Hindi mapigil ang ngiti sa labi ko habang pinapaliguan si Creios. Masaya ako sa nakikita kong masaya ang anak ko kahit sa mga simpleng gawain naming ito. Madalas ay kapag sa shower ko siya pinapaliguan, gustong-gusto niyang isipin na kunwari ay ulan ang bumabagsak na tubig mula sa shower. Kapag sa bathtub ko naman siya pinapaliguan ay gustong-gusto niya ang mga bula na nakapaligid sa kanya. Siguro ay ganito talaga kapag bata pa lang. Kahit sa simpleng bagay lang ay grabe na ang tuwa nila. At gusto kong manatili ang anak ko ng ganito hanggang sa paglaki niya, pero parang imposible 'yon. Ngayong mas nag-mature na ako, natanto kong kapag matanda ka na ay hindi ka na napapasaya ng mga simpleng bagay. Mahirap na maghanap ng bagay na ikakasaya mo. Masuwerte lang ako at dumating si Creios sa b

