Napamulat naman ako nang makaramdam ako ng sakit sa mata dahil sa labis na liwanag. Una ko namang nakita ang mga gintong furnitures na nasa harapan ko at ang isang malaking vinyl mirror sa kanang bahagi ng kwarto. Inilibot ko naman ang mata ko sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto, pero hindi ko alam kung bakit hindi ako kinakabahan dahil the last I remember kanina ay nasa bisig ako ni Diego. Sinubukan kong bumangon, pero masyado namang makapal ang kumot kaya kinuha na muna ito galing sa katawan ko. Nang akma ko na sanang ibababa ang mga paa ko ay agad naman akong nakarinig ng footsteps dahil hindi pala naisara ng tama ang pintuan. Nagulat naman ako nang pumasok si Diego sa loob na may bitbit na tray na puno ng pagkain kaya agad siyang napatigil nang makita niya ako sabay iwas ng tin

