Hindi ko alam kung bakit gusto ko na ngang mapalayo kay Diego, pero mukhang pilit naman kaming pinaglalapit ng pagkakataon. Napasimangot nalang ako at bumalik sa pwesto ko para mag-email sa kaniya ng mga design ng gowns. "Done, Sir!" sambit ko naman nang mapindot ko na ang sent button. Hindi pa nakakabalik si Ann hanggang ngayon sa office kaya I wondered kung saan siya pinapunta ni Sir this time. Napansin ko namang sa isang buwan na naming pagtatrabaho rito ay paganda nang paganda ang mga gawa ni Ann, samantalang ako naman ay na stuck pa rin sa pagdesign ng kung ano-ano kahit alam ko namang hindi ko forte maging isang designer. Napalingon naman ako nang biglang bumukas ang pintuan ng office namin. Tumambad naman ang gwapong mukha ni Sir Louis na agad na nakatitig sa akin. Agad din nam

