Chapter 2

1306 Words
SINALUBONG kaagad ng yakap si Shania ng magulang at kapatid niyang si Shara kaya napabitiw siya sa pagkakahawak kay Zanray saka niyakap din ang magulang at kapatid.   “Bakit nandito ka ngayon? Binigla mo kami,” kaagad na tanong sa kanya ng ama. “Oo nga. Hindi ka nagsabi para nasundo ka naming,” dagdag ng ina at napatingin it okay Zanray. “Ikaw rin pala, iho, umuwi na,” anito. “Opo at si Kuya Zandro ang sumundo sa amin. Gusto kasi kayong surpresahin ni Shania kaya hindi na siya nagsabi sa inyo sa balak niya,” tugon ni Zanray. “Oo nga, Mama at Papa,” ayon niya sa sinabi ni Zanray. “Pero hindi ba sinabihan ko kayo noong huli akong tumawag na nagbabalak na akong umuwi? Sinabihan niyo pa nga ako na sa susunod na taon na lang kaya lang naisip ko baka may problema kayo rito sa bahay kaya ayaw niyo muna akong umuwi,” paliwanag niya. “Anak, w-wala. Wala kaming problema,” kaagad na tanggi ng Mama niya. May tumikhim kaya kaagad silang napalingon sa taong iyon at walang iba kundi ang matandang lalaking isa sa bisita ng pamilya niya. “Is that true, Alica? She’s one of your daughters, and base on what she called Shara, she is the eldest?” tanong nito sa Mama niya.   Bumakas ang kaba sa mukha ng Mama niya at kaagad na hinarap ang matandang nagtatanong.   “Opo, si Shania ang panganay naming anak pero huwag na po natin siyang isama sa usapan, Papa,” kaagad na tugon ni Mama. Nagulat na naman siya dahil sa itinawag ng Mama niya sa matandang lalaki at naguguluhan na rin sa sinasabi ng Mama niya na usapan. Anong usapan iyon at bakit hindi siya dapat isama doon? “Ma, Pa, sino ba siya at bakit Papa ang tawag mo sa kanya-” “Ate, siya si Lolo. Ang Papa ni Mama,” kaagad na sabat ni Shara na ikinalaki ng mga mata niya. Lolo nila iyon sa Mama nila? Hindi niya ito kilala o nakilala man noon pang mga bata pa sila at hindi nabanggit kailan man ng Mama niya na buhay pa ang Papa nito kaya ang alam niya ay parehong ulilang lubos na sa magulang ang mga magulang niya. “Shara, dalhin mo muna sa kwarto ang Ate mo,” utos ni Mama sa kapatid niya,  “Zanray, iho, pasensiya na at hindi ka naming maasikaso ngayon- “Ayo slang po iyon, Tita. Hindi naman din po ako magtatagal sinamahan ko lang po si Shania pumasok dahil akala niya lumipat kayo ng bahay, nang ibang tao ang sumalubong sa kanya,” nakakaintinding tugon ni Zanray. “Salamat at hindi mo pinababayaan ang anak namin,” nakangiting tugon ng Papa niya kay Zanray. “Hindi po talaga,” nakangiting tugon ni Zanray, “sige po, magpapaalam na ako,” anito. “Sige. Mag-usap na lang tayo matapos mong makapagpahinga, siguradong pagod ka galing biyahe,” tugon ng Papa niya. “Opo,” tugon ni Zanray at saka kinamayan si Papa. Tumingin sa akin si Zanray at nakangiting tumango. “Tatawagan kita mamaya,” aniya. “Okay, Babe,” tugon nito saka tuluyang umalis. “Halika, Ate, doon na muna tayo sa kwarto,” aya ni Shara sa kanya saka siya hinila. “Pa, may box sa labas pakikuha na lang,” bilin niya sa ama. “Ganoon ba, anak? Kukunin ko na lang,” tugon nito at tuluyan na siyang naglakad paakyat ng hagdan kasama ni Shara at sa kwarto niya siya pumunta. Kinuha ni Shara ang maleta niya at inilagay sa gilid ng kama niya. “Gutom ka ba, Ate? Hahainan kita ng pagkain- “Shara, naguguluhan ako,” putol niya sa sasabihin sana ng kapatid. “Paanong nagkaroon tayo ng Lolo? Saka anong usapan ang tinutukoy ni Mama na huwag akong isama?” Nakita niyang umiwas ng tingin si Shara at nilapitan na naman ang maleta niya saka binuksan iyon. Pinagtatanggal nito ang laman niyon saka inilagay sa kama na mga damit niya at inayos ang pagkakatupi doon. “Shara,” tawag niya sa kapatid dahil halatang umiiwas ito sa tanong niya. “Ate, hahainan na muna kita ng pagkain—” “No! I want you to tell me the truth!” matigas na niyang sabi sa kapatid. Bumuntonghininga si Shara at umupo sa kama habang may lungkot ang mga matang nakatingin sa kanya. “I-I’m getting married, Ate,” malungkot na sabi nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa sinabi ni Shara. Sunod-sunod yata ngayon ang nakakagulat na balita sa kanya ng pamilya niya at hindi niya ito napaghandaan. “A-ano?” bulalas niya na napalakas pa ang boses niya. Tumayo ang kapatid niya at hinila siya paupo sa kama katabi nito. “Huwag kang exaggerated, Ate. Ikakasal lang ako hindi bibitayin,” natatawang sabi nito pero kita pa rin niya ang lungkot sa mga mata nito. “B-bakit? Buntis ka na ba? Nabuntis ka ba ng boyfriend mo? T-teka, may boyfriend ka ba?” sunod-sunod na tanong niya. “Hindi ako buntis, Ate,” kaagad na tanggi nito. “Eh, bakit ka magpapakasal? Nag-aaral ka pa lang ng kolehiyo, hindi ba? Ganoon mo ba talaga ka-mahal ang lalaking iyon at ginusto mo na kaagad magpakasal sa kanya?” “Ate, hindi ko siya mahal,” may bahid na lungkot na sabi ni Shara at napayuko ito. Nangunot ang noo niya at bumuka ng bahagya ang bibig niya sa sinabi ni Shara sa kanya. “H-hindi mo mahal pero pakakasal ka? Magulo at naguguluhan lalo ako,” aniya. “Marriage for convenience,” tugon ni Shara, “kasunduan ito ni Lolo sa matalik niyang kaibigan. Dapat talaga si Mama ang ikakasal noon pero dahil iba ang mahal ni Mama na si Papa nga ay hindi natuloy iyon dahil nagtanan si Mama at Papa at itinakwil siya ni Lolo.” “Tapos ngayon ikaw naman ang ipinagkasundo niya?” hindi makapaniwalang tanong niya. “H-hindi dapat ako.” Hindi makapaniwalang napabuga siya ng hangin sa bibig at ngayon ay naiinitindihan na niya ang ibig sabihin ng Mama niya kanina na huwag siyang isama sa usapan ng mga ito. “A-ako ba dapat?” naninigurado niyang tanong sa kapatid. “Oo, Ate, dahil ikaw ang panganay. Pero, Ate, ginusto ko rin naman ito kasi marami ka ng nagawa para sa amin, nagsakripisyo kang umalis papuntang ibang bansa para bigyan kami ng magandang buhay at isa pa, may boyfriend ka na kaya mas okay naman na ako na lang- “Bata ka pa, Shara, at nag-aaral!” diin niya rito. “Pero anong magagawa naming, Ate? Kagustuhan ito ni Lolo at ayaw namin siyang suwayin dahil minsan nang ginawa iyon ni Mama,” tugon sa kanya ni Shara. “Ate, hayaan mo na lang ako, kami nina Mama at Papa. Iyon din ang dahilan kaya gusto nina Mama at Papa na next year ka na umuwi para hindi mo na ito problemahin kaso heto ka na nga at biglaang umuwi.” “Hindi. Hindi pwede,” mahina niyang tutol. Hinawakan ni Shara ang kamay niya. “Ito na lang ang magagawa ko para sa’yo, Ate, marami ka ng sakripisyo at naitulong sa amin kaya tama lang na maging masaya ka sa taong mahal mo at hindi matali sa lalaking hindi man lang natin nakilala,” nakangiting sabi sa kanya ni Shara. Hindi siya kombinsido sa ngiting iyon ni Shara dahil kita nuya sa mga mata nito ang lungkot dahil sa kagustuhan ng Lolo nila na ngayon niya lang nakilala na ikasal ito sa lalaking hindi naman nito nakilala. Galit na tumayo siya, “Hindi ako makakapayag!” tutol pa rin niya at naglakad palabas ng kwarto. “Ate!” narinig niyang tawag ni Shara.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD