C33 HH “A-ayaw ko,” mahinang wika ko dahil ayaw kong pagtatawanan nila ako. alam kung niloloko lang nila ako. dahil hindi ako ang baba’eng pakakasalan ni Ansel. “Anong sabi mo?” Napalingon ako sa kanya at nakita ang madilim niyang mukha habang nakatingin sa akin. nanlilisik din ang kanyang mga mata habang titig na titig siya sa akin. “’Wag n-niyo na ako paglaruan please, a-alam ko naman na a-ayaw mo sa akin,” wika ko sa kanya habang niyuko ko ang aking ulo. Bakit niya ba ako kailangan lukuhin? Kulang pa ba ang ginawa niyang pananakit sa akin, kaya gusto na naman nila akong pagtawanan. “Do you think I’m joking?” napadaing ako ng hawakan niya nang mahigpit ang aking braso, kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya. “Tsk. baka madagdagan lang ‘yang pasa mo. Pumerma ka na.” Nanginginig ang a

