MALAPIT nang matapos ni Shania ang paghuhugas ng mga plato, kawali at kaldero. Naisip niyang matapos nang gawain niya sa kusina ay aakyat siya ng kwarto para kunin ang cell phone at kausapin ang pamilya dahil kagabi ay hindi sila nakapag-usap. “After you do that, go to the laundry and help Waning do the laundry. Gagamit ka naman ng washing machine kaya hindi ka mahihirapan,” untag sa kaniya ni Jasmina. Napaikot ang mga mata niya. Pati ba naman sa paglalaba ay ipapatulong pa siya? Bagay na bagay pang kontrabidang telenobela ang Nanay ni Xander. Ganitong-ganito ang napapanood niya sa mga palabas na aapi-apihin ng Nanay, na mapagmataas ang mahirap na asawa ng anak nito. “Wala na bang iba? Masyadong cliché naman ang ginagawa niya sa akin. Paglalaba, paghuhugas ng plato kahit maglinis pa

