chapter 4 BEING YOU

1219 Words
JOZEN POV "Mag-aapply ka?" Tanong sa'kin ng lalaking kaharap ko. Walang iba kundi yong lalaking nakabanggaan ko kahapon. Kinabahan tuloy ako. S'ya pala ang anak ng may-ari. Di ko maiwasang mapatitig sa kanya. Gwapo naman talaga s'ya kaya pala karamihan sa mga nag-aapply eh puro mga babae at parang mga kiti-kiti kung maghaharutan doon sa labas,tsssk. Maliban sa angkin nitong kagwapohan mas nakakatawag pansin ang buhok nitong kulot. Parang katulad nong kay junpyo sa boys over flowers na kdrama. At ang ilong nitong kay tangos,mahihiya ka talagang tumabi dito kung ang ilong mo ay..huwag na nga lang. At ang labi nitong kay pula. Parang mas mapula pa yong labi n'ya kaysa sa akin. Hayyy...ilang labi na kaya ang nahalikan n'yan. Minsan ko na kasing narinig ang usapan ng kapwa ko estudyante na may pagka playboy daw ang lalaking kaharap ko. Idagdag pa yong sinabi sa akin ni Sheilo. Sabagay walang duda,sa mukha pa lang nito siguradong marami ang mga kababaehang naghahabol dito. At sinisigurado kong hindi ako isa sa mga yon.Marami pa akong mas kailangang unahin kaysa mga ganyang bagay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan ng bigla na lang itong ngumiti. Siguradong nahalata nito ang pagtitig ko sa mga labi nito. 'Hayyyys naman nakakahiya talaga.' "Ahhmmm"tikhim nito. Sinalubong ko na lang ang mga mata nitong nakatingin sa akin upang takpan ang kahihiyang sinapit ko sa kakatitig sa mga labi nito. Ang pula kasi. "Are you done?" Nakangiti pa rin nitong tanong. "Done of what" Balik tanong ko dito. Wala pa nga akong ginagawa tinatanong na niya kung tapos na ako,tapos sa ano? Kakatitig sa kanya.... bigla akong nanigas sa aking kina uupuan ng dahil sa aking naisip,huwag naman sana. "Checking on me" Fuck...kapeng mainit..... Tama nga ako,tama ang naisip ko kung ano ang ibig n'yang sabihin sa done-done n'yang sinabi. At iyon nga ang pagtitig ko pala sa kanya,self naman,pinahihiya mo lang sarili mo baka ano pa isipin ng lalaking ito. Baka isipin nito may gusto ako sa kanya...well crush lang naman,to be honest. Wala pa sa isip ko ang gusto-gusto na yan. "Checking on you?,,,tsssk." Baliwala kong sagot sa kanya. I need to show him that I'm not affected of his presence or sa kanya mismo. "Hmmmm" tango niyang sagot. "Why would I?" I ask. "Well,the answer is not coming from me,but from you. Yeah bakìt nga ba?" ibinalik niya sa akin ang aking tanong. "I came here for the job,not for checking on you or answering the questions not related the job I am applying for." I said while staring at him. But instead na magalit siya sa akin or sa aking sagot sa kanya,bigla na lang siyang tumawa. 'Tupakin' bulong ko. "Very good." he said with a wide smile on his face. "Huh?..very good for talking back at you?" I asks with a confuse look on my face. "Nope. Very good for being you. Not like others,na kailangan pa nilang magpanggap sa harapan ko for seeking my attention not the job their applying for." he said seriously. "Me is me. Sila ay sila. Hindi ko gusto na ipinag hambing ako sa. Everyone are different. Lahat tayo ay may pagkakaiba. Comparisons is a big no for me." I said. Ang loko mas lalo pa yatang naaliw sa akin. Habang ako dito,kunting-konti na lang lalabas na ang sungay ko sa ulo,grrrh. "Seryoso mo naman. Okay,tanggap kana. Pwede ka nang magsimula ngayon. Wait...kailan mo ba gusto magsimula? Ngayon na o sa bukas ka na lang magsisimula." "Talaga tanggap na ako!?" I asks to make sure that I am hired. "Yes,you can start whenever you want." he said. Di ko maipaliwanang ang sayang na mamayani sa dibdib ko. Sobrang saya ko talaga. Sa wakas makakaipon na rin ako. Nang makalabas ako ng opisina ni sir hindi ko mapigilang mapangiti. Parang naging kiti-kiti ang mga lamang loob ko dahil sa saya. At excited na akong ibalita ito sa mga kapatid ko kila sisters. Bukas na ako magsisimula kailangan ko lang ayosin ang mga subject ko at oras. Hindi naman mahirap gawin yon dahil alam naman ng magiging boss ko ang aking kurso. Kaya alam niya at naiintindihan ang oras mayroon ako. Sana nga lang palaging ganito kaya lang it's only good for six month lang. Pero okay na din yon. Makapag ipon na ako niyan. Aissst nakalimutan ko pang itanong kong magkano ba ang aking sasahurin. Di bali,bukas ko na lang itatanong sa kanya. Dahil wala na akong klasi napagdesisyonan kong dumaan muna sa library. Early pa naman kompara sa oras kapag mayroon akong panghulihang subject. Ngayon kasi wala dahil Friday na. Free yong oras namin sa last subject every friday. Yon nga lang mayroon naman kaming pasok every Saturday. "GUYS mayroon po akong trabaho sa anim na buwang darating!" excited kong balita sa kanila dito sa hapag kainan. Kasalukuyan kami ngayong naghahaponan kasama ang aking mga kapatid at ang limang madre na nag aalaga sa amin. "talaga ate!" masayang bulalas ni petpet. Tumango ako at nginitian siya. Hindi lang si petpet yong excited,lahat sila. Dahil alam nila na kapag may trabaho na ako ibig sabihin marami silang pagkaing kakainin. Ganon naman palagi dito sa shelter. Kapag nagpapadala na iyong sponsor ko seni-save ko na yong pambayad sa school. At ang natira napupunta iyon sa pagkain at kuryente at sa tubig na rin. Ibinibigay ko ang natirang pera sa mga madre. Sila na ang bahala kong paano iyon pagkakasyahin. Alam na alam kong kulang iyon sa mga gastusin dito sa shelter. At ang dami pa namin. Mayroon pa sa school ng mga kapatid ko na kailangang bayaran. Kaya ganoon na lang ang saya ko nang matanggap ako kanina. Dahil kahit hindi pangmatagalan yong trabaho ko atleast makakapag ipon ako at makakatulong na rin dito sa shelter. Sobrang gipit talaga kami dito. Kailangan namin ng matinding pagtitipid para hindi kami maubusan. Ganun din sa kuryente at tubig kailangang tipirin para maliit lang yong mababayaran namin. "Ate kapag nagkasahod kana mag Jollibee tayo. Hindi ko pa kasi naranasang mag Jollibee eh." Sabi ni Essa. Si Essa ang siyang pinaka bunso sa lahat. Five years old pa lang siya. Naaawa at nalulungkot ako dahil sa kanyang sinabi. Totoo naman kasi. Hindi naman kasi namin kaya ang mga ganyan. Kaya hindi talaga nila nasubukan. Ako nakakapasok lang sa mga ganyan dahil kina Sheilo at Aina. Minsan pinapadalhan din nila ang mga kapatid ko pati na rin sila sister. Kaya ang mga bata kapag nadadasal palaging nasasama sa kanilang pagdasal ang mga kaibigan ko na sana daw maulit. Natatawa na lang ako sa mga kapatid ko. Hindi ko rin naman sila masisi. "Joz ano ba yang trabaho mo?" tanong ni sister Leah. "baka mahirapan ka lang niyan anak" Sabi naman ni sister Lyn. "oo nga anak,ang hirap pa naman ng kurso mo" sigunda naman ni sister Eve. "baka mawalan ka na ng oras niyan sa pag-aaral mo." sabi naman ni sister Tina. "ayos lang naman sa amin iyan anak basta huwag kalimutan ang iyong pag-aaral" Sabi naman ni sister Beth. "huwag po kayong mag-alala sister Leah,sister Beth,sister Tina,sister Eve at sister Lyn. Dahil yong trabaho ko po ay sa school lang din kaya ayos lang. Kapag free time o vacant lang naman ako pwedeng magtrabaho. At saka anak ng may ari ng University ang magiging boss ko." paliwanag ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD