Azreel pov
"ikaw si reyes diba?" Lapit saakin ng isang magandang babae habang nakaupo ako dito sa rooftop.
"Huh? Bakit?" Tanong ko
"Pinapatawag ka ni Ms. Farah" nakangiteng sabi niya
"Sige, susunod na rin ako" sambit ko dito atsaka tumayo.
"Ang ganda mo pala" sabi nito habang pinagmamasdan ako
"Nambola pa" bulong ko pero alam kong narinig niya yun
"HAHAHA totoo kaya." Sabi nito atska ako sinabayan sa paglalakad.
"Alam mo naririnig ko sa ibang studyante dito na ikaw na daw ang target nila leana, totoo ba yun?" Takang tanong niya
"Huh? Ah oo HAHA, nako hayaan mo sila, sila den naman ang magpapagod" sabi ko dito habang pababa kami sa hagdan
"Alam mo nung bago ako dito, ako den yung naging target nila, kahit di ko naman alam ang ginawa ko sa kanila kaya nila ako ginaganun" pagkukwento niya saakin.
"Oo nga pala eto yung detention slip mo, pinaabot saakin ni Ms. Farah kanina" dagdag niya pa sabay abot saakin ng detention slip ko
"Saan pala dito yung detention room?" Tanong ko sa kaniya pagpunta ko sa locker ko, sinamahan niya ako para daw may kasabay ako medyo madilim na rin kase dito.
"Tara ituturo ko sayo" sambit niya atska naunang maglakad.
*****
"Finally you're here Miss Faith, you have 1 hour detention" mataray na sambit nito saakin.
"Mauuna na ako reyes huh" bulong saakin ng katabi ko atska nauna ng umalis.
"Come here" turo niya sa loob, pagkapasok ko dun ay sinara niya agad ang pinto.
Okay naman dito sa loob ng detention room, para lang den siyang classroom, maraming upuan may blackboard may mga cabinet den, agad akong umupo sa isang mga upuan atsaka yumuko dito, siguro iidlip nalang muna ako.
------
5 minutes.....
10 minutes.....
"Arghhh!!" Malakas na sigaw ko pano ba naman di na ako makabalik sa tulog ko, kanina kase may naramdaman akong pumasok dito pero di ko na pinansin dahil nga inaantok pa ako, pero after ng ilang minuto bigla nalang nawala ang antok ko.
"Masyado naman atang mainit ang ulo mo Ms. Faith" agad akong napabalikwas ng may marinig akong nagsalita, bigla akong nakaramdam ng hiya ng maalala ko ang pwesto ko kanina.
Nakapatong ang paa ko sa isang upuan at nakapalda pa ako ah, tapos mukhang nagulo pa ang buhok ko dahil sa pagtulog ko ata, dahan dahan kong inangat ang ulo ko para tignan kung sino ang nagsalita.
"Liam tan?!" Malakas na pagbaggit ko atska ko mabilis na inayos ang pagkakaupo ko, natawa pa siya sa inasta ko sa kaniya.
"Nahiya ka pa" iiling iling na pagsabi niya, inirapan ko nalang ito atska tumingin sa relo ko.
15 minutes nalang pala at tapos na ang detention ko.
"Liam tara na maglaro nalang tayo" rinig kong sabi ni tristan.
"Ms. Faith di kaba sasali?" Tanong pa nito bago pumunta sa pwesto nilang apat.
"Di na" sabi ko nalang atska muling yumuko sa upuan ko, hindi naman talaga ako matutulog eh sadyang ayoko lang makisalamuha sa kanila baka mamaya sabihin pa nila feeling close ako no.
"Pano ba yan liam tan, truth or dare?" Rinig kong tanong ni tristan
"Truth" liam
"Ako na magtatanong" prisinta ni sky.
"Are you..." Pabitin na sabi ni sky
"Are you ano?" Tanong ni tristan
"Are you taken?" Halos lahat sila nagulat, base Lang sa pakiramdam ko duhz. Naramdaman kong tumahimik sila kaya medyo inangat ko ang ulo ko para tignan kung ano ng nangyayare pag tingen ko ay nakita kong nakatingen sila saakin lahat kaya bigla akong yumuko ulit.
"No HAHAHA" Malakas na tawa ni liam tan
"Bat ba yun yung tinanong mo sky?" Tanong ni tristan.
"Is there something wrong sky?" Finally nagsalita den si lucas.
"Sabi niya kase kanina 'im taken' tapos nakatingen siya kay Miss Faith" pagkasabi nun ni sky ay siya deng angat ko ng ulo ko.
"Duhz di ko papatulan yang si liam tan, mukha ba akong pumapatol sa sira ulo?" Sarcastic na sabi ko atska muling tumaray.
"Mukha rin ba akong papatol sayo?" Nakataas kilay niyang sambit.
"Atska ginawa ko lang yun para di na magtanong yung dalawang babae kanina, fellingera to tsk" dagdag niya pa.
"Sher mo lang?" Medyo inis na sabi ko
"Inis kana niyan?" Dugtong niya sa sabi ko.
Magsasalita pa sana ako ng bumukas na ang pinto ng detention room, pagkabukas ng pinto ay mabilis akong lumabas atska umuwi na.