SUMANDAL ang likod ko sa tiles habang patuloy ang pagbagsak ng tubig mula sa shower. I let out a sigh and closed my eyes. I cannot remove the image of Laurent's eye full of pain on my mind. Kahit anong gawin ko para hindi magpa-apekto sa nasaksihan ko kanina ay walang nangyayari. Gumugulo pa rin ito sa isipan ko. I'm f****d up. Hindi ko inakalang aabot sa ganito ang kalokohan ko. Ang balak ko ay itatago ko ang totoo kay Laurent hanggang sa bumalik na siya sa kanila. Alam kong hindi panghabangbuhay si Laurent dito sa amin. Pansamantala lang siya rito at dadating din ang panahong uuwi na siya sa kanila. Kaya naisip kong hindi malalaman ni Laurent ang tungkol kay Chelsea, lalo na't sekreto lang ang nangyayari sa pagitan namin. Tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam. But I didn't expec

