“Ito, higupin mo muna ‘tong chicken soup na niluto ni Tita.” Iniabot naman sa akin ni Ann ang isang mangkok ng sabaw. Kahit na gustong-gusto kong higupin ‘yon ay wala na akong gana. Ilang oras na akong nakatambay lang diro sa kama ko habang si Ann naman ay patuloy lang sa pag-lift ng mood ko. “Girl, sige na. Sabi sa akin ni Tita ay wala ka pang nakain simula kaninang tanghali. Tingnan mo naman ang oras ngayon, eight na ng gabi.” Kinuha ko nalang ang mangkok kay Ann at nag-umpisa nang kumain. Alam kong lahat sila ay mag-aalala sa akin kapag hindi pa ako kumain ngayon. “Isabella? Isabella? I know you’re here! Please talk to me!” Napatigil naman ako sa pagkain nang marinig ko ang boses ni Diego na sumisigaw galing sa labas. Unconsciously namang napatayo ako at tumungo sa bintana. I saw

