CHAPTER 1: Familiar

2451 Words
Halos di magkamayaw ang mga nanonood sa performance ko habang gumigiling ako dito sa taas ng stage nitong Royal Club. Halos mabingi ako sa hiyawan nila! Kahit nahihiya at kinakabahan ay mas pinagbuti ko ang pag inadayog. Para sa 'yo to mama! Nagpaikot-ikot ako pa poll na naririto sa gitna at saka ako lumiyad. Halos lumuwa naman ang mata ng mga customer dahil malamang nasilip nila ang pula kong lingerie! Manyak! "Sapphire! come to papa, baby!" sigaw ng isang matandang customer na nasa harapan ng stage nakapwesto. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagsasayaw. Kulang na lang ay lumuwa ang kanyang mga mata at tumulo ang laway habang puno ng pagnanasa ang kanyang mata! Bago matapos ang performance ko ay isang split ang pinakawalan ko na siyang mas lalong nagpahiyaw sa mga tao. Kung anong mukha ang kanilang nakikita ngayon ay kabaligtaran ito ng totoong estado ko. Ginusto ko ba ito? Sabihin na lang natin na ito lang ang alam ko at madaling paraan para kumita ng pera para sa operasyon ni mama. Ang choices, ay para lang iyon sa mga may pera. Pero para sa katulad kong isang kahig. isang tuka, Hindi 'yan pupuwede! kailangan ko makalikom ng malaking halaga ngayong gabi para may maipambayad ako sa hospital bukas. Hindi ko kakayanin kapag may mangyari kay mama na wala manlang akong nagawa para iligtas siya. Naawa na rin ako kay papa dahil kahit anong trabaho ay kanya ng sinubukan pero kulang pa rin para sa gastusin sa hospital. Isang milyon ang kailangan sa operasyon ni mama. Saang planeta naman ako kukuha ng ganoon kalalaking halaga?! "Sapphire, Pinapatawag ka ni madam sa opisina. may sasabihin daw siya sa 'yong importante. Hala sige," Napalingon ako kay Jenna. Isa sa mga kasama ko dito sa bar. Pero mas nauna siya sa akin. Mag iisang linggo pa lang naman kasi ako rito. At sa loob ng isang linggo na 'yon ay kulang pa rin ang kinikita ko. Tumango ako sa kanya saka tumayo. Naka damit na ako ngayon ng t-shirt at isang cotton short. Tapos na kasi ang oras ko. Uuwi ako ngayon at dederitso ako sa hospital para dalhan ng makakain si tatay. Siya ang bantay kay nanay habang nandito ako. palitan kami. Bukas ay ako naman. Alam din ni tatay ang trabaho ko. sinubukan niya ako pigilan pero kalauna'y wala rin nagawa sa naging pasya ko. Para naman ito kay nanay. "Bakit daw?" "Hindi ko alam e, Basta ang sabi ipatawag kita. Baka naman bibigyan ka ng bunos. Aba, napakalaki ng kita ng Royal Club simula noong dumating ka rito," Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ngingiwi? Dapat ba proud ako sa na achieve ko? tsk. "Pumasok ako sa opisina ni madam Violet. Nakita ko itong nakaupo sa kanyang maliit na sofa na narito sa kanyang opisina. Ngiting-ngiti ito habang may kung anong tinitingnan sa kanyang laptop na nasa harapan niya mismo. Tumikhim ako para agawin ang kanyang pansin. Sa loob ng isang linggo ko dito sa Royal Club ay masasabi ko na kahit papaano ay hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba manlang. Tanging roon lang sa mgaa oras na nagsasayaw ako sa entablado habang nakikita ko ang mga mayayaman na nauulol sa alindog ko! Ang mga kasamahan ko kasi rito sa club ay mababait. Bukod pa roon ay tinutulungan pa nila akong kumita ng pera na hindi ko kailangan ibenta ang sarili ko. Sapat na ang pagsasayaw sa akin. At kong hindi kopa ma ipagamot si Nanay. Baka kainin ko rin 'yang prinsepyo ko na hanggang sayaw lang ako. Baka kumapit rin ako sa patalim. Pero sa tuwing na iisip ko naman na matatandang mayayaman lang ang makakauna sa akin ay kinikilabutan ako! "Oh, nandiyan ka na pala, Sapphire, halika umupo ka. may ibabalita ako sa 'yo," Sabi nito habang pinapat niya ang upuan sa tabi niya. Kaagad naman ako naupo ro'n. "Maipapagamot mo na ang Nanay mo!" Nakangiting turan nito. "B-Bakit ho," nalilito kong tanong. Ipinakita niya sa akin ang isang puting papel na may nakasulat na malaking halaga.Cheque?! Nanlaki naman bigla ang mata ko. L-Limang-Milyon! "Para sa 'yo 'yan, sobra sobra pa 'yan para sa nanay mo. Wag ka mag alala dahil bukod diyan ay mayroon din kaming natanggap na isang milyon para sa lahat ng kasamahan mo. Napaka-suwerte mo at natipuhan ka ni Mr. Esquivel!" Napapalakpak pa siya at todo ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Ako naman ay tulala. Hindi ko masink-in sa utak ko ang mga sinabi niya. Ang tumatak lang sa akin ay natipuhan ako ni Mr.Esquivel? sino 'yon? "A-Anong ibig sabihin niyo? At b-bakit may nagbigay ng limang milyon sa akin?" "Hindi 'yan bigay. Siyempre may kapalit 'yan, Gusto kang bilhin ni Mr. Esquivel sa amin dito sa club," Namilog ang mata ko. Bibilhin ako? ano ako paninda?! "T-Teka, wala sa usapan na magpapa take out ako. Alam mo 'yan. Bakit mo 'to tinanggap?" "Alam ko naman 'yon, Ang akin lang kasi ay kung magsasayaw ka lang riyan ay hindi ka makakaipon agad. Baka kuyugin ka na ng mga manyak diyan sa labas hindi mo pa maipapagamot ang nanay mo!" Napasuklay ako sa sariling buhok dahil sa kanya. Oo, kailangan ko nga ng pera pero hindi pa naman sumasagi sa isip ko na ibenta ang puri ko... Pero si nanay... ayoko mawala ang nanay ko! "Matagal na naming customer si Mr. Esquivel. At ako na magsasabi sa 'yo na mabait 'yon. Ni minsan ay hindi pa iyon nag-take out or mag table ng babae rito. Tanging ikaw lang ang inalayan niya ng ganito kalaking halaga. So, naisip ko na chance mo na 'to para maipagamot mo ang nanay mo. At isa pa, Ito na lang ang huling paraan. Ikaw rin," Bumuntong hininga ako saka ako tumayo. "Hindi. ayoko. Ibalik mo 'yang pera niya, Hindi ko ipagbibili ang puri ko kapalit niyan. Paano na lang pag nagkaasawa ako? Anong mukhang ihaharap ko sa kanya sa araw ng kasal namin?" "Pero paano ang nanay mo? Pera na ang lumalapit sa 'yo oh, Ayaw mo pa?" Dismayado ang tinig niya. Hindi ko siya sinagot at lumabas na ako ng opisina niya. Malaking halaga nga pero kapalit naman ay ang dangal ko. Hindi ko iwawala ang iniingatan ko dahil may isang tao ang nararapat na kumuha nito. At iyon ay ang lalaking misteryoso na palagi kong napapanaginipan. *** Kasalukuyan akong biyahe papuntang ospital. Sumaglit ako sandali para dalhan ng pagkain si tatay. Babalik rin agad ako sa club pagkatapos. Pumasok ako sa kwarto kung saan naka admit si mama. Nakita ko si tatay na nakayuko habang nakapikit sa tabi ni nanay. Hawak niya rin ang kamay nito. Nangiti ako. Nilapag ko ang hawak kong supot ng pagkain sa lamesa na narito sa tabi lang ng kama. Inilabas ko ang dalawang styro na naglalaman ng ulam at kanin. Tapos na ako kumain kanina sa club kaya para na lang ito kay tatay. Bumili na rin ako ng iilang pirasong prutas. Gumalaw si tatay at nilingon ako. nagulat pa siya pagkakita sa akin. nginitian ko lang naman siya. "Kanina ka pa ba d'yan, Anak?" Tumayo siya at sinilip ang dala ko. "Kakarating ko lang po. Tay," "kumain ka na ba? halika, sabay na tayo. binili mo ba ang mga ito? saan ka kumuha ng pambili?" "Wag niyo na pong isipin kung saan. Importante may pang gastos tayo dito sa ospital para kay mama," Nilingon ko si mama. Tulog ito. Sabi ng doctor ay ito raw ang epekto ng gamot na ini-inject sa kanya para pansamantalang makapag pahinga siya bago sumapit ang kanyang operasyon. "Baka naman hindi na lang pagsasayaw ang ginagawa mo anak. Ayoko man sa pinasok mo pero wala na rin akong alam na ibang paraan para sa pang opera ng mama mo. Sana lang pag gumising na siya ay hindi siya magalit sa akin na pinayagan kita sa ganyang trabaho," Mahaba niyang sabi sa akin. Alam ko din 'yon. Dahil simula nong bata ako ay iningatan ako ng mga magulang ko. Kahit na mahirap lang kami. Isang katulong ang nanay ko habang si tatay ay namamasada. minsan naman ay construction at kung ano ano pang raket para mabuhay kami. Pero ni minsan ay hindi ko naramdaman na mahirap kami dahil binibigay nila sa akin ang lahat ng kaya nila para maging masaya ako. Ngayon lang talaga naging ganito simula ng atakehin si mama. gumuho bigla ang mundo namin ni tatay. Para kaming nawalan ng isang kamay dahil sa nangyari. pero hindi ako papayag na mawala sa amin si mama. hinding hindi! "Para naman po 'to kay mama. At saka, wag ho kayo mag alala dahil hindi ko po iwawala ang iniingatan ko," "Sana nga anak, Dahil baka pumalit ako rito sa mama mo. Dahil tiyak na iitakin ako ng mama mo kapag nalaman ang trabaho mo," natawa naman ako sa sinabi niya. hindi malabong mangyari 'yon. Napakasungit at strikta pa naman ng nanay ko. masyadong dalagang pilipina! "Ngayon pa lang tay, mag ensayo na kayo pano umilag," biro ko pa. Sabay kaming natawa ni tatay. Kahit paano gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa simpleng biruan namin ni tatay. para lang kaming magkaibigan. Sila talaga ang da-best para sa akin. At hindi ko sila ipagpapalit kahit sa anong yaman pa 'yan. Pagbalik ko sa club ay lutang pa rin ako. Matapos kasi ng biruan namin ni tatay ay pumasok ang nurse at sinabi na bukas na raw ooperahan sa puso si mama. Pinahahanda na sa amin ang higit isang milyon na gagastusin para sa operasyon. Hindi ko maiwasang manlumo. Kahit 'yata maghubad ako sa harap ng entablado ay hindi sasapat ang kikitain ko. Kulang pa rin! Kahit nang magsayaw ako sa gitna ay parang wala akong kalakas-lakas! "Igiling mo pa!" "Lambotan mo namaan!" Kasabay ng mga hiyawan ay ang tinig ng dalawang lalaki sa harap ko na nakaupo sa couch ang naririnig ko. Napahinto ako sa pagsayaw ng magkatitigan kami ng lalaking nasa bandang dulo ng couch. Naka sombrero ito at naka black suit. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa may kadiliman ang pwesto niya. Pero base sa laki ng katawan nito masasabi ko na matikas na lalaki ito. Nakita kong tumayo ito at bumulong sa lalaking nasa unahan. 'Yong sumigaw na lambotan ko pa raw. Tumango lang ang huli at mabilis naman umalis ang matangkad na lalaki. Dumiretso ito sa VIP entrance. ah, mayaman. Seguro may tin-take out siya kaya nasa VIP siya. Pero wala naman siya ka table kanina? Teka, ba't ko ba iniisip ang lalaking 'yon?! Nang matapos ako sa ay pumalit naman sa akin ang ibang dancers at sila naman ngayon ang gumigiling sa stage. Pumasok ako sa dressing room at kaagad kong hinubad ang napakaikli kong palda at isang seksing top na halos kalahati ng tiyan ko ay kita. Ni sa hinagap di 'ko naisip na magsusuot ako ng mga ito. Napakainosente ko pagdating sa makamundong bagay pero para kay nanay, lahat kaya kong gawin. Napalingon ako sa pinto ng pumasok si Madam V. Kasalukuyan akong nagsusuot na ng leggings at t-shirt. Napatingin siya sa suot ko at tinaasan ako ng kilay. "Bakit ganyan ang suot mo? Aalis ka na naman?" nameywang siya sa harap ko. "Eh 'di ba, tapos na naman ako. saka, maghahanap ako ng ibang raket. ooperahan na.bukas si mama at wala pa akong pambayad," "Matigas kasi ang ulo mo. puro pride mo ang inuuna mo! Eh. di ba nga. Limang milyon ang offer ni Mr. Esquivel sa 'yo? Isang gabi lang naman 'yon. Pagkatapos, solve na ang problema mo. Naipagamot mo pa ang mama mo," Napapikit ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga kaya e. Natatakot ako. Kung ibang sitwasyon baka kagatin ko 'to. pero unang karanasan ko 'to, tapos iwawala ko lang kapalit ng limang milyon?! Pero paano si mama?. Naupo ako na parang kandilang unti unting nauupos... Napahikbi ako dahil sa bigat ng problema ko. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Madam V sa likod ko. "Pumayag kana. Nasa VIP ROOM na si Mr. Esquivel, Nire-request ka..." Nag angat ako ng tingin sa kanya. bahagya naman siyang lumayo. "N-Nakita mo na ba 'yang sinasabi mong Mr. Esquivel" "Hindi pa. Pero suki na namin 'yan dito. Kaso nga lang lagi siyang naka sombrero at naka itim na damit at mahigpit na bilin sa amin na wag siyang lalapitan. Tanging ang mga bodyguard niya lang ang nag aasikaso sa kanya. Kaya nga wala pang naka table sa kanya e. Kaya ang swerte mo," Napakunot noo ako. hindi kaya siya 'yong lalaki kanina? Naka sombrero at itim na suit din siya e. "S-Segi, p-payag na ako," Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Madam V. "Ok, sige mag ayos ka. babalikan kita mamaya para dalhin sa VIP room," Lumabas na siya. Piping dasal ang ginawa ko. Lord, wag niyo ho hahayaan na mawala si mama sa amin. Di bale ng maging marumi ako ngayonh gabi basta mabuhay lang ang mama ko. *** Nasa tapat na ako ng VIP room at kasalukuyan ako ngayon. Kinurot-kurot ko muna ang mga kamay ko bago ako kumatok. Dalawang katok ang ginawa ko bago ito nagbukas. Madilim ang loob ng kwarto hindi ko makita kung sino ang nagbukas ng pinto. Pero ramdam ko ang ibang presensya sa likod ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto at tunog ng lock. Kinandado niya? Kinakabahan ako pero pinigilan ko ang mangatog sa kaba. Kailangan ko magpakatatag! "S-Sir, A-Ako po 'yong nirequest niyo," Kinakabahan kong sabi. Tahimik pa din. pero maya maya ay naramdaman ko ang isang matigas na braso ang yumakap sa akin mula sa likod. Bumilis ang tib*k ng puso ko. "Shall we start?," Bulong ng malalim na boses. Napakunot noo ako. bakit parang hindi naman boses hukluban ang nagsalita. Parang nang aakit pa nga e. "S-Sir, p-pasensya na po a,.p-pero wala pa po akonh karanasan sa bagay na 'to. p-pwede po bang wag niyo po akong biglain?" Natatakot man ay nagawa ko parin makiusap. Malay mo naman ay madala siya diba.. Atleast hindi ako.masasaktan sa una kong gabi. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang marinig ko itong tumawa. "I don't f**k gentle," Sabi nito kasabay ng pag bitiw niya sa akin at pagliwanang ng buong paligid. napapikit ako dahil sa ilaw.. Nagmulat lang ako muli nang marinig ko siyang magsalita sa likod ko. "Are you still a virgin? Is that it? Interesting," At tuluyan na nga luminaw ang paningin ko kasabay ng pagdilat ko ay isang pamilyar na mukha ang nakita ko. What the-- siya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD