CHAPTER 3

3084 Words
I felt so exhausted when we went home kaya deritso agad kami nila Ann sa kwarto niya. Pero bago kami makapagpahinga ay nahirapan pa kaming dalawa ni Ate Pam sa pag-alalay sa dalawa hanggang sa makarating sila sa mga kwarto nila. "Did you have fun, Bell?" tanong sa akin ni Ate habang minamasahe ang kaniyang noo. Tumungo na rin ako sa mesa para maka-inom ng tubig. "Opo Ate it was fun," sagot ko pa sa kaniya. Hindi naman ako makakilos ng maayos dahil masakit pa rin ang baba ko. Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon dahil kinakabahan din naman ako sa mga possibilities. "Good, maya-maya pauwi na rin si Mommy kaya hindi nalang ako matutulog at kailangan ko pa siyang tulugan. Magpahinga ka na Bell," pahayag niya pa sa akin. Ngumiti nalang ako at dahang-dahan na naglakad papasok sa kwarto ni Ann. "Good night po, Ate." Pumasok na ako at humiga sa tabi ni Ann na mahimbing na natutulog. Napapa-overthink ako ngayon dahil hindi ko alam kung anong problema 'tong napasok ko. Paano nalang kapag nabuntis ako in no time? Anong sasabihin sa akin nila Mama at Kuya? Hindi ko na rin namalayan na may mga luha na palang tumutulo galing sa mata ko. The last time I remembered crying was when Kuya Uno startled me. Hinayaan ko nalang na lumabas lahat ng luha ko para unti-unti ring mawala ang sakit ng ulo ko at ipinikit nalang ang mga mata ko. "Belladona? Bella? Bell? Isabella?" Nagising naman ako dahil sa naramdamang kong may tumatapik sa balikat ko. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nasulyapan ko agad si Ann na nasa harapan ko habang hawak-hawak ang legs ko kaya agad akong napabalikwas ng bangon. "Hey, are you okay?" tarantan niya namang tanong sa akin. I was just traumatized about what happened kagabi kahit na hindi siya form of rape lalo na at ginusto ko naman, but still I'm in my senses right now. Umiling naman ako. "Masakit lang ang ulo ko Ann, that's all. Kumusta ka na pala?" tanong ko pa sa kaniya at tuluyan nang tumayo. Hanggang ngayon pala ay suot ko pa rin ang dress ko kagabi kaya dali-dali na akong pumunta sa maleta ko para maghanap nang maisusuot. "Ito masakit pa rin ang ulo ko, pero keri na naman dahil pinagluto tayo ni Mommy ng hangover soup na palagi niyang ginagawa for us. Ano tara g?" tanong niya pa sa akin kaya napatango nalang ako. Hinanap ko naman ang cellphone ko dahil tatawagan pa ako ni Mama, nataranta naman ako nang hindi ko ito mahagilap kaya minadali ko na ang paghilamos at pagbihis para maghanap ng cellphone ko. Nang hindi ko ito mahanap sa loob ng kwarto ay lumabas na ako at nadatnan ko sila Ann at Andrew na nanunuod ng TV samantalang si Ate Pam naman ay abala sa kaniyang laptop. "Have you guys seen my phone?" tanong ko na sa kanila. I can't afford to lose it dahil kakabigay lang 'yon sa akin ni Kuya Uno after my graduation. Umiling naman si Andrew. "Nope, haven't seen it." "Wala girl, bakit saan mo ba iniligay nang maka-uwi tayo kanina?" tanong din ni Ann. Bigla namang napatigil si Ate Pam sa ginagawa niya at napatingin sa akin. "Or baka naman hindi mo na matandaan kung may dala ka bang cellphone pag-uwi natin kanina?" tanong niya pa kaya kinabahan na ako. It's most likely the thing kasi. Wala na rin kasi akong matandaan na may dala pa akong phone pag-uwi ko dito kanina galing the bar. The last time I remember is that noong pumunta ako sa restroom ng bar ay dala-dala ko pa ang cellphone ko. "Oh no!" I mumbled after remembering something. Possible kasi na naiwan ko sa room na 'yon kung saan may nangyari sa amin ng lalaki kaya lagot talaga ako. Wala pa namang password ang cellphone ko dahil ilang buwan palang naman sa akin 'yon. "Why? What's wrong?" tanong pa ni Ann sa akin. Pinilit ko naman na ngumiti sa kaniya. "Nothing, may naalala lang ako. Can I borrow your phone for a while? Kailangan ko kasing tawagan si Mama dahil baka nag-aalala na 'yon sa akin," pahayag ko pa kay Ann kaya agad niya ring ibinigay ang cellphone niya sa akin. Mabuti nalang at sa lahat ng number ko ay ang kay Mama lang ang kabisado ko. Kahit nga number ko ay hindi. "Hello Ann? Nandyan ba si Isabella Maxine?" dinig ko namang tanong ni Mama sa kabiglang linya. She's a lot serious kapag buong pangalan ko na ang tinatanong niya. "Ma? Si Bella 'to..." "Lintik kang bata ka kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo ni hindi manlang kita ma contact! Ano bang nangyari sa'yo ha?" halos mabingi naman ako dahil sa boses ni Mama. "Hey you good?" tanong ni Andrew sa akin dahil nakita niyang napa-ilag ako. "Yes, yes," tugon ko at ibinaling nalang ulit ang sarili ko kay Mama. "Sorry Ma, nawala ko kasi unintentionally ang phone ko sa bar na pinuntahan namin kaya hindi agad ako nakatawag, sorry na Ma ako nalang ang magpapaliwanag kay Kuya kapag umuwi na siya galing New York," paliwanag ko kay Mama. "Palagi mo talaga akong pinag-aalalang bata ka, alam mo naman na ikaw lang ang anak kong babae kaya sobra kitang iniingatan." Napangiti naman ako. "I know Ma, I understand you. Pero may tiwala ka naman sa akin hindi ba? Alam ko ang ginagawa ko rito ngayon kaya don't worry about me, and by the way baka I'll go home sooner dahil may mga kailangan pa pala akong tapusin sa school na mga records ko," pahayag ko pa sa kaniya kahit na wala na naman. Kinakabahan kasi talaga ako ngayon kaya kailangan kong magpacheck-up agad kung buntis ba ako o hindi. "Sige na, paliliguan ko pa ang kapatid mo kaya regards mo nalang ako diyan kay Stephanie." "Sige po Mama. I love you!" "I love you too! Bye!" Ibinaba na niya ang tawag kaya tumungo nalang ako kina Ann at Andrew na nanunuod ng TV at napa-upo. I tried to calm myself up and sighed. "Sana talaga hindi lang madampot ng lalaking 'yon ang cellphone ko," I mumbled. "May sinasabi ka Bell?" biglang tanong naman sa akin ni Ann kaya napa-ayos ako ng upo. "No, no." "Sky Ranch tayo guys!" Andrew suggested kaya napatingin kami sa kaniya. "Hindi ka ba napapagod Drew? Ngayon nga lang tayo nakapagpahinga pagkatapos ay aalis ka na naman?" ani rin naman sa kaniya ni Ann. Tumayo naman ako at lumapit sa kanila. "We can go later," pahayag ko pa sa kanila. Tumango naman si Ate. "If that's what Bella like then we can go, isa pa minsa lang naman din kasi 'yang pinsan natin dito pumunta kaya sulitin niya na." Magluluto lang ako ng meryenda natin. Hoy Claire tulungan mo nga ako sa kusina," pahayag naman ni Ann. Ito naman, kung makapag-utos naman sa kapatid niya ay wagas. "Eh Ate naman..." "Ako nalang Claire, ipagpatuloy mo nalang ang ginagawa mo diyan," pahayag ko pa sa kaniya at sumunod na kay Ann sa kusina. Nginitian naman ako ni Ann habang kumukuha ng mga gagamitin niya kaya nagtaka ako. Tinulungan ko nalang din siya and as what I've noticed gagawa siya ng salad. "What?" tanong ko. Lumapit naman siya sabay tapik sa balikat. "Ate told me that you were gone for how many hours kanina, did you meet someone there?" nakangising tanong niya pa sa akin kaya nagulat ako. Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng 'to tungkol sa akin. Sa lahat kasi ng mga pinsan ko ay si Ann talaga ang pinakaclose ko kaya alam kong kilala niya na rin ako. "I bumped into an old friend kaya napatagal ang pag-uusap namin. You know napasarap na ang usapan kaya hindi ko nalang din namalayan na ang oras," sagot ko pa sa kaniya. I can't fathom to tell them what happened to me. Nakipag one night stand lang ako sa isang lalaki na hindi ko naman kilala. Hindi niya pa rin inaalis ang mga tingin niya sa akin na puno ng pagdududa. "Oh really? A friend told me na may biglang kumarga raw sayo na lalaki at dinala ka sa isang room sa bar," wika pa niya kaya nagulat ako. "Who's that person who told you?" pagtatakang tanong ko pa. "Eunice," maikling sagot niya kaya nagulat ako. Ngayon ko lang na realize na taga rito rin pala ang kaklase ni Ann na si Eunice na naging kaibigan ko na rin. Pero I really can't tell her what happened that night. "Oh, ngayon ko lang naalala na taga rito rin pala si Eunice. By the way, what are you making?" tanong ko pa sa kaniya. I don't want to be on a hot seat kaya it's better na iwasan ko nalang muna ang mga bagay na 'yon since napapagod din ako sa kakaisip. He stole my first kiss, ad my virginity kaya kapag nakita ko ulit ang lalaking 'yon ay siguradong makakatikim talaga siya ng sampal sa akin. "I'm making tuna salad, favorite food kasi ni Mommy at alam kong pagod siya sa work kaya I'm making her, her favorite," ani niya pa at kumuha na ng mga rekados. Tinulungan ko nalang siya sa paggawa hanggang sa makatapos kami. Saktong-sakto naman na gumising na si Tita Stephanie kaya agad na kaming nakakain. "Aalis daw kayo ngayon papunta sky ranch sabi ni Andrew?" tanong ni Tita sa amin habang nasa mesa kami kumakain. Nagkatinginan naman kami nila Ate Pam at Ann. Gusto ko naman kasing sumama dahil kapag nandito lang ako sa bahay ay napapraning na ako at kung ano-ano na ang iniisip ko. "How does it sounds, Bell? Are you in ba?" tanong pa ni Tita sa akin dahil wala namang sumagot sa kaniya. Ngumiti naman ako ng marahan. "Sure Tita, if gusto naman nila Ate Pam at Ann then why not, we can also bring Claire dahil hindi naman siguro kami magagabihan doon," pahayag ko rin naman sa kaniya sabay tingin kay Claire na hanggang ngayon ay busy pa rin sa kaniyang cellphone. "Sige we'll go. Claire, what about you?" ani ni Ate Pam. Umiling naman si Claire habang hindi nakatingin sa amin. "No thanks, I'm good marami pa kasi akong kailangan gawin kaya kayo nalang ang umalis." "Okay, tapusin niyo na 'yang pagkain niyo para maka-alis na rin kayo agad," sambit pa ni Tita. Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at nagbihis. Nag dress pa rin ulit ako dahil I can't even walk right when I'm wearing a tight jeans dahil na rin sa masakit pa ang baba ko. "Let's go guys!" pahayag ni Andrew kaya nagpa-alam na kaming tatlo kay Tita. "Buy me some cheese burger sa Mcdo kapag pauwi na kayo later ha?" pahayag niya naman. "And our meal nalang pala Pam, alam niyo naman na hindi ako mahilig magluto kaya buy some food for our dinner nalang din." Napatawa naman ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nagbabago si Tita Stephanie. "Copy that Mommy," sagot ni Ann sabay pasok na namin sa sasakyan. Habang nasa byahe ay si Ate Pam naman ang nag-ddrive habang nasa front seat naman si Andrew kaya kami ni Ann ang magkatabi sa likod. Marahan ko naman siyang kinalabit. "I'm planning to apply for a job next month, gusto mo bang sumama sa'kin?" tanong ko kay Ann. Nagulat naman siya sa akin kaya dali-dali niyang itinago ang kaniyang cellphone sa bag. "Akala ko ba mid-year pa tayo maghahanap ng work? Why in a hurry?" pagtatakang tanong niya pa sa akin. "Well I guess sayang naman kasi ang oras at panahon natin if hindi na tayo kikilos earlier, right?" The sole reason kasi talaga is to make myself busy. Baka mabaliw ako kapag nalaman kong positive nga ako for pregnancy. Hindi ko rin naman masisisi ang lalaking 'yon dahil sumama ako sa kaniya at my will. Napa-isip naman siya. "I could go with you sa Manila kapag umuwi ka na and we could start finding a good apartment and a good job, pero alam mo ba girl I have this great idea in mind na pumasok doon sa dating pinagtatrabahuhan ni Daddy na kompanya sa isang Fashion Company na Louis & Diego," ani niya naman kaya napatawa ako. Isang internationally renowned company akay hindi na ako umaasa na makakapasok pa kami doon. "Girl, you really think na tatanggapin tayo knowing na fresh graduates pa tayong dalawa?" Napatawa naman si Ate Pam kaya napatingin kaming dalawa ni Ann sa kaniya. "Ann has such big dreams pero good luck nalang sa pagpasok niyo sa kompanyang 'yan, but I'm not saying na hindi na kayo matatanggap, just try it out," wika pa niya kaya nagkatinginan na kaming dalawa. Ngumiti naman ako kay Ann. "How does it sound, ayos ba?" Tumango naman siya sa akin. "Okay sige, I'll talk with Mom about that mamaya pagka-uwi natin. By the way, kailan ba uuwi si Kuya Uno at nang maka-alis na rin ako dito sa amin?" "Well I think he'll be back home next week kaya may ilang araw pa ako para tumigil dito," pahayag ko pa sa kaniya. Napasimangot naman siya sa akin. "Ehh, I want to go to Manila na, what about the next day pagkatapos ay asikasuhin nalang natin lahat ng mga kailangang requirements for the job, so instead na ikaw ang nag bakasyon dito ay parang ako nalang ang nagbakasyon sa bahay niyo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Ann. I wasn't expecting that dahil ang akala ko ay ako ang magbabakasyon sa kanila for a month only to find out na mukhang mas mapapa-aga pa nga ang balik ko sa bahay ngayon. "Seryoso ka diyan Sis?" biglang singit naman ni Andrew sa usapan namin. "Baka naman pwede mo akong dalhin sa Manila at maghahanap na rin ako ng trabaho," dagdag niya pa. "Ano iiwan niyo talaga ako dito at ngayon lang ako nagkaroon ng oras magbakasyon?" pahayag din agad ni Ate Pam kaya napatawa nalang kami. Nang makarating naman kami sa Sky Ranch ay agad na nagbayad si Ate Pam nang entrance fee na 100 pesos. Agad naman akong namangha dahil sobrang lamig nga talaga dito kahit anong oras, it feels like living on another cold countries kapag nandito ka. "Ang ganda pala dito Ann, parang ayokong bumalik ng Manila for a while," biro ko naman kay Ann kaya agad niya akong hinampas ng mahina. "Nagtataka nga ako sa'yo kung bakit ka naka dress sa ganitong panahon, may masakit ba sa epuks mo girl?" biro niya pa kaya agad akong napatigil sa paglalakad. "You okay, Bell?" tanong pa ni Andrew sa akin. Marahan naman akong tumango sa kanila. "Oo naman, so where do we go now?" tanong ko nalang sa kanila. "Let's go to the amusement parks if you want then we could enjoy the rides and eat in the restaurant and after that last resort natin ang gift shop para may maibigay ka rin kay Tita Sofia at Kuya Uno at para kay Baby Dos na bunso natin," pahayag naman ni Ate Pam. Isang taon lang ang agwat ni Kuya kay Ate Pam pero I know na sobrang ginagalang ng lahat si Kuya hindi lang dahil sa pagiging Doktor niya, kung hindi pati na rin sa personality niyang sobrang solid. Kahit nga na kapatid ko 'yan ay hindi kami masyadong close dahil masyado siuang formal makipag-usap sa amin except lang siguro for Mama dahil alam ko kung gaano ka close si Mama kay Kuya. Tumungo na kaming tatlo sa sinasabi nilang amusement park at ang pumulaw talaga sa atensyon ko ay ang praying hands na sobrang laki sa gitna at ang mga rides na sobrang dami. "Ang dami palang rides dito, siguradong matutuwa rito si Dos kapag nakabisita na siya," pahayag ko pa sa kanila. We started roaming around the place habang panay naman ang kuha ko ng litrato for souvenirs. Kapag kasi nakauwi na kami ng Manila at makapag-umpisa ng trabaho ay alam kong matagal na naman bago kami ulit makabalik dito. "T'was a good day, ano gutom na ba kayo?" tanong naman sa amin ni Ate Pam habang naglalakad patungo sa labas. Napangiwi naman si Andrew dahil habang nag try kami kanina sa drop tower ay halos masuka na siya hanggang sa nag go pa rin kami sa super viking. "I was really about to p**e kanina noong patapos na tayo sa vikings pero pinigilan ko nalang dahil baka tawanan niyo ako," pahayag niya naman sa amin kaya napatawa kaming tatlo. "Let's full our stomach muna bago pumunta ng gift shop," pahayag naman ni Ann while ignoring Andrew's presence. Sumang-ayon nalang din kami ni Ate Pam at dinala niya kami sa restaurant named Jose. "Authentic and masarap ang mga dishes nila dito kaya alam kong magugustuhan niyo Ate and Bell," ani pa ni Ann kaya pumasok na kami. "Hey what aboout me?" reklamo naman sa kaniya ni Andrew. "Okay, whatever I need to go to the restroom." Napa-upo na kaming tatlo samantalang si Andrew naman ay dali-dali pumunta sa men's restroom. "Bakit nga pala hindi sumama si Claire sa atin dito? The place seemed to be in favor sa mga kaedad niya lang right?" tanong ko pa sa kanilang dalawa. Napa-iling naman si Ate Pam sa akin. "Kids nowadays are getting busier in their own world, ni hindi na nga namin maka-usap ang isang 'yan dahil sa puro laro lang at cellphone ang alam." Napatawa nalang din ako at hinayaan na. Nag-order na ng pagkain si Ann at Ate Pam hanggang sa makatapos na kaming kumain. After that, dumaan nalang kami sa gift shop para bumili ng mga souvenirs para kay Mama at Kuya way back home. "Ano tapos na ba ang trip natin dito sa Sky Ranch?" tanong naman sa amin ni Andrew nang makalabas na kami ng gift shop. Hindi na kasi siya sumama sa loob dahil marami na ring mga tao ang nagsisiksikan. "Yup. Daan nalang tayo ng Mcdo para bumili ng dinner," pahayag pa ni Ate Pam. I would love to volunteer na ako nalang ang magluluto for dinner pero bigla ko namang naramdaman na sumasakit pa rin ang baba ko. I can't seem to move or walk normally dahil dito. Myghad! Ganito pala ang feeling ng first time? Ang hirap din pala. Andrew then started the engine for the nth time. Nag drive thru nalang kami sa Mcdo and went home eight in the evening. Nadatnan naman naming nanunuod lang ng telebisyon si Tita at si Claire. "You guys are home, oh kumusta naman ang lakad niyo?" pabungad na tanong ni Tita Stephanie sa amin. "I wasn't fun Mom, nasuka lang talaga ako sa rides, pinilit kasi ako ni Ann," sagot ni Andrew at deritsong pumasok sa kaniyang kwarto kaya napatawa nalang kami. "Mom let's have our dinner na dahil may importante pa akong sasabihin," ani naman ni Ann at hinubad na ang kaniuang leather jacket. Napa-iling naman si Ate Pam at umakyat na muna sa kaniyang kwarto kaya kaming apat lang ang natira dito sa baba. "About what?" pagtatakang tanong ni Tita sa kaniya. "Bell and I were planning to work next week," pahayag niya naman kaya nagulat naman ako. Masyado naman palang excited talaga 'to na makapagmanila si Ann.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD