JARED POV
"Copy boss!,but boss...."
"But what?"
Tanong ko dito. Para kasing nag-alinlangan ito kung ipagpatuloy ba nito ang gustong sabihin o hindi.
"Hmmm,boss,di ba sabi mo temporary?"
"Yeah, what about it?"
"Boss bakit hindi ka na lang kumuha ng isa sa mga studyante d'yan sa school n'yo?"
"What?"
Napaisip ako sa sinabi ni Garry at gusto ko ang idiya nito. Bigla akong napangiti ng bigla kong maalala ang babaeng nakabanggaan ko kanina.
"Eh kasi boss temporary lang,sigurado akong marami ang mag-aaply n'yan na studyante lalo na po yong mga mejo may kahirapan sa buhay. Ganun na ganon po kasi ako dati boss kaya alam kong marami ang ega-grab ang opportunity na yan."
Kahit kailan talaga napakahaba magsalita nitong secretary ko. Pero maaasahan naman ito. Magaling at mabait na tao si Garry.
Magka-klasi kami nong high school. Scholar s'ya sa paaralang pinapasokan ko. Kaya alam kong mabuti syang tao at minsan naging close ko din s'ya. Kaya nang ipinasa sa akin ni daddy ang company siya agad ang naisip kong kuning secretary.
Sa pagkakaalam ko kasi dati secretarial ang gusto n'yang kunin. Kaya ito s'ya ngayon secretary ko siya at kaibigan na rin at the same time.
JOZEN POV
"JOZEN MENDEZ!"
I stop walking when I heard Jozen's calling me.
I turn around to face her and I saw her running towards where I was standing waiting for her to come.
I smile as she stop right infront of me.
"Why are you running?,wala namang humahabol sayo ah"
Nakangiti kong tanong sa kanya. Kahit hinahabol niya pa rin ang kanyang paghinga dahil sa kakatakbo ang ganda pa rin talaga nitong kaibigan ko. Sinalo na yata nito lahat ng kagandahan.
"Besty bakit ang unfair?"
Nakanguso kong tanong sa kanya.
"Unfair ang ano?"
Walang kaidi-idiya nitong tanong sa'kin.
"Bakit ang unfair,kahit pawis na pawis kana dahil sa kakatakbo mo ang ganda mo parin."
"Kahit kailan loka-loka ka talaga"
"Awwww!!!"
Hiyaw ko sabay haplos sa aking ulo na sinapak nito. Hindi naman masakit,arte ko lang yon.
"Kung maka-aww ka parang ang lakas-lakas ng pagkasapak ko sayo,eh mas masakit pa nga sa tainga ko ang sigaw mo"
"Bakit kaba kasi nananapak"
"Sinong hindi mananapak dahil sa mga pinagsasabi mo. Akala ko pa naman kong anong unfair ang sinasabi mo."
Saad nito. Inirapan pa talaga ako.
"Eh besty totoo naman kasi ang sinasabi ko sayo eh. Konti na lang maiinlove na ako sayo."
"Che!!! Puro ka kalokohan. Maganda ka naman ah. Bulag ka kasi mismo sa sarili mo kaya hindi mo yan nakikita."
"Salamat besty pero matagal ko nang alam na maganda talaga ako."
Natatawa kong sabi sa kanya na ikinatawa niya na rin.
"Binabawi ko na"
"Sheilo!!..wala namang ganyanan"
Kunwari galit kong sabi sa kanya.
Hanggang sa sabay kaming natawa sa kalokohan namin. Ganito kami palagi. Sya lang yong nag-iisa kong kaibigan dito sa school. Halos lahat kasi ng mga studyante dito mga mayayaman. At kabilang na doon si Sheilo.
Sheilo is a very kind mom at a young age. Mag tatatlong taon na ang kanyang anak at magpo-four years old naman ang kanyang bunsong kapatid.
Sobrang hanga talaga ako sa kanya dahil nakayanan n'yang buhayin ang dalawang bata sa murang edad n'ya.
Hindi ko alam kong sino ang tatay ng bata. I didn't asked and it's not my business. It's her personal life. All I know is,I'm always here for my bestfriend.
Pero noon lang iyon syempre,ngayon magkasam na sila ng ama ng bata. Hindi pa man sila kasal dahil ang gusto ni Sheilo pag nakatapos na siya sa pag-aaral saka na lang sila magpapakasal.
Magkaakbay kaming nagpunta sa canteen dahil vacant namin. Pareho kami ng kursong kinuha,medesina. Ang kaibahan nga lang yong major namin.
Sheilo wants to be a pediatrician at ako naman gusto kong maging surgeon.
"OH,right before I forgot,bakit mo nga pala ako tinawag kanina?"
Tanong ko sa kanya. Muntik ko ng makalimutan kong bakit n'ya ako tinawag at alam kong siya rin nakalimutan na ang tungkol doon.
"Ohhh...I almost forget that!"
Wala sa sarling natapik nito ang sariling noo na ikinatawa ko. Ang cute n'ya talagang tingnan kapag gumaganon ang kaibigan kong ito.
