Bumabyahe naman kaming dalawa ngayon ni Diego pauwi sa bahay dahil hindi talaga ako mapakali kapag hindi ako naka-uwi. Priority ko din kasi ang safety ng pamilya ko kaya alam kong hindi ako makakatulog ng maayos kapag nag-stay pa ako kela Diego nang ilang araw. “Are you sure, you’re gonna be okay here?” Mga limang beses na siguro ‘tong naitanong sa akin ni Diego simula kanina noong umalis kami sa kaniya. Kahit na sinabihan ako ni Sir Rafael na bukas nalang umuwi ay hindi talaga ako tumigil doon. Pasado alas-syete palang naman ngayon ng gabi kaya okay pa naman kung umuwi ako. “Oo nga, Babi. I’ll be fine, kaya h’wag mo na akong alalahanin pa.” “I’ll send some troops to watch over your house tonight, para kahit na malayo ako ay alam kong safe kayo.” Ngumiti naman ako sa kaniya. “Thank yo

