SPECIAL CHAPTER 4

1879 Words

MY whole life, I've been a jerk. Bukod doon, naging pasaway rin akong anak sa mga magulang ko at palihim na gumagawa ng kalokohan. Nangunguna na roon ang pagsisigarilyo ko kahit na alam kong dapat kong iwasan 'yon dahil makakasama sa hika ko. Isama pa ang ginagawa kong pagtakas sa gabi para lang tumambay sa mga gimikan at mag-inom. Bukod sa mga nabanggit ko ay marami pa akong nagawang kalokohan na sa dami ay nakalimutan ko na ang iba. Aminado akong hindi ako perpektong tao at puro pagkakamali sa buhay. Sa totoo lang ay hindi ako naniniwalang hindi alam ng mga magulang ang mga pinaggawa kong kalokohan noon, o hindi lang nila ipinapaalam sa akin na alam nila ang tungkol sa bagay na 'yon? Parang napaka-imposibleng hindi nila malaman ang mga kalokohan ko sa buhay. Pero kung ano man ang totoo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD