--*
π²πΎπ½π½πΎπ πΏπΎπ
π½π°π½πΆ πππΌππ½πΎπΆ π°π½πΆ π°π»π°ππΌ ay inabot ko iyon saka pinatay habang nakapikit ang mga mata. Nag-aalarm ako para magising ako ng maaga. Anong oras na kasi ako minsan natutulog para maglaro ng online games. Iyon ang pinagkakaabalahan ko kapag nagpapaantok ako.
6am naman ang trabaho ko sa umaga bilang TSS. Technical support Specialist. Taga ibang bansa ang amo ko.
Tapos 2pm naman ang tapos ng trabaho ko. Dati akong maneger ng isang fastfood noon. Pero nagsawa na ako kaya ngayon ay isa ng TSS at sa bahay na lang nagwowork. Mas gusto ko kasing tahimik at walang magulo o maingay. Ganito siguro kapag tumatanda na. Hindi na mahilig sa maiingay na lugar. Mas gusto ko pang mag-isa at tahimik habang nagwowork.
35 na ako, pero wala paring asawa. Hindi pa kasi akong handa para mag-asawa kahit stable na ang buhay ko. May ipon na ako sa bangko at lahat ng sahod ko ay tinatago ko doon. Hindi na rin humihingi si papa sa sahod ko dahil may negosyo na siya.
Pero kapag may kailangan lang ay saka lang nanghihingi si papa sakin, pangdagdag sa gastusin.
Tinutulak na nga ako ni papa na mag-asawa na pero wala talaga akong gana o lumagay sa tahimik. Sa ngayon kasi ay gusto ko lang magtrabaho.
May karelasyon ako noon pero mas pinili niya ang kanyang career sa ibang bansa kesa makasama ako. Kaya simula no'n ay hindi na ako nagkaroon ng ka-relasyon at nagpukos na lang sa trabaho.
Bumangon na ako mula sa kama at naghikab sabay unat ng katawan ko. Medyo napuyat ako kagabi dahil sa nilalaro kong online.
Trabaho at laro lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Pero kapag nagyaya naman ang mga kaibigan ko ay sumasama naman ako kaya nakikipag-sosyalife parin ako.
Pero hindi ako nang-babae o nakikipag-flirt. Mga kaibigan ko lang ang may gusto no'n dahil gusto na nila ako mag-asawa.
Pumunta ako sa banyo para maligo na. Nang matapos ay nagbihis ako ng pang-bahay. Mamaya na ako magsusuot ng pormal. Pero hindi gano'n ka pormal dahil hindi naman nila ako nakikita. Ang boss ko lang na si Mr. David Carter.
Matapos magbihis at magsuklay ng buhok ay lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina. Magkakape muna ako dahil wala pa si manang para magluto ng breakfast. Mamaya pa 'yun papasok, mga 5am dahil hindi naman siya stay in.
Hindi na kami nagpapa-stay in ng katulong dahil wala naman sila magiging kwarto sa bahay. Malapit lang naman ang bahay ni manang sa village.
Pagdating sa kusina ay agad akong nagtimpla ng kape. Coffee is life talaga ako at hindi nawawala iyon sa aking buhay.
Marunong naman ako magluto kaya ako minsan nagluluto. Pero simula ng maging busy ako sa trabaho ay wala na akong time para magluto.
Natuto akong magluto ng turuan ako ni Mama noong binata ako dahil chief 'din siya kagaya ni papa pero iniwan naman niya kami.
Si papa naman ay isang chief sa maliit niyang restaurant. Tinayo nila iyon ni mama noon. Pero ngayon si papa na ang nagmamanage no'n. Akala ko nga isasara ni papa iyon dahil sa pag-iwan samin ni mama. Pero hindi, tinuloy niya parin para makatapos lang ako ng pag-aaral. Kaya nagsikap ako noon para matulungan siya.
Sobrang hirap ng pinagdaanan ni papa noon dahil sa pag-iwan samin ni mama. Hindi man niya ipakita sakin na umiiyak siya. Pero alam ko, at nahuhuli ko siyang umiiyak. Kaya siguro wala pa akong asawa dahil ayaw ko ng iwan ako.
At hindi lang pala si manang ang katulong namin sa bahay. May isa pa kaming katulong para sa gawain bahay. 7am naman ang pasok ni ate Judith at kapag tapos na ang trabaho niya ay nauuna siyang umuwe kesa kay manang.
Pumunta ako sa taas. Not totally dahil hindi naman up and down ang bahay namin. Limang baitang lang at makakarating kana sa taas. Dalawang kwarto doon, isa sakin at kay Krystal naman ang isa. Pinagtapat pa kami ng babaeng 'yun. Nasa baba naman sina papa at ang bago nitong asawa.
Tanggap ko na naman ang pag-aasawa ni papa dahil matagal na panahon na rin naman siyang walang asawa. At may pangangailangan rin siya bilang lalake. Nakakainis lang ang anak ng stepmom ko at nakakairita dahil panay ang tawag ng kuya sakin. Hindi naman kami magkapatid.
Ewan ko ba, kong bakit ako naiirita sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama sakin. Siguro dahil sa pagiging makulet nito.
Pagdating sa taas ay napalingon pa ako sa kwarto ni Krystal.
Huminga ako ng malalim saka naglakad na patungo sa veranda ng bahay. Binuksan ko ang nakalock na pintuan ng veranda bago tinulak pabukas at lumabas ako sa veranda.
Humaplos agad sa mukha ko ang malamig ng simoy ng hangin. Malamig pa ang simoy ng hangin dahil madaling araw pa at madilim pa ang paligid. Hindi pa pumuputok ang liwanag ng araw.
Ang tapat ng veranda sa taas ay ang maliit na swimming pool. Hindi na masyado nagagamit ang swimming pool dahil busy ako palagi sa workn
Busy rin si papa kaya hindi na nagagamit ang swimming pool. Wala na ngang tubig dahil pinaalis kona.
Makalipas ng ilang sandali ay dumating na rin si manang at nagluto na ng almusal namin. Ako naman ay pumunta muna sa kwarto ko habang nagluluto si manang sa baba.
Lumapit ako sa desk ko saka binuksan ang laptop ko. May maliit akong opisina sa loob ng kwarto ko. Wala na kasing bakante na kwarto kaya dito na lang sa loob ng silid ko dahil medyo malaki naman ang kwarto ko kumpara kay Krystal.
Nagtipa-tipa muna ako sa laptop ko para mamaya ay mabilis na lang ang mga trabaho ko.
After 30mins ay naramdaman kong may kumatok sa pintuan at narinig ko ang boses ni manang.
" Sir luto na po ang almusal."
" Okey." Walang ganang sagot ko. Hindi naman soundproof ang kwarto ko kaya maririnig niya ako.
Pagkatapos ay tumayo na ako sa kinauupuan ko saka naglakad na patungo sa pintuan. Hindi kona pinatay ang laptop ko dahil mabilis lang naman ako.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at hindi kona nakita si manang sa labas ng kwarto ko, kundi si Krystal ang nakita kona kalalabas lang ng kwarto niya habang nag-uunat at nakapikit ang mga mata. Mukhang kinatok rin siya ni manang para kumain ng almusal.
Napatitig ako sa maganda niyang katawan kasabay ng pagkislot ng alaga ko. Hindi ko alam kong bakit gano'n ang reaction ng alaga ko kay Krystal. Samantalang anak ito ng asawa ni papa. Napamura tuloy ako sa isip. Hindi ko ito pwede maramdaman dahil bata pa ito at hindi ko rin dapat ito maramdaman at anak ito ng stepmom ko.
Umiwas agad ako ng tingin sa kanya dahil nag-iiba ang tema ng katawan ko at nagsimula ng maglakad. Narinig ko pang binati niya ako.
" Good moaning kuya." Masaya ang tonong bati niya. Pero nairita na naman ako sa kanya. Hindi ko siya pinansin o nilingon pa. Basta dere-deretso lang ako sa paglalakad. Ngunit sinundan naman niya ako at lumapit pa sakin kaya nagpantay na kami sa paglalakad. " Hi, kuya. Narinig mo ba ako?" Nakasimangot na tanong niya sakin.
Malamig ko siyang tinignan pero mabilis lang. " Ang aga-aga ang ingay mo. Natural narinig kita, magkatapat lang ang kwarto natin." Masungit kong sagot.
" Ang sungit mo naman. Binati na nga kita eh. Alam mo tatanda ka niyan." Pananakot pa niya sakin.
" Hindi ko sinabing pansinin mo ako. At wala kang pakialam kong tumanda ako. Basta huwag ko lang marinig ang boses mo." Ani ko saka mabilis ko siyang iniwan at pumunta sa kusina. Hindi kona nakita ang paghinto nito sa paglalakad at pag-simangot.