Wala naman ako sa mood nang maka-uwi na ako sa bahay. Hindi ko rin hinahayaan kanina na umupo sa tabi ko si Diego dahil kay Ann na ako tumabi. Panay din ang tawag niya sa akin ngayon, pero hindi ko naman pinapansin. “Hoy, bakla! Ano na naman ang problema n’yong dalawa at text nang text na naman sa akin si Sir Diego?” tanong naman sa akin ni Ann nang makapasok na siya sa kwarto ko. Napahinga naman ako ng malalim. “H’wag mo nalang siyang pansinin, Ann. Ayoko na muna siyang maka-usap ngayon at mukhang engaged na rin naman silang dalawa ni Janessa.” Tumayo na ako at pupunta na sana sa shower, pero agad naman akong pinigilan ni Ann. “Totoo nga ang chismis sa kompanya, Belle?” “Hindi ko alam. Bahala na siya kung anong gusto niyang mangyari, ang ayoko lang naman sanaay ang paasahin ako sa wal

