Kabanata 23

1468 Words
Treese I TRIED to give Sovereign a smile the moment he opened the door for me. Siguro ay narinig niya ang pagtigil ng golf cart sa harap ng villa niya kaya naman nagpasyang tingnan kung sino ang dumating. "You . . . requested for me?" nag-aalangan kong tanong. Umiwas siya ng tingin. Malamig pa rin ang ekspresyon ngunit tila bahagyang nagkaroon ng pulang mantsa ang magkabila niyang pisngi. "I just don't have other choice." He gave me a side eye. "Kung may iba lang na pwedeng kunin, I wouldn't consider you." Napakunot ako ng noo. Alam ko marami namang housekeeper dito. Sadyang ni-request lang din ako ni Liam kanina sa villa niya hindi para maglinis kun'di para makausap nila ako ni Sienna at para mapakain ako ng in-order nila sa resto. Ang sabi rin sa housekeeping department kanina ay dapat sa villa na ako ni Greion Alejandrino maglilinis dahil ayaw na nga raw sa akin ni Sovereign pero mukhang nagbago ang ihip ng hangin. Ano kayang nangyari at pinabalik ako ni Sovereign? I inhaled a sharp breath then gently nodded. "Okay po, Sir." His brows furrowed. "Are you trying to mock me?" Mabilis akong umiling. "Ay hindi po. Ano lang, bilin kanina sa housekeeping department na lahat ng myembro ng CRA ay i-address ng Sir bilang paggalang." I swallowed the pool of saliva in my mouth. "Unless . . . okay lang sa'yo na . . . tawagin pa rin kita sa pangalan." He gave me another side eye. "Fine. Sir it is. Get in." Nagdalawang-isip ako. "Akala ko po saka lang ako maglilinis kapag walang tao sa villa?" "The villa is a mess. I can't let my kids return to a home like this so get the f**k in," masungit niyang sabi saka na ako tinalikuran. Hindi na ako nagreklamo. I gathered my cleaning materials and went inside. Dumiretso ako sa kusina at doon muna inilapag ang mga panlinis. Nasa sala naman si Sovereign at pinanood ang replay ng huli niyang karera. I couldn't help but stare at him while his gaze was glued on the screen. Pakiramdam ko tuloy ngayon para kaming mag-asawa. Na inaasikaso ko ang tahanan namin habang inaaral niya ang huling international race niya. "My kids will be back in an our. They just went for a swim at the clubhouse so make sure you'll be done before they come home." Malamig niya akong tinitigan. "Got that?" Lumunok ako sandali. "Uhm, pwede ba akong mag-stay pa kahit thirty minutes? Baka . . . baka pwede ko silang makalaro man lang--" "You're a housekeeper, not their nanny." He sighed then turned his gaze back to the wide screen. "Just do what I asked you to do and leave us alone. You're here to work, not to find your way back into our lives because that's not gonna happen." Bumagsak na nang tuluyan ang mga balikat ko. Nagkaroon pa ako ng pag-asa kanina noong nalaman kong gusto niya akong pabalikin dito bilang housekeeper tapos ganito lang pala ang maririnig ko. I sighed. Hindi bale na. Pasasaan ba at lalambot din siya. If he wants me to follow his orders then I will follow his orders until he's ready to hear me out and give me another chance. Masyado na akong maraming pinagdaanan para ngayon pa ako mapagod sa kanya. Lumapit ako sa sala at isa-isang dinampot ang mga laruang nagkalat. I could feel Sovereign's glances while I was picking up our kids' toys. Hindi ko na lang pinansin at ipinahalatang nararamdaman ko ang mga sulyap niya. Nag-focus ako sa ginagawa ngunit nang madampot ko ang drawing na nasa gilid ng sofa ay sandali akong napatigil. It was a drawing of a family of four but the mommy in the drawing was faceless. Napansin ko ring malungkot ang itsura ng batang babae sa drawing. Tila ba iyon ang paraan ng isa sa mga anak namin upang ipakita ang nararamdaman niya. Tumikhim ako't bumaling kay Sovereign. "Si . . . Si Sofie ang . . . gumuhit?" He looked at me with his cold eyes then stared at the drawing. Maya-maya ay bumuntonghininga siya't ibinalik ang tingin sa screen ng TV. "That's none of your business. Just do what you have to do so you can leave early." Nilunok ko na lamang ang namuong bara sa aking lalamunan. I picked up the rest of the toys, put it where it belong, and then hid my baby's drawing in my pocket. Binilisan ko na lang ang paglilinis nang maisip kong baka kung maaga akong matatapos ay pwede kong abangan ang mga anak ko sa labas ng clubhouse. Hindi naman ako magpapakilala. I will let Sovereign do that for me once he's ready. After all, karapatan niya naman iyon dahil siya ang naghirap sa pagpapalaki sa mga bata habang wala ako sa tabi nila. There's not much to clean. Kaya halos trenta menutos lang ay natapos ko kaagad ang lahat ng kailangang linisin. Alam kong pulido naman ang ginawa ko dahil sa mga panahong wala ako rito sa compound, ang pag-extra sa paglilinis ang isa sa mga bumuhay sa akin. "Tapos na po ako, Sir. May gusto ka pa po bang ipagawa?" I asked. He sighed. "Just go and come back tomorrow," malamig niyang sagot nang hindi man lang ako tinitingnan. I pursed my lips and just nodded even when he's not looking at me. Kinuha ko ang mga panlinis at idinala sa golf cart. Nang maisara ko ang pinto ay sumakay kaagad ako sa golf cart upang magtungo sa clubhouse. I waited for Sofie and Sovie outside. Nakipagkwentuhan naman sa akin ang may edad nang gwardya habang nakaupo ako sa hagdanan na nasa main entrance. "Ikaw 'yong hinimatay sa labas, 'di ba?" Nahihiya akong tumango. "Mukhang kalat na ho sa compound." "Hindi naman. Napagkwentuhan lang namin no'ng gwardyang naka-duty noong dumating ka. Naawa kasi sa'yo at parang pagod na pagod ka raw." "Oho." I rested my palms on my knees. "Naglakad ho kasi ako mula San Fernando kasi wala na akong pamasahe." Gumuhit ang gulat sa kanyang mukha. "Naku, ineng! Napakalayo naman ng nilakad mo!" I flashed a faint smile. "Gano'n ho talaga. Gusto ko po talagang makarating na rito." "Eh, bakit naman gano'n ka kainteresadong marating ang compound?" Hindi ko alam kung tamang sabihin ko sa kanya ang totoo. Baka kasi mamaya ay makarating kay Sovereign. Sabihin pa no'n kumukuha ako ng simpatya sa mga empleyado ng compound. Mabuti na lang din at lumabas na ng clubhouse sina Sofie at Sovie kasama ang yaya nila. Sofie immediately recognized me. She gave me a sweet smile while waving her hand. "Ellow po! Migaling na itaw po?" I stood up and nodded while staring at her. "Opo, magaling na ko." Sinulyapan ko ang yaya. "Uhm, hello. Ako 'yong bagong housekeeper sa villa ni So--I mean ni Sir Sovereign." I offered my hand. "Treese pala." Tinaasan niya ako ng kilay saka niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Naalala ko tuloy ang mommy ni Sienna. Kung pumasada rin ng tingin sa kausap ay ganoon na ganoon. "Ako si Jill. Stay-out yaya ng mga bata." Her brows furrowed when she seemed to have remembered something. "Parang pamilyar ka. Bago ka ba talaga rito?" I swallowed. "Oho. Bago lang." "Namamalikmata lang siguro ako." Umismid siya. "Imposible namang ikaw 'yong yumaong nanay ng mga alaga ko." My heart jerked and my eyes blinked. "Y-Yumao?" Tumangu-tango siya. "Oo. Sabi ni Sir Sovereign matagal nang patay ang ina ng mga alaga ko. Namatay raw sa panganganak kaya nga awang-awa ako dahil sobrang hirap niyang nag-alaga noong hindi pa siya parte ng CRA. Namatayan na nga ng minamahal, mag-isa pang hinarap ang hirap ng pagiging magulang." She sighed. "Sana nga matuloy na 'yong balak niyang mag-asawa na ng pwedeng maging nanay ng mga bata." Uminit ang sulok ng aking mga mata dahil sa narinig kaya bago pa man ako maiyak sa harap nila ay nagpaalam na ako't pinaandar ang golf cart. My tears fell as soon as I turned to the next street. Mukhang para kay Sovereign pala ay patay na talaga ako, at namatay ako sa isip at puso niya noong araw na tuluyan kong ibinigay ang mga bata sa kanya. I sniffed and wiped my tears before I pulled out Sofie's drawing in my pocket. Tinitigan ko ang larawan hanggang sa nabalot lalo ng kirot ang aking puso. "Babawi ako, mga mahal ko. Hanggang sa maramdaman ulit ng daddy ninyong karapat-dapat ulit akong mabuhay sa puso't isip niya . . ." Pinunasan ko ang aking mga luha nang maalala ko ang sinabi ni Yaya Jill na balak na ni Sovereign na mag-asawa ng pwedeng pumalit sa pwesto ko. I held onto the steering wheel a bit tighter. Hindi pwedeng mangyari 'yon. I have to win his heart again before it's too late.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD