KABANATA 4

1082 Words
Maayos naman na nakatulog si Nadia. Nagulat na nga lang siya dahil pag gising niya ay wala na si Paul, at tanging si Jasper na lamang at Badong ang nakabantay sakaniya. “Tinanghali na pala ako.” Napahilot pa si Nadia sakaniyang sentido. “Almusal kana ate nakaluto na po kami nila kuya Paul bago siya umalis.” Curious siya kung saan ito nag punta kaya naman naitanong niya. “Si kuya ba ninyo saan s'ya pumupunta kapag ganitong umaga?” “Tindero po si kuya Paul. Iyon po trabaho n'ya, at kami naman po palihim na kumakalkal ng basura. Ayaw kasi ni kuya na mag trabaho rin kami. Nahihiya kami sakaniya kaya hindi namin mapigilan na manatili lang dito sa bahay.” Si Badong ang nag paliwanag sakaniya na ikinatango naman niya. "Si Mama lang naman ang walang hiya sa amin eh.” Naiiling na sabat ni Jasper. Nakaramdam siya ng awa sa dalawa. Bata pa ang mga ito ngunit mulat nasa reyalidad ng buhay. “Sige ha, mauna na 'ko. Salamat sa tulong. Pakisabi sa kuya ninyo na masusuklian ko din ang nagawa n'ya. Ayaw ko na talagang may nagiging utang eh.” Inayos ni Nadia ang sarili niya. “Pero wala ka naman pong utang na loob sa amin. Ihahatid kana namin ate kasi ibinilin ka sa amin ni kuya Pual. Ito nga po pala pamasahe mo na bigay niya.” Inabot ni Badong ang dalawang daang piso. Pagak siyang natawa. Bakit ba nakokonsensya siya na iniisip niyang gaya lang rin ito ni Rod? Sa una lang 'to. Sa una lang naman magagaling ang mga gaya ni Rod na galing lang din sa putik pero nung makatapak sa semento ay iniwan na s'ya. Hindi dapat siya mabulag sa simpleng tulong na 'to. “Ibabalik ko 'to pakisabi sakaniya.” Hindi na kumibo ang dalawa. Hinatid siya ng mga ito sa sakayan ng jeep. Nakatingin siya sa dalawa habang palayo ang jeep na sinasakyan niya. Oras na maging maayos na ang sitwasyon niya at kahit paano makarecover na siya sa sakit na ipinadama ni Rod sakaniya. Malaki ang posibilidad na balikan niya si Jasper at Badong upang mag bigay ng tulong para makabalik ang mga ito sa pag-aaral. Bumungad si Manang Selma sakaniya ng makauwi siya. Grabe ang pag-aalala nito. Mahigpit siya nitong niyakap. “Ikaw na bata ka! Nahihibang kana ba?! Saan kaba galing, ha? Unting oras nalang ire-report na kita sa pulis na missing person kana. Hija 'di porket iniwan ka ni Rod ay susuko kana. Napakaganda at talino mo para sayangin ang buhay mo sa walang kwentang lalaki na iyon. Makakatagpo karin ng lalaking totoong mamahalin ka, at hindi si Rod ang lalaking iyon. Hindi s'ya ang nakatadhana sa'yo.” Hindi nakakibo agad si Nadia. Ilang segundo muna bago siya nag salita. “Manang Selma mag impake kana. Hindi ko na nais pang manatili dito. Babalik na ako sa dati kong buhay. Isasama kita, at ipapakita ko sa lalaking iyon na mali s'ya sa desisyon niya. Mawawala din ang sakit na 'to magiging maayos din ako.” Pinatatag ni Nadia ang loob n'ya. “Ganiyan nga hija lumaban ka.” Tumango siya bago nag paalam kay Manang Selma na mag aayos lamang ng mga mahahalagang gamit niya. Dinampot din ni Nadia ang phone niya na nasa side table ng kaniyang kama pag pasok niya sa kwarto. Una niyang tinawagan ang family lawyer nila upang masiguro na wala ng bisa ang kasal nila ni Paul. Nagulat pa ito ngunit ibinilin niyang wag itong mag sasabi sa parents niya. Sumunod ay ang driver nila ang tinawagan niya upang mag pasundo. Hindi niya aasamin ang maliit na bahay na pinundar nila ni Rod. Tulong nalang n'ya ito sa ex-husband niyang malapit ng mawalan ng trabaho at gumapang sa hirap. Inubos lang ni Nadia ang luha niya. Ngunit ngayon ay handa na siyang mag simulang muli. Ipapakita niya kay Rod kung sino ang babaeng sinayang niya. Ang babaeng sinabihan niya na walang mararating at walang natapos, ay ang nag i-isang anak na babae lang naman ng mag asawang Imperial, at ang heiress ng pamilya. “Hija what happened?” Sinalubong siya ng ina niya na may pag-aalala. Nakita kasi nito na dala ng driver nila ang mga gamit niya. “Mom pwede bang dito na muna ako? Pansamantala lang naman dahil ipapalinis ko pa ang bahay ko sa villa hermanoz.” Napakunot ang noo ng Mommy n'ya. “Why? Bakit biglaan yata? Doon na ba ang lipat ninyo ni Rod? Sandali, bakit ikaw lang ang may dalang gamit?” “Mom, let's talk about it later. Si Manang Selma nga pala. S'ya ang kasama ko sa bahay.” Napatango naman ang ina n'ya. “Bakit mamaya mo pa sasabihin? Hindi ba pwedeng ngayon na?” Sumabat ang ama niyang nakamasid na pala. “Manong pakisamahan na muna si Manang Selma sa magiging silid niya.” Utos ni Nadia na sinunod naman agad nito. Hinarap ni Nadia ang ama niya ng sila nalang tatlo. “Dad divorced na po kami ni Rod.” “Alam ko, sinabi na ng family lawyer natin.” Sabi na nga ba't ano man ang ibilin niya ire-report din ito ng lawyer nila. Loyal ito sa ama niya. “Niloko ka? Sinaktan ka? Physically and emotionally? Sabihin mo Nadia para mabigyan ko na ng leksyon ang g*gong lalaki na iyon. Sabi na nga ba't kapag nakatikim na ng kaunting ginhawa iyon ay lalaki na ang ulo.” “Dad ako na ang bahalang mag turo ng leksyon sa lalaking iyon. Ibalato mo na sa akin 'to.” “Bumalik kana, at ikaw na ang mag manage sa kompanya. Tigilan mo na ang pananatili sa labas. Hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo anak.” Pangungumbinsi ng ama niya. “Babalik na po ako Dad, pero gusto ko parin na seperate ng tirahan. Gusto ko na may sarili akong buhay na 'di ko kailangan umasa palagi sainyo. Don't worry Dad mag fo-focus na ako sa negosyo natin. Ngunit hinihiling ko lang na ibalato na ninyo si Rod sa akin.” Pakiusap niya. “Ayaw ko ng ahas sa kompanya ko, at mas lalong ayaw ko ng hampas lupang sakim kaya alisin mo ang g*gong iyon. Pinag bigyan na kita sa mga gusto mo. Itinago ko ang identity ko alang-alang sa'yo anak. Ngunit ngayon, matutumba siya sa panglalambot oras na makikila niya ang pamilyang pinaggalingan mo.” Tumango na lamang siya sakaniyang ama at tinanggap lahat ng sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD