HIS RUTHLESS WAYS EPISODE 51 I WISH YOU WERE MINE SIERRA CELESTE’S POINT OF VIEW. KUNG NOON ay nakakaramdam ako ng kakaibang lungkot nang makita ko si Aiden, ngayon ay inis na ang nararamdaman ko sa kanya. Ang hambog niya na masyado ngayon. Hindi na talaga siya ang Aiden na nakilala at minahal ko noon. Bahala na siya sa buhay niya! “Okay na ba lahat ng mga ipaparinig mo ngayon kay Aiden na mga kanta, Sierra?” tanong sa akin ni Lloyd. Nandito siya sa condo unit ko ngayon upang sunduin ako. Pinaupunta ko rin siya rito dahil magpapatulong ako sa kanya. Hindi nga siya singer, pero magaling naman siyang mag judge ng mga kanta. Gusto ko munang iparinig ito kay Lloyd kung pasok ba sa kanyang standard bago ko iparinig kay Aiden. Napaka judgmental pa naman ng lalaking ‘yun kahit na maganda na

