Prt. 1 Kabanata 76: Pagmamahal ni Hezekiah MABILIS na lumipas ang mga araw at nanatili parin sila sa ospital. Halos hindi na umuwi si Denzel sa kanila dahil sa pag-aalaga kay Hezekiah. Nangako siya sa lalaki na hindi niya ito iiwan hangga't wala pa siyang misyon. "Pupunta dito ang doktor mo upang tingnan ang iyong kalagayan. Kung baka sakaling may improvement sa operasyon ay magsasabi siya kang kung kailan ang iyong discharge." Inayos ni Denzel ang kumot ng lalaki. "Nararamdaman ko naman na maayos na ang kalagayan ko dahil hindi na sumasakit ang operasyon. Ang mga sugat ko rin ay gumaling na. Baka sa susunod na araw ay maaari na akong makalabas." "Alam ba ng mga taga linis sa isla na pupunta tayo rito at doon pansamantalang titira?" para naman maihanda na ng mga ito ang bahay at mala

