Renz’s Point of View Hindi ko masikmura ang kasungitan ni Red kaya nagpunta ako sa Club Zero. Naabutan ko si Tristan na may kausap na babae sa isang table. Sino na naman kaya ang mabibiktima nito? Si Neil, Audi, Mark, Nick at Cloud nasa may bar at nagkakantyawan. “Uy, kala namin napikot ka na,” bungad ni Audi. Nag-high five pa habang tumatawa sa mga inside joke nila. “Busy lang,” sagot ko naman. “Renz, binata na ‘tong si Cloud.” “Sino ang malas na babae?” I asked sarcastically. Aba ang kumag ngumiti lang. “Kausap niya kanina si Lise. Pagbalik nakangiti na agad ang gago. Hindi na nga mapikon ni Neil,” sagot ni Nick. Nataas bigla ang kilay ko. Oh, really? Nakangiti ang gagong Cloud. Seryoso ba talaga ‘to?! Pakialam ko naman?! Eh di good for him. “Ganda ni Lise ngayon. Maganda pal

