Kabanata 3

1339 Words
Sovereign "Let me just make sure I'm getting it right." Umayos ng pagkakasandal si Raven sa sports car niya habang nakahalukipkip. "You're trying to learn how to drive so you can teach a girl how to drive?" He scoffed. "Oh, man. You're in for a nasty ride, hmm?" Tumuwid ako ng tayo at pinaalis siya sa pagkakasandal sa kotse niya nang mapunasan ko nang maayos. "Oo nga. Kanina ko pa sinasabi." Natatawa siyang umiling-iling. "You're crazy." "Basta turuan mo na lang ako at muntik na akong sapukin no'ng nalamang sa arcade ko siya balak turuan kung paano magmaneho." Bumungisngis si Raven ng tawa. "Bakit kasi sa arcade? Have you lost your mind?" "Hey, halos pareho lang naman 'yon," depensa ko. "No, it's not. Driving is an art, man." I sighed. "Turuan mo na lang ako at libre na isang buwang car wash ng lahat ng kotse mo." He smirked. "Deal." Raven and I spent the rest of the day with him teaching me how to drive. Medyo mas marami lang 'yong mura niya sa akin kaysa sa pagtuturo pero ayos lang. At least I get to learn the basics. "Oh, puta kurbada! Liko pagtapat ng side mirror sa kanto! Puta, liko na!" Halos marindi ako sa halos maghapong bulyaw ni Raven. Baka kung iba ang tinuturuan niya ay nag-walk out na. Mabuti na lang at sanay na rin ako sa bunganga niya kaya kahit na mas lamang ang oras na nagmumura lang siya, hindi ko inintindi. Pagkatapos ng driving lesson ko kasama ang pinakairitadong driving teacher sa mundo ay dumiretso ako ng uwi para maligo. Naabutan naman ako ni Mama na pasipol-sipol habang nagsusuklay sa harap ng salamin. "Oh? May lakad yata ang binata ko?" Lumapit ako at tinulungan siyang ipasok ang basket ng paninda niyang gulay. Nagmano rin ako sandali bago ngumisi. "Ayos ba, Ma?" Pinasadahan niya ako ng tingin saka siya ngumisi. "Saan naman ang lakad mo at parang bihis na bihis ka?" I smirked. "Aakyat ng ligaw, Ma." "Aakyat ng ligaw? Naku, lagot ka sa tatay mo." Tumawa ako nang mahina. "Biro lang, Ma. Ano lang, kina Sir Loreno po. Tuturuan kong magmaneho 'yong anak nila." Tumaas ang kilay ni Mama. "Ikaw? Magtuturo sa anak ni Mr. Loreno kung paano magmaneho eh hindi ka naman marunong saka wala ka namang kotse? Bike nga hindi ka marunong?" Napakamot ako ng batok. "Marunong na ko, Ma. Tinuruan ako ni Raven." "Ay siguraduhin mo lang na hindi mapapahamak 'yang anak ni Mr. Loreno kun'di masisermunan ka ng tatay mo. Alam mo namang ingat na ingat 'yon sa trabaho niya dahil ayaw ng napapahiya sa boss niya." And the nagging went on until she finally let me go. Dumaan pa ko sa bilihan ng bulaklak at pumili ng Sunflower na ibibigay kay Treese. Nakipagtawaran pa ko sa tindera para lang ibenta na nang mura 'yong bouquet kaya lang hindi talaga pumayag. I had no choice but to settle with just one sunflower, promising to myself that once I save up enough, I'd buy her the biggest sunflower bouquet. Pagkarating ko sa mga Loreno ay saktong naroon ang business partner nilang sina Mr. Filtranco kasama ang anak na si Allison. Iiwas sana ako kay Allison dahil na-warning-an na ko ng tatay niyang lumayo. Akala yata ay gusto ko ang anak niya kaya madalas kaming nakikitang magkausap tuwing nagka-carwash ako sa mga Loreno at nagpupunta sila rito. Hindi ko naman kusang kinakausap si Allison. Siya itong panay ang lapit at bigay ng kung anu-ano na hindi ko rin tinatanggap. Una akong natanaw ni Allison. She was about to wave at me when her father gave her a warning look. Nang makita naman ako ni Treese ay umirap sa akin ngunit tumayo pa rin saka nagpaalam kay Mr. Loreno na kakausapin ako. "Daddy, can I talk to him?" tanong niya sa tatay niya. Tumango si Mr. Loreno. Nginitian pa ako at kinumusta ang pag-aaral ko habang iyong si Mr. Filtranco ay pinapasadahan ako ng tingin na para bang masama akong tao. "Bakit mo hinahayaang makipagkaibigan 'yang si Treese diyan sa anak ng trabahador mo? Baka mamaya ay utuin lamang niyan ang dalaga mo, Dansel," dinig kong sabi ni Mr. Filtranco nang magsimulang maglakad si Treese palapit sa akin. I saw how Treese rolled her eyes before she dragged me away from them. Ngunit habang papalayo kami ay narinig ko pa ang naging sagot ni Mr. Loreno. "Walang masama kung maging magkaibigan sila ni Treese. Mabuting bata si Sovereign. Masipag at mabait sa magulang kaya kahit sa murang edad ay nagsusumikap magtrabaho para makatulong kina Sonny." I found myself smiling. Wala talaga akong masabi sa kabaitan ni Mr. Loreno. Palibhasa galing din sa hirap at nagsumikap lang para umangat kaya gano'n kabuti ang puso para sa mga kapos. "I really hate that guy. He spent the last thirty minutes telling me how lucky I would be if I'd date his eldest child," naiiritang sabi ni Treese habang mukha akong siraulong nakatitig sa kanya. Nang mapansing may kurba pa ako sa labi kahit nakasimangot na siya ay mangani-ngani niya akong sinapok. "Ano na naman bang nginingiti-ngiti mo diyan? Baka nakakalimutan mong naiinis pa ko sa'yo?" Ngumisi ako. "Wala. Ganda mo pa rin kasi kahit halos umusok na 'yang ilong mo." Namula ang pisngi niya habang pilit siyang nagtataray. "Tigilan mo ko, Reign. Hindi mo ko madadala sa mga banat mo." Humugot ako ng hininga bago ko ibinigay ang bulaklak. "Para sa'yo. Mga dose na lang may bouquet ka na," I joked. I saw how her cheeks burned even more as she glared at me. Ba't ba ang cute nito lalo kapag pilit na nagsusungit? Eh, mukha namang anghel kahit na anong irap? "I'm still mad at you. You lied to me, remember?" she hissed. "Alam ko, pero marunong na ko ngayon. Nagpaturo ako sa tropa ko para maturuan na talaga kita." Her expression shifted into a bit surprised. "You . . . learned how to drive . . . just to teach me?" Ngumiti ako't sasagot na sana nang lumapit si Allison sa amin at tinawag ako. Nakasimangot ang mukha at halatang nagseselos. "Sovereign." Humarap ako sa kanya nang hindi naman mapahiya. "Kumusta?" She smiled. "Okay lang. I just went home from our trip. By the way, may free time na ba sa schedule mo? I'd like to book you to wash my car. I can pay you higher." Lumunok ako sandali. "Titingnan ko muna. Baka wala pa sa ngayon--" "Is it because of my Dad? Don't worry about him. Palagi naman na siyang wala sa bahay saka pupunta ka naman doon tuwing wala siya. I swear, I won't get you into trouble." Humakbang siya palapit at hinawakan ako sa braso habang ang mga mata ay parang gustong magmakaawa. "Please? I really have no time to take my car to a car wash station. I don't wanna go to school with a filthy car." Napabuntonghininga ako. "Sige, sige pero titingnan ko muna kung anong araw ako pwede." Umaliwalas ang mukha ni Allison. "Thanks! Chat mo na lang ako, ha?" Tumango na lang ako para umalis na. Buti na lang at tinawag na rin ni Mr. Filtranco kaya hindi na rin nagtagal. Nang maiwan kami ni Treese sa pwesto namin kanina ay napansin kong may iritasyon nang nakaguhit sa mukha niya. "Ayos ka lang?" tanong ko. She inhaled a sharp breath then nodded. "Yeah. Uh, you guys always chat?" Umiling ako. "Hindi naman. Minsan lang din naman ako mag-load." Tumaas ang kilay niya. "So if you have access to the internet twenty four seven, you're gonna chat her all-day long, hmm?" I moistened my lower lip then asked her without breaking our gaze. "Bakit? Treese Loreno ba pangalan niya sa f*******:?" Napakurap siya. "Huh?" "Sabi ko Treese Loreno ba pangalan niya sa f*******: para maghapon-magdamag ko siyang i-chat?" Napalunok siya. "You mean . . . you wanna chat me all the time?" Ngumisi ako't inipit ang tungki ng matangos niyang ilong. "Kapag ikaw ang ka-chat . . . kahit madaling araw magpapa-load ako . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD