SB 1

1376 Words
Kabanata 1: Honey Bee "BAKIT ka umiiyak?" isang simpleng tanong ang nagpahinto saglit ng iyak sa batang si Denzel. Tumingala siya sa isang batang lalaki. "Kasi iniwan na ako ng Mama at Papa ko." "Talaga? Saan sila pumunta? Gusto mo tulungan kitang hanapin sila?" "Wala na sila, patay na." "Patay na? Bakit namatay?" inosenteng tanong ng batang lalaki. "Pinatay sila, eh. Nakita ko binaril tapos sinuntok." "Kawawa ka naman pala, ako nga pala si HB," inilahad nito ang kanyang kamay. Nang hindi nakipagkamay si Denzel ay kusang kinuha ng batang lalaki ang kamay niya. "Friends na tayo, ha?" "Sige, kaibigan na kita." Ngumiti silang dalawa. Ilang saglit pa'y may dumating na lalaki. Napangiti si Denzel at humawak ito sa kamay ng bagong dating. "Tito Lumino si HB po, bago kong kaibigan." "Hoy!" Napagalaw sa upuan si Denzel nang gulatin siya ni Lauriate. "Ano na naman ba ang iniisip mo diyan? Naku, sa mga afam ba 'yan na nakita natin sa porn site?" walang pakialam na tanong ni Lauriate habang kinukuha nito ang kulangot sa ilong. "Huwag mong lakihan ang boses mo. Baka may makarinig. Naku papatayin talaga tayo ng teacher natin." "Ay sos, sis... Di natin alam na baka mga teacher natin ay nanonood din," bumungisngis si Lauriate. "Bwesit ka talaga," natawa si Denzel sa kaibigan. "Ano? May bago ka bang nakita na video?" "Sis, kung hindi mo naitatanong. Kagabi pa ako may mga nakitang source." "Talaga?" nagliwanag ang mukha ni Denzel, "may na-download ka na ba?" "Siyempre, ako pa! Take note scandal to ha," kinikilig si Lauriate. Tila na nakuryente ito ng vibrator dahil sa kalandian. Iwan ba niya. Hindi naman sila mga ganito dati noong third year high school pa sila. Ngayon lang talaga sila nagloko na malapit ng magtapos ng high school. "Sino na naman ang nasa Scandal? Don't tell me iyon na namang mukhang talangka na babae at mukhang langaw na lalaki?" Hindi na yata scandal iyon. Kasi every weekends may ina-upload na video sa profile nila. "Iba na ito, ano ka ba. Like legit na scandal to." "Sige pasa mo sa akin dali," biglang naging excited si Denzel! "Denzel, Lauriate," natigilan silang dalawa nang dumating si Crim. "Huwag nalang, basta send mo sa mail ko mamaya." Nagmamadaling itinago ni Denzel ang kanyang cellphone. Maging si Lauriate ay ganoon din. "Nandito lang pala kayo ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa? Kanina parang excited kayo ngunit nang dumating ako ay tila natigilan kayong dalawa?" "Wala naman?" mabilis na tugon ni Denzel. "May pinag-usapan lang kami like iyong mga sikat na artista." "Oo," pagsang-ayon ni Lauriate. "Mga masasarap ay esti! Magagaling na artista." Tinadyakan ni Denzel ang paa ni Lauriate dahil kung ano naman ang kamanyakang pinagsasabi ng kaibigan. Baka mahuli pa sila nito ni Crim. "Ahh," malutong na tumawa si Crim. "Ganoon pala. Paano Den? Uwi na tayo? Ihahatid nalang kita sa parking lot. Malamang hinihintay ka na ngayon ni Lumino." "Hinihintay?" kumunot ang kanyang noo? Bakit naman siya hihintayin ni Lumino? Sa sobrang busy niyong kumupkop sa kanya ay wala na itong oras para kay Denzel. "Hindi mo ba alam na may dinner date kayo ngayon?" "Dinner date?" umiling si Denzel. "Walal naman siyang sinasabi sa akin ha? Kahit text man lang ay wala nga eh." Labis na naiintindihan ni Denzel kung gaano ka-abala ngayon si Lumino. Bukod sa marami itong inaasikaso sa opisina ay nai-stress pa ito sa ibang agents. Ang lalaki ng mga sweldo tapos wala namang ganap sa misyon. Puro kapalpakan ang hatid! "Maybe ngayon lang nagka-oras si Lumino. Kaya kung ako saiyo ay umuwi ka na dahil hinihintay ka na ng kanyang mga guard." "Ano?" napatayo si Denzel. "So bawal na ako tumanggi?" Ngumiti ang gwapong mukha ni Crim. Mas lalo itong sumasarap, esti! Mas bagay sa lalaki kapag nakangiti. Si Crim palang ang nakikita ni Denzel na pinakagwapo sa buong campus nila. Well, may mga gwapo naman ngunit iba ang kagwapuhang taglay ni Crim. "Sige na sis, wala ka nang takas sa Tito mong agent," pagtutulak ni Lauriate ngunit ang mga mata ng bruha ay nakatuon sa gwapong mukha ni Crim. "Ako ba ang sinabihan mo o si Crim?" "Ha?" nagbalik ito sa ulirat. "Saan ba ako nakatingin?" "Sa tingin mo? Saan ngayon ang mga mata mo?" "Kay Crim." Tumawa si Denzel, "sige na Crim baka raw hinihintay ka ng Tito mong agent." Tawa ng tawa si Denzel animo'y sila lang ang mga tao sa cafeteria. "Hay naku, puro kayo kalokohan dalawa," medyo nailang ang lalaki sa malagkit na tingin ni Lauriate. "Lauriate," sambit ng lalaki. Hindi na ito nakapagpigil. "Yes Crim?" nagliwanag ang mukha ng gaga. "May lahi ka bang aswang?" "Ha?" kumunot ang noo ng babae at kaagad itong nag-iwas ng tingin. "Hindi porket tinitigan lang kita, eh, aswang na kaagad? Hindi ba puwedeng tinitigan lang kita dahil ang sarap mong halikan." Muling umalingawngaw ang buong cafeteria. Mabuti na lamang at walang pakialam ang mga tao sa loob. Kagaya nila ay may mga sariling mundo rin ang mga ito. "Hay, puro ka kalokohan Lauriate," napabuntong hininga si Crim. "Hayaan mo, ililibre kita ng chowking." "Para tong timang," sumingat ang babae. Sa lahat ng ayaw nito ay ang inisin siya gamit ang sikat na fast food chain na chowking. Hindi naman kasi doon hango ang kanyang pangalan. Ang Laur ay galing pa sa pangalan ng kanyang ama na si Laurel. At ang Riate naman ay sa kanyang ina na si Ria dinagdagan lang ng 'te' kasi raw ate ito! Iyon ang palaging paliwanag ng kaibigan kay Denzel. "Hindi ba sinabihan na rin kita tungkol sa pangalan ko? Haler, hindi kaya ako mukhang pinaghalong pagkain? At isa pa lauriat iyon ang akin Lauriate," tumataas na ang boses ng kaibigan. Ngunit, imbes na mabahala si Denzel ay natutuwa lang siya. Lalo pa't napapansin niyang nagpipigil si Crim ng tawa rito. "Nakuha mo ba ako Crim?" dagdag nitong tanong. Tumango si Crim, "yes chowking." Sobrang lakas ng tawa ng lalaki. Sa inis ni Lauriate ay binato nito ng empty bottled water ang lalaki. Tawang-tawa si Crim habang iniiwasan nito ang pagbato ni Laruiate. "Hay, kayo talaga. Ang hilig ninyo sa mga ganyan. Kaya mami-miss ko kayo, eh." "Bakit?" napatigil si Lauriate at kumunot ang noo nito. "Saan ka ba pupunta?" "Ano pa ba? Malapit na tayong magtapos kaya pipili na tayo ng tamang landas." "Wala pa ba tayo sa tuwid na daan?" kumunot ang noo ng babae. Alam ni Denzel na binibiro lang siya ng kaibigan. "Nasa tuwid na daan na tayo, lubak-lubak nga lang." "Alam niyo," muling sabat ni Crim. "Kapag parati kayong nagsasama dalawa ay daig niyo pa ang tambay sa kanto. Kung ano nalang ang lumalabas sa bunganga ninyo." "Ayan, sis...nagsimula naman ang pastor sa pangangaral. Bago paman maging pari 'yan ay umalis ka na at puntahan mo ang mga guard ng Tito mo." "Mukhang iyon nga ang aking gagawin," ngumisi siya sa kaibigan. Kinuha ni Denzel ang kanyang mga gamit. Humalik siya kay chowking, esti, Lauriate at nagpaalam na. Sumunod kay Denzel si Crim. Hindi niya alam na sasama pala ang mokong. Eh, akala ba niya ay silang dalawa lang ng kanyang Tito Lumino? "Saan ka pupunta?" huminto siya at tinitigan ang guwapong mukha ng lalaki. "Hindi ba sinabi ko na ihahatid kita sa parking lot?" "Huwag nalang." "I just wanna check kung pupunta ka nga. Kilala kita Denzel, minsan, may sayad din ang utak mo," diri-diritso lang ang sambit ng lalaki. "Grabe ka sa akin, ha. Kapag talaga nagiging magaling na ako sa karate ay naku, iwan ko lang, babasagin ko iyang dalawang itlog mo." Napangiwi ang lalaki at kumunot ang mukha. Tila hindi nito inakala na masasambit iyon ni Denzel. "Kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bunganga mo. Hindi ko alam kung epekto ba 'yan sa pagiging magkalapit ninyo ni chowking." "Para kang timang," tumawa silang dalawa. "Sige na. Umalis ka na. Importante ang dinner namin ni Tito kaya hindi ko ito palalampasin." Ngumiti siya sa lalaki. "That's good to hear then honey bee." Kumindat ang lalaki sa kanya at tumalikod na ito. Kaagad na pinamulahan ng mukha si Denzel. Mukha na pala siya ngayong pulot pukyutan? Sira ulong Crim na 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD