Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan kung paano ako inalaagan ni Diego noong nakaraang araw. Wala kasi si Ann noong inihatid niya ako sa condo kaya siya nalang ang nag-alaga sa akin buong gabi. Ang akala kong gagawin niyang advantage ang pagiging lasing ko para may gawin siyang masama ay hindi nangyari. “Hoy, Bella! Kanina ka pa nakatunganga diyan, si Sir Diego pa rin ba ang iniisip mo ha?” Nagulat naman ako sa pagsulpot ni Ann sa harapan ko. “Ikaw, kung ano-ano na naman ang sinasabi mo tungkol sa akin. Alam mo namang friends lang kami ni Diego.” “Friends? Ganyan ka ba talaga ka manhid, Isabella Maxine? He’s doing crazy things just for you. Hindi ko pa rin ba makita ang efforts niya?” Napa-iling naman ako dahil ayoko kasi talagang mag-assume, at the same time natatakot din a

