1 month ng iwan kami nila Mama at Papa at hindi pa rin ni Yvaine matanggap na hindi na silang dalawa babalik. Naging mahirap sa amin ni Yvaine na mabuhay ng kaming dalawa lang lalo na wala kaming pera kaya kailangan ko mag-trabaho.
Extra extra lang sa karinderya at mga tindahan taga-bantay, 100 pesos per day ok na yon para makakain kami ng kapatid ko ng tatlong beses sa isang araw.
Naiiwan sya sa bahay mag-isa at dun ako natatakot yong maiwan sya mag-isa sa bahay baka kung ano ang mangyari sa kanya. Gabi na ako laging nakaka-uwi iniiwanan ko na lang sya ng pagkain at sinasabihan na wag na wag lalabas at wag mag bubukas ng pinto.
7 pm na at pauwi palang ako ng bahay dahil wala pa ang may ari ng tindahan na pinagta-trabahuhan ko ng makarating sya ay agad agad na akong umuwi at binigyan naman ako ng amo ko ng 150 pesos para sa ngayong araw.
"Yvaine, si Ate to buksan mo na pinto" kumatok ako sa pintuan namin at narinig ko na ang pag-takbo nya para buksan ang pinto.
"Ano yan nasa mukha mo?!" gulat na tanong ko ng makita ang mga make-up sa mukha nya. Napaka-dumi nya at ang laki ng ngiti nya sakin.
"Kay Mama..." masayang sabi nya at tumakbo na papunta sa lababo para maghilamos.
Hinanda ko na din ang pagkain na binili ko kanin at ulam. Kailangan namin mag tipid kasi magpapasukan na at kailangan ko din mag double kayod para mabuhay kami.
Wala pa ako sa tamang edad para mag-trabaho sa mga restaurant 12 years old pa lang ako at hindi pa pwede kaya sa mga karinderya o kaya sa mga tindahan ako kumikita ng pera.
Simula nung iwan kami ni Mama at Papa ay marami ng umaaligid sa bahay tuwing gabi na mga kalalakihan minsan meron din babae. Hindi ko lang alam kung ano ang gusto nila kaya kapag matutulog na kami ay sarado lahat ng bintana at ang pinto ay tatlo ang lock.
Nilinisan ko muna si Yvaine ng katawan bago patulugin, inutusan ko na din sya na isara ang mga bintana sa kwarto at malilinis pa ako dito sa sala.
Pagkatapos ko ay nagpalit na din ako ng damit para matulog na at meron pa akong trabaho bukas. Sinara ko ng maayos ang mga bintana sa sala at pinto.
"Good night" hinalikan ko ang noo ng kapatid ko at tumabi na ako sa kanya sa pag tulog.
***
"Mag dahan dahan ka"
"Wag na kasi tayong tumuloy"
"Ano ka ba andito na tayo, natatakot ka ba mga bata lang ang andito"
"Kaya nga mga bata lang ang andito, bata pa lang sila pare. May anak ka din bakit ikaw kapag nakaranas ang anak mo ng ganito sigurado akong takot na takot yon"
"Tumahimik ka nga!"
Bigla akong tumayo sa pagkakahiga at binuksan agad ang ilaw sa kwarto at nakita ko ang dalawang lalaki na naka-suot ng itim na jacket, jeans at cap. May dala din silang mga... Baril.
"Wag kang sisigaw, kundi ipuputok ko tong baril na to" babala sakin ng lalaking nasa unahan.
"Ate, sino sila?" naiiyak na tanong sakin ni Yvaine.
Agad akong lumapit kay Yvaine at niyakap sya ng mahigpit, sa tuwing lumalakas ang pag-iyak ni Yvaine ay mas lalo akong naiiyak. May hinahanap silang dalawa sa drawer ni Mama at Papa.
"Asan ang mga alahas ng Mama mo?!" napa-pikit ako sa lakas ng pagkaka-sigaw nya.
"N-nasa kabilang kwarto po," nanginginig na ang boses ko sa sobrang takot. "Shush... Tahan na magiging ok lang tayo" pagpapatahan ko kay Yvaine.
Sumigaw pa ang lalaki ng hindi sa kanya sumunod ang kasamahan nya at naka-titig lang sya sa amin. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nya pero sa bawat pag-buntong hininga nya ay sa tingin ko napipilitan lang sya.
"Ate, natatakot ako paano kung patayin nila tayo. Ayoko ko pang mamatay babalikan pa tayo nila Mama at Papa," tumulo ang mga luha ko ng maisip na wala nga pala sila Mama at Papa sa tabi namin.
Walang magtatanggol sa amin, walang magpapatahan sa amin, walang magluluto ng pagkain namin, walang maghahatid sa amin sa school. Lahat ng bagay na pwede sana namin maranasan ay nawala. Pinagkait sa amin yon ng sarili namin mga magulang!
"Tumayo ka jan!" hinila ako ng lalaki at sumigaw si Yvaine kaya tinakpan ng isang lalaki ang bibig nya.
"Buksan mo ang pinto at wag na wag kayong magsusumbong sa mga pulis, naiintidihan mo?!" naka-tutok ang baril nya sa ulo ko habang naglalakad kami pababa para buksan ko ang pinto.
"Sabihin mo sa Mama at Papa mo, maraming salamat" nakita ko ang demonyo nyang ngisi sa akin at sumunod na din ang isang lalaki sa kanya palabas ng bahay.
Napa-sandal ako sa likod ng pinto at tinakpan ang bibig ko ang lamig ng mga luhang pumapatak sa balat ko. Bakit kailangan namin maranasan to?
Tumakbo sakin papunta si Yvaine galing sa kwarto at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Ate, tahan na... Ok na wala na sila. Hindi kita iiwan Ate... Kahit anong mangyari mahal na mahal kita" mas lalong bumilis ang pag-patak ng mga luha ko.
"May ginawa ba sya sayo?" nag-aalalang tanong ko at umiling sya sakin.
***
Simula nung gabing yon ay mas lalo kaming nag-ingat humanap ako ng pwede mag-bantay sa kapatid ko habang nagta-trabaho ako at salamat naman ay meron pwedeng mag-bantay sa kapatid ko.
"Pwede ko syang samahan dito sa bahay nyo. Maglalaro kami habang nasa trabaho ka, wag kang mag-alala ako bahala sa kanya..." nakangiting sabi sakin ng isang bata na kasing edad ko.
"Nakita ni Papa na meron pumasok dito sa bahay nyo na dalawang lalaki kaya sabi nya bantayan ko daw kayo at pwede din tayo maging mag kaibigan," hinawakan nya ang balikat ko at niyakap ako.
"Wala kasi akong kaibigan," bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at kinagat ang ibabang labi. "Elora," masayang pagpapakilala nya sakin.
"Nova and Yvaine" turo nya sa amin ng kapatid ko. Kilala nya pala kami? Maagan ang loob ko sa kanya kaya simula ng araw na yon ay lagi na syang nasa bahay.
Minsan nga ay andun din ang Mama nya at Papa nya may dala sila laging pagkain. Mababait sila sa amin, sa kanila ako nakaranas kung paano alagaan. Kaya nangako ako sa sarili ko na kapag nakamit ko na ang mga pangarap ko at may kakayahan na akong tumulong sa ibang tao ay sila ang una kung tutulungan.
Dumating ang araw na nag birthday si Yvaine at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya at hindi sya nagigising. Humihinga naman sya at minsan nga ay nakangiti pa sya habang tulog. Hindi na muna ako umalis sa tabi nya at ni-lock ang pinto balak ko intayin ang pag-gising nya.
Lumipas ang tanghali pero hindi pa rin sya nagigising paano namin ice-celebrate ang birthday nya kung buong araw ata ay tulog sya. Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako at inabot ako ng gabi!
Nagluto na agad ako ng makakain namin at naglinis na din ng bahay. Naka-kain na ako pero hindi pa rin sya nagigising!
"Yvaine, ano ba gising na" inis na sabi ko sa kanya habang natutulog.
"Kumain ka na, mamaya ka na matulog ulit gumising ka na jan" inaalog ko na ang katawan nya para magising pero hindi gumagana ang ginagawa ko.
Ni-lock ko na ang lahat ng bintana at ang pinto mukha naman hindi na gigising si Yvaine ngayon gabi na. Bukas siguro gising na sya.
May mabigat na pumatong sa tyan ko at ng imulat ko ang mga mata ko nakita ko si Yvaine na nakangiti na nakatingin sakin.
"Buti naman gumising ka na, para ka kayang si Sleeping Beauty kahapon" umayos ako ng upo at kinusot-kusot ko ang mga mata ko.
"Pag natutulog si Sleeping Beauty pero sa panaginip ko lahat tungkol sa powers. Ang ganda ganda..." tumingala pa sya sa itaas na parang nakikita nya dun ang panaginip nya.
***
Ang mga sumunod na araw ay parang swerte sa amin ni Yvaine, mas tumaas ang sahod ko sa tindahan at sa karinderya kaya naka pag-ipon ako para sa darating na pasukan. Mga pambili ng notebooks at kung ano ano pa.
Nasasanay na din ako sa sitwasyon namin ng kapatid ko pero sya hinahanap hanap nya pa rin sila Mama at Papa ang pagmamahal nila.
Madali lang ang swerte natapos sa amin kasi kung ano ang nangyari nung isang buwan ay nangyari ulit...
May nararamdaman akong humahaplos sa paa ko, hita ko, sa pisngi ko pababa sa balikat ko ng buksan ko ang mga mata ko ay napasigaw ako ng malakas sa sobrang takot. Yung amo ko ang nakikita ko sa harapan ko, kinabahan kaagad ako at pinag-pawisan ng todo.
"Wag kang sisigaw, tataasan ko ang sahod ko sayo. Hayaan mo lang ako sa gagawin ko"
Ang tuhod ko ay nanginginig sa sobrang takot. Sinipa ko sya sa tyan nya at hinampas ng tray na nakita ko sa ibabaw ng isang sakong bigas. Mabilis akong tumakbo palayo sa walang pusong nilalang na yon!
"Tulong po!" nakasalubong ko sa pagtakbo ang Mama ni Elora.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nya sakin. Nang yakapin nya ako ay naramdaman ko ang init ng mga katawan nya parang si Mama ang yakap yakap ko ngayon.
"Ayoko na po bumalik dun" naiiyak na sabi ko ng matapos ikukwento sa kanya ang nangyari sa akin.
"Hayaan mo muna at ipapa-kulong naten! Ako ang mag-aalaga sa inyo, wag ka na muna mag-trabaho ako ng bahala. Para ko na rin kayong mga anak at hindi ko kayo kayang pabayaan" pinunasan nya ang luhang pumupatak mula sa mga mata ko.
"Sige umuwi ka na muna... Wag mo iiwan si Yvaine ha" hinaplos nya ang pisngi ko bago maglakad na para pumasok sa trabaho nya.
Si Mama at Papa, kung andito lang sila... Sana. Ano kayang nangyayari sa kanila? Masaya ba sila? Iniisip ba nila kami ni Yvaine?
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto namin at sumigaw sa galit at inis na nararamdaman ko!
"Ma, Pa... Natatakot ako" napatakip ako sa mukha ko habang umiiyak.
"Ate, bakit ka sumisigaw?" nag-aalalang tanong sakin ni Yvaine.
"Wala, sige na maglaro ka na. Magpapahinga lang si Ate..." my voice broke at sabay punas sa luhang patuloy na tumutulo sa damit ko.
***
Sabi nga ng Mama ni Elora sa akin na sya na muna ang bahala sa amin pero hindi pwede na habang buhay kaming naka-asa sa kanya kasi una, hindi naman nya kami mga anak pangalawa, hindi din namin sya kamag-anak. Si Elora ang kailangan nyang pagtuonan ng pag-aaruga nya at hindi kami.
Sa karinderya na lang kami naka-asa ni Yvaine. Hindi ko na alam kung paano na kami, natatakot ako. Mama at Papa bumalik na kayo sa amin... Please.
Simula nung kami na lang ni Yvaine sa buhay at alam ng mga kapit-bahay namin na wala kaming nakakatanda na kasama sa bahay. Meron isang lalaki at babae na dumating sa labas ng bahay namin.
"Ano po kailangan nyo?" nagtatakang tanong ko sa taong nasa harap ko.
"Nakarating kasi sa amin na wala na daw kayong kasamang mga magulang... Gusto sana namin ampunin ang kapatid mo," nanlaki ang mga mata ko at kinabahan kaagad ako.
"Hindi po pwede" niyukom ko ang mga kamay ko.
"Mabibigyan namin ng maganda buhay ang kapatid mo, kaya mo naman na ang sarili mo" nabubungguan na ang mga ngipin ko sa galit na nararamdaman ko!
"Ate ang tagal mo naman, gutom na ko" napalingon ako kay Yvaine na lumabas ng bahay.
"Pumasok ka sa loob" pinanlakihan ko sya ng mata ko para sundin nya ang utos ko pero ang babae ay sabik na sabik na makuha ang kapatid ko kaya lumapit kaagad sya at hinawakan si Yvaine sa kamay.
"Kami ng bahala sa mga documents na kakailanganin," ngumiti sakin ang babae.
"Sabing hindi pwede!" hinala ko sa kanya ang kapatid ko palayo.
"Wala na kayong guardian, kung gusto mo sumama ka na din para magkasama kayo ng kapatid mo. Kami magpapa-aral sa inyo, pupunta tayo sa America, ayaw nyo ba nun?" umupo sya para hawak hawak si Yvaine sa kamay.
Gusto ko nga na maging maganda ang buhay namin pero hindi sa ganitong paraan. Ako mismo ang maghihirap para magkaroon kami ng magandang buhay. Hindi namin kailangan ng magiging isa pang pamilya! Si Yvaine lang ang kailangan ko!
"Ate... Ayaw ko, wag mo ko ibibigay Ate... Babalik pa sila Mama at Papa, Ate..." niyakap nya ako ng mahigpit at umiling iling.
"Sorry po, maghanap na lang po kayo ng iba at sigurado ako na sila ang mas nangangailangan ng tulong nyo" tumalikod na ako para pumasok sa loob at kasama ko si Yvaine. Hindi ko sya iiwan at lalong lalo na hinding hindi ko sya pababayaan.
"Please, kayo lang ang bubuo sa amin kailangan namin kayo" muling nagsalita ang babae at rinig ko ang heels nya na naglalakad papunta sa kinakatayuan namin.
Biglang nawala ang pagkakahawak ko kay Yvaine ng madaling nahila sa akin nung babae. Pilit kong inaagaw si Yvaine sa kanya at sigaw na sya ng sigaw, nakikita ko din na umiiyak na ang babae.
Hindi na namin kailangan ng isang pan pamilya! Hindi na!
"Yvaine!"
Lumingon ako sa kaliwang bahagi ko at nakita ko na patakbo na sa amin ang Mama ni Elora.
"Sorry pero ako ang guardian nila. Kaya umalis na kayo" inalis nya ang pagkakahawak ng babae kay Yvaine at agad syang tumakbo sa akin at umiiyak.
"Tahan na... Wag ka ng umiiyak" pagpapatahan ko kay Yvaine. "Hinding hindi ka pababayaan ni Ate ha" sinuklay suklay ko ang buhok nya at pinisil pisil din ang kamay nya para tumigil na sya sa kakaiyak.
Ang Mama na din ni Elora ang kumakausap sa mag-asawa na gustong kumuha sa amin. Buti pa sya lagi syang andito para sa amin hindi katulad ng sariling namin mga magulang na wala sa tabi namin.
"Tahan na, naiiyak na din si Ate..." hindi ko kakayanin kapag si Yvaine ay mawala din sa akin.
Bata pa kami at hindi lang ito ang kailangan namin pagdaanan kaya dapat bawat pagsubok sa buhay ay maging matatag tayo at mas maging malakas.