silid naming dalawa at pinagsaraduhan siya ng pinto. I made sure it was locked. Nakapasok pa rin siya dahil dumaan siya sa nakabukas na glass door sa kabilang side ng silid. Tumayo siya sa gilid ko at hindi ako nag-abalang tingnan siya. I didn't want to see his face. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-upo nito sa paanan ko. Tuluyan na akong bumaling sa kaniya. Nakatukod ang isang tuhod nito sa sahig. Marahan niyang kinuha ang kamay ko at hinaplos iyon. Kahit papaano, nagustuhan ko na literal na nagpakababa siya. I deserved it. I deserved men kneeling in front of my beauty. Dinala niya iyon sa mga labi niya at marahan ding dinampian ng halik. "Forgive me..." I started at him and felt more upset. Nakakainis talaga ang mukhang iyon... it was so hard to resist. Napaka-guwapo. Muli nitong hinalikan ang kamay ko. Nag-inarte pa ako nang kaunti before I gave in.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD