Eli's POV:
Nakita 'ko na pumasok si Arianna sa classroom namin, alam 'ko rin na aawayin nya si Mia, kaya yumuko na lang ako at tumingin sa bintana. Habang inaaway ni Arianna si Mia ako ay nakikinig. Bigla na lang ako nagulat ng sumigaw si Mia hindi 'ko akalain na sisigaw sya, pero mas ikanagulat 'ko at ikanagulat ng mga kaklase 'ko ang ginawa nyang pagsabunot kay Arianna. Si Arianna ay pinagtinginan ng mga kaklase 'ko habang si Mia naman ay lumabas ng classroom. Wala talagang nambubully kay Mia si Arianna lang naman talaga ang isang tao na nambubully kay Mia. Hindi naman namin akalain na ganon pala magalit si Mia.
Mia's POV:
Pumunta ako sa garden ng school namin may mga upuan naman sa garden kaya umupo ako dun, itong garden lang talaga ang madalas kong puntahan dahil tahimik dito at wala masyadong tao na nagpupunta dito. Dito na lang din ako magpapatuyo ng uniform 'ko na nabasa dahil sa kagagawan ni Arianna.
Eli's POV:
Nakita 'ko na basa ang uniform ni Mia. Lumabas ako ng room para hanapin sya nagpunta ako sa cafeteria at library dahil dun 'ko sya madalas makita, pero wala naman sya rito ng puntahan 'ko. Naisip 'ko na pumunta ng garden dahil ito na lang ang naiisip 'ko na lugar na pwede nyang puntahan. Nang mapuntahan 'ko ang garden ay nandoon nga sya.
Mia's POV:
Nagulat ako ng biglang tumabi sakin si Eli.
Oh ito panyo punasan mo yang uniform mo, sabi nya sakin habang inaabot ang panyo sakin.
No thanks, sabi 'ko
Tatanggapin mo o ako na ang magpupunas dyan sa uniform mo? sabi nya sa walang reaksyon na mukha.
Inabot 'ko na lamang ang panyo at pinunasan ang aking uniform na basa.
Pagkatapos 'ko mapunas ang aking uniform ay inabot 'ko yun kay Eli. Thank you! sabi 'ko.
Pagkabigay 'ko sa kanya ng panyo ay tumayo na ako.
San ka pupunta? sabi nya sa walang reaksyon na mukha.
Bakit kailangan mong alamin? sabi 'ko rin sa walang reaksyon na mukha.
Ako ang unang nagtatanong e, bat 'di mo muna kaya ako sagutin? sabi nya sa walang reaksyon na mukha.
Hindi 'ko kailangan sagutin yang tanong mo dahil hindi naman tayo close para malaman mo kung san man ako pupunta sabi ko sa pinakamalamig na boses.
Umalis na ako sa garden at bumalik na rin sa room.
Eli's POV:
Hindi ko akalain na ganon pala ka-cold ang pagkatao ni Mia, para lang akong nakikipag-usap sa sarili ko ng kausapin ko sya. Nang makaalis sya ay nag stay muna ako ng ilang minuto dito sa garden.
Mia's POV:
Pagbalik ko sa room ay nakatingin lahat ng kaklase ko sakin, siguro dahil sa nangyari kanina. Kinuha ko lang ang isang notebook ko pagkatapos ay pumunta na ako ng cafeteria. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa library. Habang nagbabasa ako naramdaman kong umupo sa kaharap kong upuan si Eli. Alam kong sya yun pero hindi ko na lamang sya nilingon.
Eli's POV:
Nakita ko na nakaupo si Mia sa isang lamesa na sya lamang mag-isa kaya umupo ako sa kaharap nya. Hindi man lang ako nito tiningnan busy sya sa pagbabasa at pagsusulat.
Mia's POV:
Tumayo ako at kumuha ng panibagong libro kaso ang librong hinahanap ko ay nakalagay sa napakataas, kahit na matangkad ako hindi ko pa rin yung maabit dahil sa sobrang taas. Nagulat na lang ako ng may kumuha ng librong kanina ko pa gusto kunin.
Eto ba? sabi ni Eli
Nagulat ako ng si Eli pala ang nasa likuran ko.
Oo, sabi ko sa kanya
Here, sabi nya
Thanks, sabi ko sa malamig na boses.
Babalik na sana ako sa upuan ng biglang nag bell, ibig sabihin pang nun tapos na ang lunch break namin. Bumalik na ako sa clasroom at maya-maya lamang ay dumating na ang teacher namin sa Science.
Pagkatapos ng isang oras ay nagpaalam na rin ang guro namin sa Science.
Pagkatapos ng ilan pa naming mga subjects ay nag-uwian na rin. Umuwi na rin ako ng bahay. Pagdating sa bahay ay nagpahinga lamang ako dahil sa sobrang pagod.