“ANONG mayroon kina Michael at Jasmine bakit parang may something sa kanilang dalawa?” usisa ni Shania kay Xander nang makauwi na sila sa bahay. Hindi pumayag si Shania sa pagyayaya ni Jasmine na lumabas sila matapos ang trabaho at hindi rin naman siya pinayagan ni Xander sa pag-aaya ni Michael. Mabuti na rin na wala siyang pinili sa dalawa dahil baka magkainitan pa ang mga iton. Pero sa totoo lang mukhang sa pagitan nina Jasmine at Michael ay mas mainit ang dugo ni Michael kay Jasmine at sa hindi niya malamang dahilan. “Naalala mo iyong naikwento ni Kuya sa beach na may gusto si Michael noon kay Ate Jasmine,” umpisa ni Xander. Napatango siya dahil naalala nga niya na nabanggit iyon ni Alfred at kaagad naman pinutol ni Jasmine. “Hindi lang gusto ang naramdaman ni Michael noon sa Ate ko

