"Gaya-gaya. Ginawang ipis at pusa lang ang character ng story pero halata namang ginaya lang sa Tom and Jerry," inis na usal ni Hraevne. "Hindi po sila gaya-gaya. Magkaiba po ang Tom and Jerry kaysa sa Oggy and The Cockroaches," pagtanggol ni Creios sa pinapanood nila. "Whatever. Basta para sa akin, pareho lang sila. Away nang away." Napailing ako habang pinapanood ko ang anak at si Hraevne na nagtatalo dahil sa pinapanood nilang cartoons. Kanina pa sila ganito at halos lahat ng cartoons na pinapanood ni Creios ay pinagtatalunan nila ni Hraevne. Dahil sa sinabi ni Ninang Rhea nang hatiran niya ako ng kape sa kwarto ay napagpasyahan kong manatili muna rito kahit ilang araw lang. Hindi ko kasi kayang tanggihan ang pakiusap ni Ninang Rhea. Kaya kanina nang matapos akong magkape ay tinawag

