Laslo's Pov Kakatok na sana ako sa kwarto ni Beau ng makita ko'ng hindi pala yun nakasara ng maayos at may maliit na siwang sapat na para makita ang kwarto nya, hindi nga lang ang kabuan nito. Napatutop na lang ako sa aking bibig ng makita ko'ng naghahalikan sila ni Bienx habang hawak-hawak nya ang balikat nito. Para ako'ng hinagisan ng bomba, what the hell was the meaning of that? Thus that mean na totoo nga ang sinasabi ni Bienx na pinaglalaruan nga ako ni Beau. Tangna! Parang nanunuyo ang lalamunan ko, I can even feel fuming madness inside me, gustong-gusto ko silang sugurin pero may karapatan nga ba akong magalit? Pilit ko'ng pinigilan ang aking mga mata na lumuha. "Laslo? O-okay ka lang? Namum