"Joz thanks. Mabuti at hindi mo nakalimutan dahil muntik ko ng nakalimutan eh. Ikaw talaga ang may kasalanan"
Ako pa talaga ang sinisi ng mahal kong kaibigang,lang'ya naman.
"Aba't iba ka rin ano,ako pa talaga sinisi mo?. So, ano nga?"
"Nabasa mo na ba yong announcement doon sa bulletin board?"
Tanong ni Sheilo sa'kin. Sheilo is my reminder in everything that's why I'm so thankful that she's my bestfriend.
Magdadalwang taon ko pa lang siyang nakilala,pero naging mag bestfriend kaming dalawa.
Pero may isa pa siyang matalik na kaibigan si Kiara Aina. Aina yong tawag ko sa kanya dahil mas magandang pakinggan ang Aina kaysa Kiara. Naging kaibigan ko na rin siya ngayon. Minsan niyaya nila akong lumabas.
Siguro ganyan ang nagagawa ng isang ina at kapatid sa dalawang bubuwit. 'Hindi pwedeng may makaligtaan ka, dahil mga bata yon. Mahirap na pagnagkataon'.
Yan ang sagot n'ya sa'kin nong isang araw na tinanong ko siya at binirong reminder ko s'ya. Pero para sa'kin hindi lang yon isang biro dahil katotohanan iyon.
Nakalimutan n'ya man saglit ang tungkol dito kong hindi ko pa s'ya tinanong ay sigurado naman na hindi matatapos ang limang minuto maalala n'ya din yon agad. Dahil ganyan ang nakilala kong SHEILO ORDOÑEZ.
"Hindi pa. Alam mo namang wala akong time sa mga ganyan."
Yeah,hindi ko nakaugaliang magbasa sa kahit na anong meron na announcement sa bulletin board sa main hall nitong university kung saan makikita ng lahat ang mga mahalagang announcement ng buong campus.
Minsan kasi kapag may important announcement tapos merong mga studyante na absent doon sila pumupunta dahil naka post na din kasi doon,just incase.
Kaya ako,hindi na kailangan pumunta pa doon. I'm always present even if I am sick pumapasok pa rin ako. Gusto kong palagi akong nand'yan sa tuwing nagtuturo ang mga professor namin. Kung may mas hihigit pa sa salitang seryoso,ganyan ako when it comes to my course. I take all of it seriously.
"Hmmm"she nodded. "Nakalimutan ko yan. Nakasulat doon na naghahanap ng secretary ang anak ng may-ari nitong University natin,temporary lang naman. Hindi nga lang nakalagay doon kung hanggang kailan. Sigurado akong malaki ang sahod niyan Joz.."
"Paano mo naman nasabi na malaki ang sahod?aber.."
Mukhang marami ang susubok nito lalo na yong mga katulad ko na hirap sa pera. Masasabi kong magandang opportunity nga iyon para sa mga katulad kong kinulang sa pera.
"Mayaman sila eh." Simpleng sagot niya sa tanong ko.
Walang kahirap-hirap nitong sagot sa tanong ko. Tama naman ang besty ko sobrang yaman naman talaga nang may-ari nitong paaralan. As I know,they're one of the top 10 billionaire sa bansa.
"Hindi mahirap sa kanila ang magbigay ng malaking sweldo dahil sobrang yaman naman nila. Lalo pa at mababait ang pamilya nila. Ganyan naman talaga siguro kapag mayaman hindi problema sa kanila ang pera."dagdag pa nito.
"Hmmm,o baka naman alam mo talaga dahil magkakilala kayo?" Tanong ko sa kanya.
"Paano mo nalaman?" nagtataka niyang tanong.
"Malamang, nakita ko lang naman kayong nag-uusap one time." sagot ko sa kanya.
"Haissst,okay,okay. Kaibigan siya ni Jayven at ganon din sa amin ni Kiara." she said.
"Ohhhh" wala na akong masabi eh kaya ohh na lang.
"So? Anong plano mo? Mag-aaply kaba?" Bigla n'yang tanong sa'kin.
Napaisip din ako. Napakaganda talaga ng opportunity na ito. Maliban sa may sahod ako at may pangbayad ako dito sa school,may maibibigay din ako kila sisters sa shelter.
Mayroon naman akong sponsor na siya yong nagbabayad ng lahat na bayarin ko dito sa school. Pati na rin sa mga kakailanganin ko. Pero kahit na kailangan ko ding mag-ipon,para kahit papaano meron akong savings na matatawag.
"Sa tingin mo ba ayos lang yon? Baka kasi masama ang ugali niyang anak ng may-ari nitong school." may pangamba kong tanong.
"Huwag kang mag-alala Joz mabait naman iyan kahit may pagka babaero ang lalaking yon."
Napatango at nginitian ko na lang s'ya. At nag-iisip kung mag-aapply ba ako. Sayang din naman kong papalampasin ko ang pagkakataong ito.
Titiisin ko na lang kong sakaling masungit nga siya. At hindi pa naman ako sigurado kong ako ba talaga ang makakuha ng pwesto na yon. Pero sana nga lang ako,malaking tulong ito sa akin at sa mga kapatid ko sa shelter.