Prt. 2 Kabanata 77: Armadong mga Lalaki MABILIS na lumipas ang mga araw at nagawa na ring masanay ni Denzel sa kanilang set up ni Hezekiah. Sa unang mga araw na magkasama sila sa isla ay medyo nahirapan siya lalo na pag-aalaga sa lalaki. Kailangan pa nitong paliguan, damitan at iba pang bagay na hindi kayang gawin ni Hezekiah ay kanyang ginagawa. Ngunit, kahit na mahirap ang ganoong bagay ay kanyang nakayanan. At habang ginagawa niya iyon ay masaya pa siya. “Agang ganda ng sunset ano?” tanong ni Hezekiah habang magkatabi sila nitong pinagmamasadan ang paglubog ng araw. Napagiti si Denzel. Kitang-kita pa niyang mga ibon na lumilipad at nagmamadaling magtungo sa puno na tutulugan ng mga ito. “Sobrang ganda, hindi mo makikita ang mga ganitong bagay kapag na sa siyudad tayo.” “Kaya ayok

