Chapter 2

1170 Words
"Ikaw ba talaga yan?" ilang beses kong kinilatis ang pagmumukha nito. I touched his eyebrows, eyelids, noseline, cheeks, ears, jaws and even his lips, siya talaga si Xeno Fierro. He just smiled at me and help me get up, para naman akong matutumba ulit. Pero ibang fall na ang mangyayari sakin. This time I'll fall for him na. Chos. Tahimik lang kami habang inaalalayan niya akong lumabas ng rest room. Ang daming nakatingin samin, nauudlot na nga pati make-out ng ibang tao dito sa bar. Feeling ko pati music at ilaw ng bar, nakikisabay na rin sa bawat yapak ni Xeno. "Don't worry. Medyo kilala lang ako dito kaya maraming nakatingin sa'tin." Nakakabingi ang bilis ng heartbeat ko. Totoo nga, ramdam ko ang talim at sakit ng titig ng mga babae sakin. I heard him sighed. Wala nang may lakas ng loob na umimik saming dalawa. It took me few minutes to ask him to take me to our table kung nasan nandun ang kasama ko pero laking gulat ko ng wala na ito doon. "Mukhang iniwan ka na ng kasama mo." kitang kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala pero may halo ding pagkatuwa. Bakit siya natutuwa? Dahil sa nangyari kanina o dahil iniwan ako ng hinayupak na kasama ko? Siguro hindi niya inaasahang mapapadpad ako sa ganitong lugar. Sino ba naman kasing babae ang gugustuhing mag-bar hoping. Not only that, hindi na ako kung sino-sinong babae lang ngayon. Dahil isa akong babaeng dapat nagtuturo sa mga batang huwag pumasok sa bars, huwag maglasing at huwag magpagabi sa daan. I should be a role model to our students. Hindi pa rin ako binibitawan sa braso ni Xeno when he took a step. Napasunod din ang katawan ko sa kanya. I can feel my butts aching at ang kirot sa noo ko. I manage to smile at him. Alam kong paminsan minsan ay tumitingin din siya sakin. Gusto kong magpa-awa para ihatid niya ako sa bahay. Gusto kong sabihing sobrang sakit ng pwet ko. Gayahin ko kaya 'yong mga napapanood ko sa koreanovelas? Umarte kaya akong hirap na hirap sa paglalakad para buong magdamag kaming magkasama ni Xeno? Pathetic right? Pero minsan lang 'to kaya susulitin ko na. I tried my best to walk at maupo sa bakanteng pwesto namin. Nakatayo lang si Xeno at parang nag iisip. "Just enjoy the night sir. Okay lang ako dito, alam kong babalik din naman 'yon. Baka nagsasaya lang sa gitna, dancing or drinking." sinamahan ko na ng konting drama ang sinabi ko. Para naman isipin niyang desidido talaga akong maghintay mag-isa. "Are you sure about that?" Nako naman. Don't tell me iiwan niya talaga ako dito. Mag isip ka ng isasagot Athena. Bilisan mo. Jusko. Bilisan mo, baka mawalan ka na ng egg cells mamaya niyan. Di ka na magkakaron ng asawa. "Hmm. Oo, kapag hindi siya bumalik after an hour, uuwi na ako MAG-ISA." Ibinalik ko ang lonely eyes ko. I'm sure hindi niya kakayanin ang salitang mag-isa. "Mind if I'll take you home?" napahawak ito sa inuupuan ko. Nagulat nalang ako ng hinawakan ako nito sa braso. "Delikado para sa isang babaeng umuwi ng mag-isa. Gabi na, maraming loko sa daan. And with your condition, ayokong sisihin ang sarili ko if something happens to you." "Yes!" Napatakip ako sa bibig ko. Agh! Ang tanga ko nga naman. Napatigil ito at nagtatakang ibinaling ang tingin sakin. "Huh?" "Yes, kasing ihahatid mo ako. Yes kasi hindi ako mag-isang uuwi. Hehe." kulang nalang sabihin kong yes kasi kasama kita. Yes kasi ihahatid mo ako. Pero syempre explanation to the max tayo mga besh. Ang bilis ng pangyayari at hindi ko namalayang nasa loob na kami ng kotse niya. Btw, he's not using a sports car. Mukhang mas gusto nito ang mga malalawak na kotse kaya 2016 model ng Innova ang sasakyan nito. Kulay puti ito, ang linis at sobrang bango sa loob. Parang gusto ko ng sumakay sa sasakyan ni Xeno habambuhay pero syempre mas pipiliin kong makasama si Xeno habambuhay. Sakto lang sa speed limit ng takbo namin when he ask my address. Sabi ko sa kanto nalang ako papuntang Nicelana Towers bababa pero kumontra naman ito. Hindi kaya gusto niya akong ihatid ng door to door? Muling napuno ng katahimikan ang buong byahe naming dalawa. Parang triple nga ang layo nito mula kanina dahil sa traffic. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang hinihintay ang green light. Sakto namang may dumaan na dalawang taong magkahawak ang kamay. May nakasampang bata sa likod ng lalaki at nakangiti naman ang babae. Tumatawid sila at bakas ang saya sa galaw ng mga ito. Isang pamilya. "SUMMER" Napalingon ako ng biglang magsalita si Xeno. Nakatawid na ang pamilya sa kabilang street. Masaya pang sumigaw ang bata ng 'Where are we going, Jollibee's house.' Napahigpit naman ng hawak sa manibela si Xeno at walang pakuno ay pinatakbo ang sasakyan. Beating the red light ang nangyari samin kaya sobrang kinabahan ako dahil baka mahuli kami ng police. Mabuti nalang nakaseat belt ako at walang bantay. Nakakatakot ang biglang pagbabago ng mood niya, ang mas ikagulat ko ay ng makita kong may namumuong luha sa mga mata ni Xeno. Hindi kaya 'yon ang first love niya? Ang Summer na tinutukoy ng mga naging estudyante niya? Minsan na kasi nilang naikwento sakin ang babaeng unang minahal ni Xeno. Sabi pa nga nila, wala nang balak magmahal muli ang guro dahil sa sobrang guilt na naramdaman nito after what happened to his first love. Hindi lang basta pahinga ng puso ang kelangan niya, he needs to heal and breath from pain. Tahimik ako hanggang sa nakarating kami sa address na ibinigay ko. Walang imik. Walang ngiti. At ni minsan hindi na siya tumingin sakin. Para akong may nakakahawang ketong dahil takot na takot siyang titigan o silipin man lang ako. Hindi ko na rin ito nagawang tanungin dahil ayokong manghimasok sa buhay niya. Ayokong masigawan tulad ng mga babaeng napapanood ko sa drama. Nakatanggap lang ako ng goodbye sa kanya as he drops me. Mabilis pa sa alas kwatrong pinatakbo nito ang sasakyan. Hindi ko naman alam kung magiging masaya ba ako o malungkot sa nangyari. Dahil sakin nakita niya ang ex niyang kasama ang asawa nito at dahil sakin naudlot ang clubbing niya. "Sorry." sabi ko habang sinusundan ng tingin ang sasakyan niya. Sana makauwi siya ng safe sa bahay nila at sana bukas makita kong nakangiti na siya ulit. I know it's too painful for him, I know. Hindi sapat ang buwan at taon para mawala ang sakit. Hindi sapat ang pekeng ngiti para masabing wala na siyang nararamdamang sakit. Hmm. Kaya nga sabi nila napakasarap magmahal pero napakahirap mag move-on. Mag iisip nalang ako ng way to thank him and to ease his sadness. Bukas na bukas din papadalhan ko siya ng bulaklak with a sweet message on it. I hope magustuhan niya 'yon kesa hanapan ko siya ng isang ways to move on book.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD