Chapter Five

1990 Words
"Friendship isn't about who you have known the longest. It is about who walked into your life and said, 'I am here for you and I will prove it." Kristine "PAKIRAMDAM ko talaga, sinusundan mo ako. Huli ka na. Pulis Patola," saka niya itinulak ang cart. Ha? Sinusundan ko siya? Nagkakataon lang na kung saan ako pupunta ay nandoon siya. "Uh-Ow. Mayroon ba akong di alam?" tanong ni Kyla. Yung mga mata niya nagpalipat-lipat sa akin at kay Macky na nagtutulak ng cart ng mga halamang napili ko. Nagkibit-balikat ako saka sumunod na sa paglalakad. Pagdating namin sa counter ay may babaeng nagbabayad din ng mga halaman na kanyang pinamili. "Ohhh, Hi Ruby. Kumusta na si baby Baste? Ang inaanak ko?" tanong ni Kyla. "Oo nga pala, dito sa Calle Adonis namin icecelbrate ang 3rd Birthday niya. Wal kasi kami masyadong close na kapit-bahay sa bayan kaya dito na lang," sabi nung Ruby. "Invited ba kami?" tanong ni Kyla tapos umakbay sa akin. "Ah, oo naman. Kayo pa ba. Ikaw ba yung bagong nakatira diyan sa lumang bahay ma'am?" tanong nito. "Ahh. Opo. Ako nga pa," ngumiti ako. Sino pa bang di nakakaalam? "Huwag na niyo akong tawaging ma'am. Wala naman tayo sa opisina," ako. "Ako nga pala si Ruby," nagpakilala siya. "Kristine," nakipagshakehands ako. "So, asahan kita sa bahay ha?" aniya. "Hindi ko pa alam ang bahay niyo," ako. "Mare, sunduin mo na lang siya sa susunod na araw," tugon niya kay Kyla. "No problem," si Kyla saka kumindat. Pakiramdam ko makakagaanan ko sila ng loob. SO, ipinahatid ni Kyla sa mga caretakers ang binili kong halaman sa bahay. Ang goal ko ngayon ay ang magtanggal ng mga d**o sa kapaligiran para ready na bukas for my gardening activity. Isinuot ko na ang jogging pants ko at maluwang na t-shirt. Inilabas ko ang itak na pabaon pa ni papa. Naglagay ako ng face towel sa likod ko at nagsimula na akong magtabas at magtanggal ng d**o. Well, kung tutuusin ay basic lang para sa akin ang magbabad sa initan at pagpawisan. Maning mani ito kumpara sa mg pinagdaanan kong drills and trainings sa pagiging pulis. Higit pa rito ang naranasan ko sa tuwing may masi-masi ang aming grupo na pag-uutos ng aming mga seniors. Pero, parang nanibago ako sa pagdadamo. Well, hindi naman kasi pagdadamo ang ginagawa ng mga pulis. Pero expected kasing malakas kami. Kaya kahit hindi ako sanay ay ginawa ko na lang. Bunot. Tabas. Bunot. Tabas. Bungkal. Bungkal.Bungkal. Okay. And I am so tired. Inumpok ko ang nga d**o sa isang sulok at mamayang hapon ay susunugin ko ang mga ito. Nakaupo ako sa labas habang nagpapahinga nang dumaan si Macky. Nakamotor siya at suot niya pa rin ang sandong itim at blue shorts na suot niya kanina. Nakasumbrero din siya ng pula. Huminto siya sa tapat ng bahay ko. Nagtaka naman ako kung bakit. Kaya't tumayo ako at lumapit. "Bakit?" tanong ako. "Wala lang. Nanibago lang ako sa malinis na kapaligiran nitong lumang bahay na ito," aniya. Napakunot ang noo ko. Bakit? Hindi ba naglilinis sila tita dati dito? "Oo nga pala, wala ng bakanteng kasamahan ko na pwedeng mag-ayos sa bahay mo hanggang sa susunod na buwan. Nakaschedule na kasi sila," seryoso niyang sabi. Sinadya niya kayang hindi man lang mag-iwan ng isa? "So, dahil doon, kailangan kong mag-makaawa sayo para ituloy mo yung SANA ay pag-aayos mo ng bago kong bahay," namewang ako sa harap niya. "Oo nga sana eh," nang-aasar niyang sagot. Abah. Napabuga ako ng hangin. "Gusto ko pa nga na lumuhod ka sa harapan ko," natatawa siya. Bakit siya natatawa sa sinabi niyang luluhod ako sa harapan niya? Abah... ang bastos ng gagong ito ah. Ang dumi lang ng pumasok bigla sa isip ko. "Hoy," itinuro ko siya. "Hoy ka rin," saka niya pinaandar ang motor at dali daling umalis ng bakuran ko. "Hinding hindi ako magmamakaawa sayo, gagoooo kaaaaaa," sigaw ko. Tumingin naman ako sa paligid at nagsimulanv mahiya nang may mga dumadaan pala. Sorry na lang talaga. Pagkapahing ko ay itinuloy ko naman ang pagdadamo sa likurang bahagi ng bahay ko. Mas maraming d**o rito kumpara sa harapan. Hmp. Basic ang mga ito sa akin. At ang lakas ko lang na babae para sukuan ko ang pagdadamo. Never pa akong nagkasakit dahil lang sa pagdadamo. KINAGABIHAN... "Hhhaaatttcchhhiiingggg," pinunas ko ang sipon kong tumulo. Shocks. Sinisipon na ako at kanina pa ako bahing ng bahing. Pakiramdam ko talaga natuyuan ako ng pawis or nabigla lang sa pagwowork. Hindi naman talaga ako nagkakasakit. Nagluto na lang ako ng noodles at naglabas ng biscuit dahil tinatamad na akong magluto. Ang sakit lang ng katawan ko para mag-asikaso pa. Pagkakain ko ay nagtungo na ako sa kwarto para magpahinga. Pakiramdam ko ay hapung hapo ako sa pagtatrabaho sa labas. Pagkahiga ko pa lang ay nakaramdam na ako ng antok kaya natulog na ako ng diretso. KKKRRRIIINGGG! TUNOG ng alarm clock ko sa phone eksaktong alas sais ng umaga. Hinanap ko ito sa tabi ko at inioff ito. "hhhhmmmmm. Tinatamad pa akong bumangon," reklamo ko sa sarili ko. Ang sakit ng katawan ko at pakiramdam ko talaga ay magkakasakit ako. Umikot ako sa kama pero laking gulat ko nang makitang muli ang pusa sa tabi ng unan ko. "AAAAYYYYY," sa gulat ko ay napakumot akong muli. Medyo hindi ko nagugustuhan ang trip ng pusang ito ha. Dahil ramdam ko na sobrang nagising ako sa pagkakagulat ay bumangon na rin ako at nag-ayos ng higaan. Pagkatapos ay nanlalata akong nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Nakataas pa ang dalawang paa ko habang nasa upuan ako at ninanamnam ang bawat paghigop ko sa kape ko. Medyo sinisipon pa ako at ang sakit ng mga balikat ko kaya balak ko sanang magpahinga muna maghapon. Nang may nagtawag mula sa labas. "Kristiiinneee," boses ng babae. May appointment ba ako ngayon? Naalala ko na. Maggagardening pala kami ni Kyla. Siya na siguro ito. Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko siya kasama ang dalawa pang babae. Nakasuot aiya ng malaking payabyab na sumbrero, nakalongsleeves at jogging pants. Kumaway siya sa akin. "We are ready," aniya. Gosh. Balak ko sanang magpahinga. Pero wala akong choice. Binuksan ko na ang gate at pumasok sila ng mga kasamahan niya. "Actually, gusto talaga kitang tulungang matapos at pagandahin ang bakuran mo dahil ikaw na lang yata ang may madamong bakuran dito," komento niya. "Thanks ha?" natatawa kong sabi. "Teka, may sakit ka ba?" tanong niya. "Sinisipon ako at masakit ang likod ko. Dahil siguro sa pagdadamo ko kahapon," sabi ko saka sila pinaupo sa sofa. "Uh-Ow," sabi niya pa. "Di bale, dahil bago ka dito, kami na ang bahalang magmake-over sa bakuran mo. Expert kami diyan. Ang gagawin mo na lang ay magpahinga and of course, magpameryenda sa mga uutusan ko," wow ang bait niya. "Sigurado ka?" tanong ko. "I ak very sure. Mag-iiwan lang ako ng magbabantay sa garden ko at papapuntahin ko na dito ang ilan sa kanila. Magdadala na rin kami ng mga extra drifts ko na di nagagamit and mga halamang patapon pero pwede pang pakinabangan. So ang gagawin mo na lang ay manood and magrelax," sabi pa niya. "Sigurado ka talaga?" tanong ko pa. Hindi lang ako makapaniwala na ang bait niya. "Welcome," kumindat pa siya. Hindi pa ako nagthank you. Kaya't nagsimula na sila. Tinawag niya ang lahat ng mga caretakers niya at nagpunta na sa bahay ko na may dala dalang mga gamit. At ang ikinagulat ko pa ay ang pagdating ni Macky na ngayon ay seryoso lang ang mukha at mukhang nagagalit. "Bakit siya nandito?" tanong ko kay Kyla. "Actually, nagpapainstall ako sa kanya ng bagong tangke ng tubig sa garden kasi nasira na yung dating tangke namin. Pero dahil hindi pa dumarating ang mga materyales ay dito ko na lang siya paggagawain ng mga mechanic things para sa garden mo. Plus, gagaan pa ang pakiramdam mo kapag nakikita mo siya," kinurot pa niya ang tagiliran ko. Shocks. Siya ba ang gamot? Nang magsimula na silang mag-ayos ay may kanya kanya na silang ginagawa na iniuutos naman ni Kyla. Itong si Macky naman ay kasalukuyang naggagawa ng carpentry works at ewan ko kung para saan ang mga iyon. Nasa mga bandang alas nwebe na nang lumabas akong muli sa bahay para bumili ng meryenda nang makasalubong ko siya sa pintuan. Well, kung kanina ay naka t-shirt siya, ngayon nakasando na lang ata pawisan. Wow. Hotness. "May tubig ka bang malamig?" tanong niya. "H-ha? Tu-tubig?" nauutal ako. Tumango lang siya. Shocks. Lumulunok pa. Yung adam's apple taas baba. Yung pawis niya nangingintab tapos dumadagdag sa hotness niya. "Ano, meron ba?" tanong niyang muli na pumukaw sa atensyon ko. "M-meron," sagot ko saka ako tumalikod at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Nagsalin ako nito sa baso saka ko iniabot sa kanya. Nakasunod na rin pala siya sa akin. Pagkaabot ay ininom niya ito ng deretso sa harapan ko at kitang kita ko ang paglagok niya ng tubig mula sa kanyang labi hanggang sa lalamunan. Bakit pati pag-inom niya ang hot hot? Sana tubig na lang talaga ako. Pagkainom niya nito ay iniabot niya sa akin ang baso. "Isa pa," aniya. "H-ha? Isa pa?" tanong ko. Bakit ba ako nabobobo ngayon? Tumango lang siya. Sinalinan ko na lang ng tubig yung baso saka niya muling ininom. Yung pag-inom niya lang talaga ay parang nagi-slow motion sa paningin ko at ang sexy sexy lang ng dating niyon sa mga mata ko. "Salamat ha," saka niya iniabot sa akin yung baso at tumalikod na. Wow ha. Nice butt. Ganda ng hulma. At doon pa talaga ako nakatingin? Tiningnan ko ang ininuman niyang baso at balak ko sanang ipreserve iyon dahil feeling ko ay andun pa ang laway niya mula sa mg labi niyang dumikit sa baso. Sa pagkakataong ito, mas maswerte pa ang labi ng baso kaysa sa tulad ko. Nakakainis. MACKY HALATANG halata ang mga pagtitig niya sa akin habang nagtatrabaho ako at habang umiinom ako ng tubig. Sa totoo lang ay nahihiya lang ako kay Kyla na tumanggi sa imbitasyon niyang tumulong dito dahil wala pa naman ang mga materyales para sa bago niyang tangke sa Kyla's Garden. May atraso sa akin itong babaeng ito kaya kung maaari sana ay umiiwas ako sa kanya dahil baka hindi na lang pandudurog ang gawin niya sa birdy kong muntikan na niyang dinurog noong isang araw. Hinding hindi ko iyon makakalimutan. Sa totoo lang ay hindi ko rin talaga gustong magtrabaho ang mga kasamahan ko sa kanya dahil gusto kong gumanti sa mga ginawa niya sa akin. Ako kasi ang naghahawak ng mga mekaniko, karpintero, nagpipintura ng bahay at tubero sa Calle Adonis kaya ako ang nilalapitan ng mga tao at saka ko naman ipadadala sa kanila ang mga kasamahan ko kapag hindi ko ito mahaharap. Ngayon, ay ako lang talaga ang pinakbakante at maluwag na trabaho kaya pinatos ko na lang ang request ni pareng Kiel na magkabit ng tangke sa garden ng kapatid niya. Kaya ako nandito ngayon, gumagawa ng mga bagay na ayaw ko sanang gawin para sa Pulis Patola na ito. Pero naaawa ako sa kanya dahil mukha na talagang haunted house ang bahay niya kaya konsensya ko rin ang umiiral kapag naiisip ko ang bagay na iyon. Sige, dahil bago siya dito ay palalampasin ko na muna ang mga ginawa niya. Siguro ay bukas ko na lang sasabihin sa kanya na ako na lang muli ang kunin niyang contractor para sa pag-aayos ng haunted house niya. Sasabihin ko ito bukas kapag nakita ko siya sa birthday ni Baby Baste. KINAHAPUNAN ay ako ang naiwang nag-aayos ng mga gamit ko at inilalagay ito sa bag. Nasa may labas din siya at tintingnan ang bagong ayos niyang bakuran. Maganda ang pagkakaayos ni Kyla at ng mga tauhan niy kaya sulit na sulit na niya ito. "Ang ganda naman pala," aniya sabay tingin sa mga landscape. "Magaling talaga siya. Kaya nga iyan ang business niya," komento ko. "Pero ang bait niya lang para ilibre sa akin ang efforts na ito ha," aniya. "Ikaw? Nilibre niya sa serbisyong ito?" tanong ko. Tsk. Si Kyla talaga oh. Mapagkawang-gawa. "Oo. Bakit bawal ba akong malibre?" tanong niya. "Hindi naman, pero nakakapagtaka lang," sabi ko naman. Binuhat ko na ang mga gamit ko at lumapit sa kanya. "So, bukas ," sabi ko. "Anong bukas?" siya. "Magkikita na naman tayo bukas sa birthday ng inaanak ko," sabi ko. "Hindi naman ikaw ang kikitain ko doon," masungit niyang sabi. "Sabihin na lang natin na magkikita tayo bukas. Kaya kung ako sayo, paghandaan mo na lang," sabi ko saka tiningnan siya sa mga mata. Masubukan nga ang pagpipigil nito. "Whatever," saka siya umirap pero huling huli ko sa mga labi niya ang mg ngiting kanina niya pa pinipigilan. Huli ka balbon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD