Umuwi akong nakasimangot, pero panay naman ang pag lift ni Dos sa mood ko. “Smile na Ate! Kanina ka pa sad, stop being sad na!” anas naman sa akin ni Dos habang nandito kami sa taxi. Hindi pa rin kasi ako maka get over sa Jannesa na ‘yon kanina, idagdag mo pa ang magaling na cashier din na ‘yon. Argh! Magsama sila! Tumingin naman ako kay Dos at ngumiti. “Ate is fine, baby. Ayoko lang kasi talaga sa mga taong walang modo, pero hayaan mo na at sa tingin ko ay nasa bahay na si Kuya ngayon.” “Yehey! I missed Kuya Henry,” sambit niya pa. Nang makarating kami sa bahay ay agad na bumaba si Dos at pumasok na. Nagbayad naman muna ako kay Manong kaya nahuli na ako nang pasok sa bahay. “Kuya Henry!” Dinig kong sigaw ni Dos kay Kuya kaya napangiti na ako. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkiki

