chapter 8

2318 Words
lumipas ang mga araw at nalalapit na din ang ang pagbalik ni kuya gavin sa america. ngayon pa lang ay hindi niya na maiwasang malungkot.pakiramdam niya kasi ay nawawalan na naman siya ng kuya.itinuon niya ang sarili sa pag aaral.bago mag dismiss ang klase ay may ibinigay munang group project ang kanilang adviser apat sila sa isang grupo. laking pasalamat niya dahil magkakasama silang tatlong magkakaibigan nakasama rin sa kanila si nathan ito yong matagal nang nanliligaw sa kanya nagtapat na rin ito ng pag ibig.pero tinanggihan niya agad. ayaw ko naman siyang paasahin sa wala. dahil wala talaga akong nararamdaman para sa kanya.naintindihan naman ako nito kaya hindi na ulit Ito sumubok pa.naging malapit din kaming magkaibigan ni nathan minsan ay sumasama ito sa lakad naming tatlo. napag usapan naming apat na u-umpisahan na namin bukas ang gumawa ng projects sa bahay nila grace.palabas na sila ng university ng kalabitin siya ni dom"sis may perdible ba kayo diyan pang higpit sa panty. gosh ang gwapo talaga." natitilihang napatakip pa ito ng bibig sinundan ko kung saan siya nakatingin para alamin kung bakit ito nagkaka ganoon. and shock's.biglang tumibok ng mabilis ang puso niya pag kakita sa taong nakatayo habang naka sandal sa mamahaling sasakyan nito. "kuya anong ginagawa niya dito.?" parang naging slowmo ang lahat sa kanyang paligid ng mag tama ang paningin nila. hindi niya na naririnig kung ano ang sinasabi ng mga kasama.basta nakatitig lang siya sa kanyang kuya.at hindi na maalis ang paningin na tila nakapagkit na sa kanyang mata ang gwapong nilalang.ito na yata ang pinaka gwapong lalaki na nakita sa tanang buhay niya.ang katawan nito na sanay sa mabibigat na training ay hindi biro ang laki nakita na niya ang mga braso nito at talaga namang namamangha siya hanggang ngayon.maskulado lalaking lalaki.ito yung mga tipo na pina pangarap niya. maging boyfriend in the future."ano kayang pakiramdam ang makulong sa mga bisig nito?" iniimagine pa lang ay pakiramdam niya ligtas at kayang kaya siyang protektahan nito. nakatingin lang din ito sa kanya at walang paki alam sa paligid kahit umulan at bumagyo pa yata ay hindi Ito matitinag sa pagkaka titig sakin heto na naman ang tingin na parang kinakabisado bawat detalye ng mukha ko ganito ba ito talaga.?"mauuna na rin ako ericka may lakad pa kasi kame ni mama."bigla akong nahiya sa inasal ng saglit akong mawala sa ulirat dahil sa taong hindi ko inaasahan na makikita dito sa labas ng school luminga ako at hinanap ang mga kaibigan."umalis na sila dumating na kasi ang sundo nila"tila nabasa naman ni nathan ang nasa isip niya."t-talaga" parang tangang tanong niya dito. napahiya pa siya sa inakto niya.hindi niya namalayang nakaalis na pala ang mga kaibigan.hindi na siya nakapag paalam sa mga yon."nakakahiya" siguradong bukas ay aasarin na naman siya ng dalawa."okay ka lang ba dito.?gusto mo samahan muna kita hanggang dumating ang sundo mo."agad siyang umiling."hindi na nathan on the way na daw si kuya larry."pagdadahilan niya ang totoo ay tatawagan pa lang niya ang sundo.ngumiti siya dito ng matamis at nilingon niya ulit si gavin para lang magulat dahil hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ito sa kanya.nahihiyang nag iwas siya dito ng tingin at bumaling ulit kay nathan. "o-kay ka lang ba nathan?."nagtatakang tanong niya dahil nakatulala lang ito. pumitik siya sa harapan nito at tsaka lang natauhan."okay ka lang?."ulit niya "a-ano wala ang ganda ganda mo kasi para kang artista hindi nakakasawang titigan."napakamot pa ito sa ulo saka umalis.'anong nangyari don?'hinabol ko na lang ito ng tingin habang papalayo.nahihiya akong lumakad palapit kay kuya ni hindi man lang ito gumagalaw sa kinatatayu-an.habang naninigarilyo.hindi niya ipinahalata na bawal siyang makalanghap ng usok ng sigarilyo .huminga muna siya ng malalim."k-kuya ano pong ginagawa niyo dito.?"nakatitig lang ito sa kanya ng matiim.namalikmata ba ako ng may sumilay na poot sa mga mata nito pero agad iyong nawala pero nakita ko talaga iyon. 'may mali ba sa tanong ko?" "let's go."nagulat ako ng bigla nitong buksan ang pinto.agad akong pumasok at kinuha ang inhaler sa bulsa ng bag at agad nag spray ng ilang beses nagmamadali ko iyong ibinalik para hindi makita ni kuya. bigla kasing bumigat ang aking pag hinga ng malanghap ko ang amoy ng sigarilyong kumapit sa damit nito."k-kuya where's kuya larry.?" "my uncle ordered something from him."tumahimik na lang ako ramdam ko rin naman na wala na itong balak dugtungan pa ang sinabi "nagtitipid siguro siya ng salita."hanggang sa makarating kame ng mansyon.nang bumaba ako nakita kong papalapit sa direction namin si mang mando. "magandang hapon po ma'am ericka"bati nito sa sakin."sir gavin naka handa na ang maleta niyo sabihan niyo lang ako kung aalis na."agad akong napabaling kay kuya.apat na araw pa dapat bago ang balik nito sa america pero bakit ngayon siya aalis may problema ba?nagka emergency ba sa trabaho nito?.well sa uri ng trabaho meron ito ay hindi nga malabong manyari yon.baka may girlfriend itong naiwan don?.napayuko rin si ericka ng maisip ang huling katanungan sa sarili. hindi pa nga niya talaga ito kilala.kahit dito siya nakatira sa mansyon na pag aari ng mga magulang nito ay limitado pa rin ang alam niya sa personal na buhay nito sa madaling salita ay wala siyang alam at sampid lang siya kaya wala akong karapatang mag tanong."mauna na po ako mang mando"humakbang na ako palayo sa mga ito dahil parang maiiyak siya sa nalamang aalis na si gavin.kinagat niya ang ibabang labi at tahimik na pumasok. "bakit parang maiiyak ako sanay naman akong wala siya ah.?"ani sa sarili.huminga siya ng malalim.kailangan ko pala talaga siyang layuan para maiwasang saktan ang sarili mula dito sa hindi niya malamang dahilan. oo magkapatid sila ni kuya william hindi nangangahulogan na pwedi ko na rin ilapit ang sarili dito.dahil mag kaiba sila.si kuya william ay minahal talaga ako bilang isang nakababatang kapatid ito rin ang kasama ko sa lahat ng lungkot na pinagdadaanan ko noon. mag kaibang mag kaiba sila. matapos niyang mag bihis ay kinuha niya ang picture frame na nasa ibabaw ng kanyang bedside table masayang masaya silang dalawa sa litratong iyon habang naka akbay Ito sa kanyang balikat. nag celebrate silang dalawa nong araw na yun.dahil mataas na grado ang nakuha niya ng time na nagpa surprise quiz ang kanyang teacher sa science nong siya'y second year high school pa lang.kahit maliit na achievement niya sa school ay hindi nito nakakaligtaang bigyan siya ng regalo o i treat siya sa labas. "kuya na mimiss na kita sobra nalulungkot ako ngayon."niyakap niya ang frame at ngumiti sa kawalan.hindi ako dapat nalulungkot dahil ayaw na ayaw ni kuya william ang nakikita niya ngayon alam kong binibantayan ako nito mula sa langit. "sorry po kuya promise hindi na ako iiyak dahil alam kong malulungkot ka kung saan ka man naroroon.hinimas niya ang picture nilang dalawa bago maingat na ibinalik sa