CHAPTER 6

3504 Words
“I love the view here, ang ganda dito Bell. Paano nalang kaya mamayang gabi? The city lights would be definitely lovely!” Sumang-ayon naman ako kay Ann dahil nandito na kami ngayon sa loob ng condo na naglilinis. Hindi naman ganoon karami ang lilinisin dahil well maintained naman ng hotel ang lugar. Mayroong dalawang kwarto ang condo kaya isa-isa kami ni Ann. “Sana makabili rin ako ng sarili kong condo sa future,” wika ko naman habang naglalakad na bitbit ang maleta papasok sa magiging kwarto ko. Mayroon nang bed at lamp table kaya wala na akong dapat pang problemahin. Konting linis at palit nalang ng mga bed sheets ay pwede nang tulugan. “Are you done, Bell?” sigaw ni Ann galing sa labas. “Can you give me the list na para matingnan ko?” tanong niya pa sa akin. Kinuha ko na ang white folder galing sa clear file ko at ibinigay sa kaniya without reading it. “Thanks.” Nang kinuha na niya ito ay bumalik na ako sa kwarto ko para maglagay ng mga damit sa closet. Time went fast at hindi namin namalayan na pasado alas-otso na pala ng gabi. Lumabas na kaming dalawa ni Ann to get some view sa City lights at hindi nga kami na disappoint. The whole view is nice and relaxing. Ang lamig pa ng hangin kaya sobrang nakakagaan ng feeling. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya napatingin ako sa kaniya. “Should we order some food?” tanong ko. She started frowning at me. “I’m hungry na rin. Food panda wait, anong food gusto mo?” saad niya sabay kuha ng kaniyang phone. “Isang C6 tsaka S1 and isang peach mango pie, ugh I’m craving for that,” wika ko naman sa kaniya. “Okay copy. I’ll have some lasagna and chicken nalang sa Greenwich.” Hahang wala pang pagkain ay abala naman si Ann sa pakikipag video call kay Ryan samantalang ako naman ay naisipan ko nalang na mag browse ng mga event na sinalihan ng Louis and Diego. “Anogn ginagawal mo Bell?” tanong sa akin ni Anm sabay lapit. Napatingin naman ako sa kaniya. “Wala, I was just browsing about their past events para naman may idea tayo sa pinapasukan natin tranabo right?” ani ko pa. “Let me see that,” she handled my laptop at napaptingin nalang kami sa achievements ng Louis and Diego dahil mukhang matagal pa naman bago dumating ang inorder namin na pagkain. Nanlaki naman ang mga mata ni Ann kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. “Their greatest achievement as of now is getting included in the Pitti Immagine Uomo which was held in Florence Italy, ibig sabihin noong isang taon lang?” hindi makapaniwala niyang sabi. “What more kapag nakasali pa sila sa New York, Paris and Berlin Fashion Week, right?” wika ko pa kay Ann at tumayo na. “Ang tagal ng foods natin kanina pa ako gutom,” reklamo ko naman habang nakamasid lang sa buong siyudad. Habang napapahawak ako sa tiyan ko ay hindi ko maiwasan na mag-imagine na may nabubuo ng bata kaya napapa-iling nalang ako sa mga inisiip ko. Tumayo naman si Ann at tumungo sa kitchen. “Wala pang laman ang fridge natin. Let’s get some groceries tomorrow after work ha?” saas niya sa akin kaya tumango nalang ako. Maya-maya pa ay may tumunog na na doorbell kaya natuwa na rin ang tiyan ko. Kinuha na ni Ann ang order namin at inilagay sa mesa kaya dali-dali na kaong naghugas ng kamay para makakain. “Hey, eat slowly. Akala mo naman ay may pinapakain pa diyan sa tiyan niya eh no? Naglilihi ka ba Bell ha?” pahayag niya naman sa akin kaya agad ko siyang inirapan. “Alam mo panira ka talaga sa mood, palagi ko na ngang iniisip ‘yan pagkatapos ay dadagdagan mo pa?” giit ko namang sabi sa kaniya at nilantakan na ang chicken joy ng Jollibee. Tinapik niya naman ako sa likod. “Who would have thought that Isabella Maxine has her own s*x life na ngayon? Nako, kapag nalaman talaga ‘to ni Tita ay talagang magkakagulo talaga ang buong mundo...” “Hey, you can’t do that to me!” putol ko naman sa pagsasalita niya at napatigil na sa pagkain. Ayoko kasi talagang malaman ni Mama ang nangyari sa Tagaytay dahil alam kong mag-iiba ang tingin niya sa akin pati na rin ni Kuya. I should keep this as a secret between us ni Ann dahil siya palang ang nakaka-alam ng problema kong ‘to. “I was just kidding. Pero have you ever think kung sino ang lalaking nakachukchakan mo during thay time? Wala ka manlang ban clue or wala ka manlang ba talagang balak na hanapin ‘yon?” tanong niya pa sa akin kaya. Napatingin nalang ako sa taas sa ceiling at napa-isip. What if hindi si Diego Miguel ‘yon dahil 30% lang naman kasi talaga akong sigurado na siya ‘yon, so what would be my option? Napahinga nalang ako ng malalim. “Hayaan mo nalang ‘yan at ako na ang bahala diyan. Bilisan mo nalang ang pagkain at maaga pa tayo sa work bukas. Ma’am Ordencio stated on that schedule na before seven in the morning ay dapat nasa kompanya na tayo with our identification card kaya Ann, alam kong tulog mantika ka at kukurutin talaga kita bukas kapag hindi ka nagising ng maaga,” ani ko pa at tumayo na. “Hey, what about your S1 and peach mango pie, hindi mo ba ‘to kakainin?” tanong niya pa sa akin sabay abot. Umiling naman ako. “Busog na ako, ilalagay ko nalang ‘yang sa fridge para ma microwave ko nalang bukas ng umaga.” Tuluyan na akong naglinis ng pinagkainan at nag toothbrush. Agad na rin akong pumasok sa loob ng kwarto ko dahil kapag tumagal pa ako sa labas ay siguradong kakausapin na naman ako ni Ann at hindi ko na mamamalayan ang oras na umaga na pala. Marahan akong humiga sa kama at napapikit. Hindi ako agad makatulog dahil maraming bumabagabag sa isipan ko. Maraming tanong at doubts sa sarili ko that I should avoid. Alam kong maling-mali ang nagawa ko pero wala na akong magagawa dahil nangyari na ang lahat. I should face all the consequences na magaganap. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil wala namang maitutulong ang pagiging malungkot at pag-iyak ko sa ganitong sitwasyon. “How do I look? Ayos na ba ‘tong skirt ko hindi ba siya masyadong maikli or mahaba? Hey, tell me how do I look Bella dali. I should look fantastic kapag first day ng work dahil first impression lasts,” pahayag niya naman sa akin habang panay ang kulit niya sa suot niya ngayon. Napa-iling naman ako habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin. “You always look fantastic kaya no need to ask me that.” Nagulat naman ako nang bigla niya akong niyakap galing sa likuran. “Kaya you’re the best cousin ever!” sambit niya pa kaya humarap na ako sa kaniya pagkatapos kong ag-ayos. “Well of course, ako lang naman kasi ang nag-iisa mong pinsan,” ani ko pa sabay tawa naming dalawa. Mga 6:30 na nang makalabas kami sa condominium ni Ate Pam. Maaga pa naman kaya hindi pa ganoon ka taas ang init pero dahil nga ay conscious ‘to sa lahat ng bagay ang pinsan ko, nagpayong siya sa kalagitnaan ng umaga. “Alam mo ang arte mo, ayaw mo ba ng vitamin D galing kay Lord ha?” tanong ko naman sa kaniya habang naglalakad kaming dalawa. Hindi niya naman ako pinansin dahil abala na namam siguro ‘to sa pakikipag-usap kay Ryan kaua inunahan ko na siya ng lakad. Nang makarating na kami sa kompanya ay agad kaming tumungo sa lobby para kunin ang mga identification cards namin. “Name please.” “Isabella Maxine Rendon and Annalise Batumbakal,” wika ko naman sa lobbyist sabay ngiti ng malapad. Who wouldn’t be happy sa first day ng kaniyang trabaho despite ng mga problema niya sa buhay, hindi ba? “Here.” Inabot na ng babae sa amin ang dalawang identification card kaya napangiti nalang ako sa kaniya. “Thank you, Ma’am Gonzales.” Ibinigay ko na ang kay Ann at tumungo na kami sa respective building namin kung sa 56th floor kung nasaan ang department namin. “Junior fashion illustrators lang tayo pero nasa pinakamataas ng building ang department natin?” reklamo naman sa akin ni Ann habang kasalukuyan kaming nasa elevator ngayon. Nagkibit-balikat naman ako. “I don’t know. Maybe dahil ang design team ay isa rin sa mga importante nagtatrabaho sa isang Fashion Company? Who knows!” Kahit ako ay napapaisip din dahil third to the last floor ang department namin kung nasaan sa taas lang namin ang office ng mga Board or Directors at ilan pang mga matataas ang posisyon kagaya ng mga creative designers. Ilang minuto rin bago kami makarating sa taas. Nang makalabas na kaming dalawa ni Ann sa elevator ay hinanap namin agad ang double french door doon. Iyon kasi ang nakalagay sa guide namin. “That’s the door right?” tanong niya sa akin sabay tueo ng pintuan sa kanan niya. “I think it is,” mahinahon kong sabi. Kinakabahan naman kaming dalawa na pumasok dahil first time namin pero nauna na ako at marahan na kumatok sa pintuan. Dumikit naman si Ann sa pintuan pero wala siyang marinig galing sa loob kaya dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Namangha naman kami dahil sa laki ng lugar. Ilang taon palang din ang nasa loob kaya napangiti kaming dalawa ni Ann at tuluyan nang pumasok. Napatingin naman sa amin ang dalawang lalaki at isang babae na nagtitipon-tipon sa isang mahabang mesa. “Are you guys our new junior graphic designers?” tanong ng lalaking naka glasses sa amin. Tumango naman ako. “Good morning po. Yes po kami nga po,” ani ko pa. Tumayo na silang tatlo at lumapit sa amin. “It’s nice to meet you both. I am Charlyn Elizalde, garment technologist,” pakilala niya naman kaya namangha kaming dalawa ni Ann. “I’m Isabella,” maikling pahayag ko at nakipagkamay na sa kanilang tatlo. “I am Annalise,” wika rin ni Ann. Lumapit naman sa amin ang lalaking may long hair kaya lihim akong napangiti, he’s cute dahil sa dimples niya. “I’m Logan, the fashion writer of this company,” ani pa niya sabay ngiti. “And I am Tyron, also a fashion writer here,” wika ng naka eyeglasses na lalaki. Pagkatapos naming magpakilala ay dinala na nila kami ni Ann sa magiging desk namin. Mabuti nalang din at magkatabi lang kaming dalawa. Batay lasi sa schedule at guid na ibinigay sa amin ni Ma’am ay walo kami sa buong design team ng branch one pero hindi pa dito belong ang mga fashion designer at creative directors dahil mga matataas na ang posisyon nila. “The one leading this team is Sir Zachariah Natividad, the head designer ng team natin,” pahayag pa ni Charlyn. Tumayo naman si Ann. “So we are tasked to handle the upcoming summer collection event right? It’s for the MFW?” wika pa ni Ann. The three of them nodded. “After getting all the designs from above, doon na tayo mag-uumpisang magtrabaho and barely this week may naipasa nang tatlong designs kaya ang tranaho niyo is to create fashion advertisements and banners for that, okay?” ani pa ni Charlyn kaya tumango kami. Inilagay ko naman ang ilang mga picture frames namin ng family ko sa desk ko with my favorite wood organizer. Malaki naman nag desk kaya kasya lahat ng mga gamit ko. Kinalabit naman ako ni Ann kaya napatingin ako sa kaniya. “Hmm?” “This is gonna be fun, Bell,” ani niya nakasimangot kaya nagtaka na ako. “Oh ba’t ka naman nakasimangot kung fun naman pala?” “What if kasi magkaroon na rin tayo ng hilig sa fashion design?” tanong niya pa. I sneered at her. “Then that’s good. Then we should start learning about fashion design,” ani ko pa sa kaniya at inopen na ang PC. Wala pang ilang minuto ay nagsidatingan na ang iba pa naming kasamahan sa design team kaya tumayo na ulit kami ni Ann para magpakilala sa kaniya. “I’m Chad, the textile designer. It’s nice to meet you!” ang pa ng cute na lalaking kinulang lang sa height. Lumapit din sa amin ang kasama niyang babae na medyo may edad na. “I’m Edna, the pattern cutter ng design team.” Nang makilala na namin silang lahat ay bumalik na kami sa pwesto namin. Nagtataka rin kaming dalawa ni Ann kung bakit ang tagal dumating ng Head ng team kaya inuuna nalang muna naming basahin ang mga kailangang gawin. “You can start on the digital advertisement. Sino ba naka assign sa video sa editing sa inyong dalawa?” tanong ni Charlyn sa amin. Ann immediately raised her hand sabay pakita ng mga gawa niya. “I’ll be the one to do that pero syempre it should be in fashion sense, right? Sige sige kaya ko ‘yan,” ani niya pa at nag-umpisa na. Ginawa ko na rin ang trabaho ko hanggang maya-maya pa ay may narinig kaming bumukas ng pintuan at iniluwal ang isang may edad na na lalaki. “Good morning. Where are the two new employee here?” agad niyang sambit kaya tumayo kami ni Ann. “Good morning po, Sir.” Lumapit na siya sa amin sabay ngiti. “Welcome to the team. We’ve been waiting for the graphic designers to be here on this time dahil ilalabas na ang summer collection natin next month so you guys should be really active and attentive dahil magiging busy na tayo.” “Yes po Sir. We got it,” wika pa ni Ann. “I’m Zachariah Natividad, the Head designer of this team. Okay, here are the things you should work for today and make sure to pass it to the creative director on the 57th floor, okay?” ani ni pa at tumungo na sa kaniyang desk. Nag thumbs up naman sa amin si Charlyn at Tyron kaya umupo na ulit kami ni Ann sa aming desk. “Let me see that, Bell. Ano raw ang mga kailangang gawin?” tnaong niya sa akin kaya pinakita ko na ang listahan. May mga design siyang ibinigay sa amin ni Ann at namangha kami dahil sa sobrang ganda ng mga women’s summer wear nila ngayon. “Bell, ang ganda ng one piece nila. Makabili nga kapag na release na,” ani pa ni Ann kaya napatawa nalang ako. Pinakita ko agad sa kaniya ang estimated price kaya bigla nalang kaming nalula. “Tamang Uniqlo and H&M nalang muna tayo Ann, wala pan sweldo.” Habang tinitingnan ko ang mga designs ay hindi ko naman maiwasang mamangha sa designer ng mga gumawa nito. “Miss Rendon?” Napatayo naman ako bigla ng tinawag ako ni Sir Natividad. “Yes Sir?” “Can you please bring this to the office of the Vice President para matingnan ni Sir Louis kung okay na ba ‘tong mga textile garments natin. And if inapprove niya na ay bumalik ka nalang dito for the furnishing of things, so that we can proceed to the next design after that,” wika niya sabay abot sa akin ng isang malaking clear file. Hindi ko naman alam kung bakit sa lahat ng employee rito ay ako pa talaga ang naisipan niyang utusan dahil baguhan palang kami ni Ann. “As for you Miss Batumbakal, can you please bring these fabrics to the creative directors’ department para ma check nila if okay ba ‘yang mga fabrics from New York,” dinig ko namang sabi ni Sir nang papalabas na ako ng office namin. Mukhang kami nga talaga ang trip ni Sir ngayong araw. Pumasok na ako sa elevator para at nang isasara ko na sana ito ay bigla namang may pumigil na kamay kaya nagulat ako. “Wait! Oh I’m sorry Miss,” wika ng isang matipunong lalaki sabay pasok sa loob. Hindi ko alam kung saan ‘to galing kasi kanina noong naglalakad ako sa hallway ay wala namang tao. Nginitian ko nalang siya. “Are you new here, aren’t you?” tanong niya sa akin kaya napasulyap ako sa kaniya. I formed a slight smile on my lips. “Yes Sir, why?” “Oh nothing. People working on this company is always calling me Sir VP everytime they see me,” pahayag niya naman kaya tumango lang ako. I didn’t bother talking to him. May mga importante pa akong kailangang puntahan kaya hindi ko nalang siya pinansin. Nang makalabas ako sa elevator ay naglakad na ako pero nagulat naman akong nauna siya sa akin and the second thing around ay pumasok siya sa pintuan na may sign na Office of the Vice President. Napatigil naman ako sa paglalakad. “Hala, bakit hindi ko agad na realize ang sinabi niya kaninang Sir VP.” Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa kahihiyan. Marahan akong lumapit sa tapat ng pintuan niya at napahinga ng malalim. Kumatok na rin ako ng tatlong beses. “Come in!” Dinig kong sabi niya galing sa loob. Unti-unti kong binuksan ang pintuan at nadatnan ko siyang nakatalikod nanakadungaw sa glass windows. “Look Sir, I’m sorry for being rude with you earlier. I was just anxious since it’s my first...” “It’s okay Issa, I understand,” wika niya sabay harap sa akin na tumatawa. “I find you cute and you seemed to be familiar to me kaso hindi ko lang maalala kung saan kita nakita, pero if I do, I’ll tell you agad.” Ang taas din ng energy ng Vice President namin ah. Lumapit na ako sa kaniya at ibinigay ang clear file na may laman ng mga designs. Kinuha niya naman ang clear file sa akin at agad na binuksan. Natividad’s team always astonishes me, tell hin that I love the design and you guys proceed to the next step today,” wika niya sabay pirma dito at ibinigay na sa akin. “Thank you, Sir.” Akma na sana akong lalabas nang bigla niya ulit akong tinawag. “Wait Miss Issa, have you been to Tagaytay if I’m not mistaken?” tanong niya naman sa akin kaya nagulat ako. Napatigil naman ako at napalingon sa kaniya. “Why are you asking, Sir?” pagtatakang tanong ko pa. He’s giving me tha chills and clue dahil mas tumataas ang possibility ngayon that I had a one night stand with his brother Diego. “Nothing. I was just asking,” wika niya naman. “No Sir, I haven’t,” sagot ko at tuluyan nang lumabas. Ayoko naman kasing magka problema ako sa trabaho ko kaya if it’s his brother nga, then I’ll just make sure he won’t know it or else I’m dead. Nang makabalik ako sa office namin ay agad kong ibinalik kay Sir Natividad ang clear file na inapprobahan ni Sir Louis. “What did he say?” tanong niya sa akin. “We can proceed na raw to the next step Sir.” He smiled hastily. “Thanks.” Bumalik na ako sa pwesto ko at napansin ko namang hindi pa nakakabalik si Ann kaya ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Pasado alas-onse ng umaga nang biglang tumunog ang orasan nagsitayuan na ang lahat. Lumapit naman sa akin sina Charlyn at Chad. “Guys lunch tayo,” wika niya kaya tumayo na kami ni Ann na nag-iinat pa ng kaniyang buto-buto. “There are more than fifty cafeteria in this building since kahat yata ng floor ay mayroon except for the last two floors since matataas na tao sa kompanya ang mga nandoon,” paliwanag ni Chad habang naglalakad kami patungon sa cafeteria. Nakasimangot naman si Ann kanina pa kaya napatingin ako sa kaniya. “You okay?” tanong ko. Marahan naman siyang tumango sa akin. “I’m fine, hindi ko lang kasi ma perfect kanina ang ginagawa ko kaya I should do better mamayang hapon.” I tapped her shoulder thrice. “You’ll get your desired outcome kaya don’t stress yourself.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD