Laslo's Pov
Matapos ang nangyari noong gabi hindi na ulit kami nagkaroon ng alone moment ng Alpha, not that I want too, days passed ng hindi ko sya nakita sa Grievance maging sila Vishious at Lsyd tanging ang mga babaeng kapatid nya lang ang nakikita ko at ang iilang delta.
It was an unusual morning today, ilang hakbang pa bago ko marating ang kusina'y rinig ko na agad ang tawanan ng magkakapatid.
Simula ng mapadpad ako dito, eto ata ang unang beses na makikita ko silang masaya, oh well kahit hindi talaga sila masaya basta ba nakangiti sila.
Masyado na kasing tumatak sa utak ko yung mga busangot nilang mukha, isang hindi pamilyar na pigura ang agad na umagaw sa atensyon ko ng tuluyan na akong makapasok sa kusina.
Who is she? A pale white skin, red lips a high cheekbone and blonde hair, is she a Lycan too? "Goodmorning Las" masayang bati ni Claishia which made me conclude that something weird's going on, at ano ba yun?
"Goodmorning din sa inyo" binalingan ako ng tingin ng babae bago nya hinarap si Bell at umismid, "Trust me hindi sya yun" makahulugang turan nya bago muli ako pinasadahan ng tingin,
Ano ba'ng pinagsasabi nya?
And now I am torn into sitting and joining them for today or should I just walk away? Find a job maybe? O kung dito na lang din kaya ako magtrabaho? Bilang katulong para malaya ako'ng makakapasok sa kung saan-saang sulok ng palasyo at makahanap na rin ng butas kung paano sila masisira. "
Earth to Laire Sloane Hyriderro" I snap back into reality as I heard my full name, kilala na nila ako? Thus that mean na alam na nilang descendant ako from the Hyriderro pack?
Tangna ano na ba?
I fake a smile, "P-paano mo nalaman ang pangalan ko Hermione?" I ask nervously, she flashed a genuine smile. "Oh, sa Alpha he can uhm read minds? Doon nya siguro nalaman ang pangalan mo" marahan ako'ng napatango, so he can actually read mind?
Should I be thankful then dahil buhay pa ako kasi sigurado ako'ng alam na ng Alpha ang plano ko..Fuck that Alpha and his ability. "Ah k-kaya naman pala, sige aalis na muna ako" pagpapaalam ko, kailangan ko ng umalis sa lugar na'to habang may pagkakataon pa.
Sa totoo lang mas alam ko pa ang pasikot-sikot ng Henthriporia na syudad ng mga Ordanes kesa sa Grievance na syudad ng mga kalahi ko.
Sa loob ng isanv linggo'ng pananatili ko ng palasyo hindi pa ako nakalabas sa mismong Grievance para makapag-ikot-ikot hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat ko'ng makita dito. Pagkalabas ko ng palasyo ay agad na bumungad sa akin ang sementado at malawak na kalsada na wala sa sariling binagtas ko, as much as possible kailangan ko ng makabalik dito.
Pagkalabas ko ng palasyo ay agad na bumungad sa akin ang sementado at malawak na kalsada na wala sa sariling binagtas ko, as much as possible kailangan ko ng makaalis dito.
Hindi na ako pwedeng bumalik ng Henthriporia dahil kung sakaling may balak ang alpha na patayin ako'y doon nya ako hahanapin.
Dalawang syudad na lang ang pwede ko'ng puntahan Xirvex na syudad ng mga vampires, isa sa mga lahing kalaban ng wolf at ang Prelistine sa pagkakaalam ko Lycan din ang Alpha sa syudad na yun hindi pa nga lang kasing develop ang city na yun katulad ng sa Grievance at Henthriporia.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong naglalakad, ang alam ko lang nagsisimula na akong mapagod at mauhaw, isang oras na ang nakalipas ng malampasan ko ang sentro ng Grievance at siguro'y malapit na ako sa boundary ng teritoryo dahil puro matataas na puno na ang nakikita ko.
Tirik na tirik ang araw but something about this forest crepts me out, parang may nakamasid sakin na ewan. Bahagya ako'ng tumigil sa paglalakad at tumingin sa paligid.
"Sino yan?!" matapang ko'ng sigaw, knowing that someone or something is out there.
Nabasag ang katahimikan sa paligid ng magliparan ang mga ibon mula sa puno at marinig ko ang malalaking hakbang na para ba'ng nagmamadali at ang pagkabali ng mga tuyong sanga na naapakan nya.
Grievance is not a city of dreams nor magic knowing that something dangerous comes after me mabili ako'ng tumakbo, my claws showed, unti-unti ng nagbago ang anyo ko dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko habang tumatakbo.
A pair of strong arm knocked me down, agad ako'ng tumalsik sa lakas ng pagkakahawi sakin ng pares na braso na yun. I can't help but to winced in pain ng tumama ako sa malaking puno ng accacia. Napapikit ako't pilit na tumayo ng maramdaman ko ang pares ng kamay na mariin ng nakahawak sa leeg ko.
Clearly this isn't him, iba'ng Lycan ang umaatake sakin sapagkat hindi pamilyar ang amoy nya sakin.
Pilit ko'ng binuksan ang aking mata at nakita ang abuhing mata ng lalaking punong-puno ng galit, he's really determined to end me in any possible way.
Pilit ako'ng kumawala sa pagkakahawak nya pero masyado na ako'ng nanghihina at mas lalo nya lang idinidiin ang pagkakabaon ng mahahabang kuko nya sa aking leeg at balikat sa twing nanlalaban pa ako.
I stood still, trying my best to mask my fear, hindi ko ibibigay sakanya ang pleasure na makita sa mga mata ko ang takot dahil alam ko'ng papatayin nya na ako. An ash-gray eyes, hindi sya Lycan kundi isang Ordanes, paano sya nakapasok sa Grievance?
"Totoo nga ang balita? That the ruthless Alpha finally found her Luna" nakangising sambit nya hindi ko nagawang masaktan sya pero kapansin-pansin ang mga sugat na meron sya sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Tangna!
Ito na ba talaga ang katapusan ko? His dangerous laugh echoed, naiiling na hinarap nya ako habang tumatawa sya
"Alam mo ba'ng mararamdaman ng Alpha kapag nasa panganib ang Luna nya?" tanong nya habang hinahaplos ang gilid ng pisnge ko gamit ang kanyang kamay,
He's now on his normal phase, ngunit mariin nya pa rin ako'ng sinasakal. "Gusto ko'ng masaksihan kung gaano na nga ba katindi ang connection na merom kayo ng Alpha ng Grievance" as if on cue his claw showed, iniangat nya ang kanyang kamay at handa na sana sya'ng sugatan ako ng bigla na lang na may sumunggab sa kanya mula sa likod nya
. Mabilis ang naging pangyayari pero malinaw ko'ng nakita kung paano sila nagpambuno ni Beau, alam ko'ng mas nakakalamang si Beau sa kanilang dalawa he is way stronger than that Ordane pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.
Ang takot na naramdaman ko 10 years ago habang inaatake ng pack nya ang pack namin ay bumalik sakin, natatakot ako sa paraang natakot at nangamba ako noon para sa mga magulang ko, natatakot ako na baka mapatay nya si Beau
Isang pares ng kamay ang humawak sa balikat ko at sa labis na pagkagulat ay naibalibag ko sya agad palayo sakin dahilan para tumalsik ito.
I gasped as I realized that it's Vishious mabilis naman sya'ng nakabawi mula sa ginawa ko't tumayo sya at naglakad palapit sakin na para ba'ng wala namang nangyari. "Iuuwi na kita ng Grievance" seryosong sambit nya,
I immediately shook my head muli ko'ng binalingan ng tingin si Beau at ang Ordanes, tumitig din sya doon. "Help him out, baka mapaano sya" nagpapanic na ako, he look at me with amusement written on his face. "Insulto sa Alpha kapag tinulungan ko sya para lang dyan, walang-wala ang ordanes na yan sa mga napatay ng Alpha" buong kumpyansang turan nya.
Beau's howl, echoed on the whole forest kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya ng titigan nya ako, the ordanes blood is dripping from his mouth, he looks like mess para ba'ng galing sya sa isang laban at nagmamadali lang pumunta dito para iligtas ako.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin na lapitan sya para yakapin, I hugged him tightly as my heart beats rapidly na para ba'ng aatakihin na ako sa puso.
Beads of tears found it's way to escape, hindi ko alam kung ano ba ang iniiyakan ko but I feel so damn relieved that he's fine. My heart did a double flip when he hugged me back, ramdam ko din ang paghalik nya sa aking ulo bago nya ako binuhat at tsaka sya nagsimulang maglakad paalis dito at pabalik ng Grievance.
Possible ba talaga? Am I mated to him but why can't I feel it? Bakit mas nararamdaman ko lang ang galit ko sakanya pag magkasama kami.
"You can't feel something you don't want to feel Laslo, magalit ka lang sakin kainisan mo lang ako but there's no way I'll let you go, there's no way" he whisper