C9 HH KASALUKUYAN ONE YEAR LATER JELL POV “Nay, bakit mo kayo nagmamadali?” tanong ko kay Nanay habang mabilis siyang nagbihis, nasa silid nila kasi kami ng mga bata dahil sanay itong katabi ang lola at lolo nila. “Naku anak, dumating ang anak na bunso ni Sir Benjamin, kaya kailangan kong pumunta sa mansion para ipagluto siya.” Napatango naman ako kay Nanay habang dumided* si Jax sa aking dibdib, ang dalawa naman niyang kapatid ay natutulog. “Anak, ikaw na muna ang bahala sa mga bata ha, kailangan kasi namin ng Tatay mo na pagsilbihan si Sir,” “Okay lang po Nay, kaya ko naman po sila, kung kailangan niyo po ng tulong doon tawagin niyo na lang po ako kapag nandito si Tatay,” ngiting sagot ko kay Nanay, alam ko kasing mahirapan siyang maglinis kapag siya lang dahil malaki ang mansion

