C26 HH SPG Namilog ang aking mga mata ng makita ang lalaking bumalagta sa buhangin. Mabilis ko namang kinuha ang mga anak namin na nag-iyakan habang panay pa rin ang pagbugbog ni Ansel sa lalaking humila sa akin kanina. Agad namang nagdatingan ang mga security guard sa resort at inawat si Ansel. “Sir, tama na po,” wika ng isang guard na humawak sa kanya dahil pilit pa rin na kumawala ni Ansel dito. Nang huminahon na siya ay agad niya akong hinila habang kinuha niya sa akin ang mga anak namin. Mabilis naman ang mga hakbang kong sumunod sa kanya dahil sa bilis ng kanyang paglalakad. Nang makarating kami sa room namin ay agad niya akong tinulak sa loob. At nilagay ang mga bata sa kama. Lumapit naman ako sa mga anak namin para sana paliguan sila dahil basa sila at nababasa ang kama. Pero