bedside table. bumaba na rin siya para tumulong sa kusina. "nanay nasan po sila tita?."tanong niya ng mapansing wala sa paligid ang mag asawa. "hinatid nila ang kuya gavin mo sa airport anak." "ganon po ba,?"tumango naman ito. "sandali na lang at matatapos nakong maghain para makakain na tayo."tahimik siyang umupo na lang habang hihintay na matapos ihain ang hapunan.hinipan niya ang buhok pataas. hindi man lang niya nagawang magpaalam na aalis na pala siya. sabagay sino ba naman siya para dito.dapat kasi hindi na lng niya ako inalagaan nung nagkasakit ako.edi sana hindi rin ako umasa na magkakalapit kame at ituturing niya rin ako bilang bunsong kapatid tulad nang turing sakin ni kuya william.bumuntang hininga siya. nang maihain na ni nanay soledad ang mga pagkain ay sumabay na sa kanya kumain ang mga itinuturing niyang ate dahil alam ng mga Ito na ayaw niyang kumain kapag mag isa lng siya habang masayang nag ke kwento si ate minda ay tawa naman ng tawa sila ate lanie.pero siya ay malayo ang takbo ng isip nanlulumo pa rin siya hanggang ngayon sa kadahilanang hindi man lang siya nakapag paalam kay kuya kahit anong gawin niya ay naiisip niya ito ngayon pa nga lang ay hinahanap hanap na niya ang presensya nito.nang matapos mag hapunan ay umakyat agad siya ng kwarto para mag mokmok.crush niya si kuya gavin totoo yon unang kita pa lang niya dito. ay parang binubondol ng tambol ang kanyang dibdib sa sobrang lakas ng pintig non. pero normal lang ba iyon?kasi ngayon pa lang ay hinahanap hanap na Ito ng systema niya. napasabunot siya sa kanyang buhok. "arrrgh hindi pwedi to anong nangyayari bakit ako nagkakaganito.kuya anong ginawa mo sakin bata pa ako para gulohin ang isip ko ng isang lalaki at ikaw pa kuya."hindi ko na alam kung anong gagawin.natulala na lang ako habang nakatingin sa kisame at kagat kagat ang ibabang labi.kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si grace alam kong hindi pa ito tulog. "hello sis" sagot mula sa kabilang linya. lumunok muna siya bagama't nahihiya sa kaibigan niya ay gusto niya ng may makakausap."sis uhm"hindi niya matuloy ang sasabihin dahil kinakabahan siya.baka husgahan siya nito."sis may problema ba.?"nag aalalang tanong na nito. umubo muna siya para tanggalin ang nakabara sa lalamunan kahit wala naman.sadyang kinakabahan lang talaga siya. "sis umalis na siya,"kinagat niya ang kuko gamit ang ngipin dahil sa nerbyos. "who"kahit hindi niya nakikita ay alam niyang nakakunot nuo ito sa pagtataka. "s-si kuya"tumahimik sa kabilang linya. "bakit parang pinag bagsakan ka yata ng langit at lupa sa tono ng boses mo ?"ako naman ang nanahimik sa sinabi nito."magtapat kana hinihintay lang kitang mag salita dahil hindi ka mag kakaganyan kung walang malalim na dahilan."straight to the point na saad ni grace. kaya Ito ang gusto niyang maka usap dahil seryoso Ito sa mga ganitong bagay.dahil kung kay dominic siya unang tumawag ay Baka etchosin lang ako non."crush ko si kuya gavin sis pero kanina bumalik na siya ng america hindi man lang siya nagpa alam sakin friend."himutok niya dito.mahina itong tumawa hanggang sa lumakas at nauwi sa hagalpak.nahiya na tuloy ako dahil sa mabilis na pag amin ko.maya maya ay sumeryoso din ito. "sis hindi mo siya crush may gusto ka talaga kay kuya gavin akala mo siguro hindi namin napapansin ni dom ang mga kilos at titig mo sa kanya.lalo na kanina ng makita mo siya sa school natin."gosh ang tanga ko." "na mimiss mo agad diba.?"nahihiya akong tumango kahit hindi nito nakikita. "sabi nila silence means yes." dagdag pa nito. "hindi ko lubos na kilala si kuya gavin at wala akong alam sa kanya maliban sa trabaho niya." humigpit ang hawak ko sa aparato. "pero sis handa ka bang mahalin ang isang tulad niya?ayon kay dad matinik sa babae si kuya gavin at bali balita rin na engage na ito sa girlfriend nitong sikat na modelo."biglang sumakit ang puso ko sa nalaman. "naikwento ni dad samin ni mommy nong isang araw lang sinabi ko kasing nandito sa pinas si kuya Gavin for vacation. kaya nakipagkita agad si dad sa kanya.kilala ni dad si kuya gavin hindi man sila madalas nagkikita. pero dahil isang sikat na modelo ang girlfriend niya kaya naipahayag ito sa isang interview sa magazine."mahabang turan ni grace. matalik na kaibigan ng daddy ni grace si governor gilbert miller simula ng mag high school hanggang sa nagka pamilya ang mga Ito. "sikat na modelo ang girlfriend ni kuya,!"tumatak iyon sa kanyang isip."pag isipan mo ang sinabi ko sis.hindi madali mag mahal although hindi ko pa rin nararanasan ang ma in love.. nandito lang kame ni dom para sayo. hanggang sa magpaalam na ito.ay hindi na ako nakapag salita pa.nag open ako ng social media ko at hinanap ang pangalan na sinabi ni grace. Louella cremson.ang daming lumabas na kapangalan nito.pero yong unang account na binuksan niya ay ito na nga ang ang girlfriend ni kuya dahil ang profile nito ay mag kasama silang dalawa at mag kayakap. ang ganda naman niya.sino bang maglalakas loob na banggain ito at agawin ang boyfriend mula dito halos na sa babaeng iyon na ang lahat ang ganda nito hindi pangkaraniwan. na sa hollywood mo lang talaga makikita.ang perpekto pa ng katawan nito kaya ito naging sikat na modelo dahil sa mga katangiang meron dito. ano naman ang laban niya.? walang wala siya kumpara sa girlfriend ni kuya bukod sa ulila siyang lubos ay nakikira lang din at pinapa aral ng libre ng pamilya nito.bigla siyang nanliit sa sarili at sinampal ng katotohanan na wala siyang karapatan na magmahal o tumibok ang bata niyang puso para kay gavin. ngayon pa lang ay nasasaktan na siya. paano ba pahihinto-in ang mabilis na t***k ng puso para kay kuya.natatakot ako para sa sarili hindi ko lubos maisip kung pano nag simula at nauwi yata sa pag ibig ang sandaling pananatili nito dito sa pilipinas. tama si grace hindi madali mahalin ang isang katulad ni Gavin miller.kahit sumubok pa ako ay wala rin patutunguhan dahil nagsusumigaw ang katotohan na isa lang siyang sampid sa pamilya nito at kahit kailan ay mananatiling ulilang lubos at walang pamilyang matatawag na kanya. sabihin na nating minahal siya at tinuring parang tunay na anak ng mag asawang miller na sina Bernard at mary jane.ang isang malaking katanungan sa kanyang isip ay bakit hindi na lang siya tuluyang inampon ng mag asawa gayong ulila naman siya.at walang kamag anak na kukuha sa kanya.sa huli ay kinastigo niya rin ang sarili dahil sa takbo ng kanyang utak.hindi niya dapat pag dudahan ang mga taong kumopkop at nag aruga sa kanya. sila na ang mga mahal niya sa buhay at ginawang inspirasyon para harapin ang hamon ng buhay. hindi madali ang mga pinag daanan niya simula nong bata pa ako pero dahil sa kanila ay pinilit kong kalimutan ang lahat.at itinatak sa isip na walang ng makakapanakit pa sakin. "kailangan ko ring kalimutan si kuya." dahil bali baliktarin ko man ang mundo ay ako lang ang masasaktan kung hahayaan ko ang sarili na mahulog ng tuluyan kay kuya gavin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD