tatlong araw ng hindi umuuwi si kuya nang marinig nito ang sinabi ko dahan-dahan akong binitawan niyon at umalis sa harap ko narinig ko na lang ang tunog ng sasakyang paalis ng mansyon nu'ng gabing yun. tama lang ang ginawa niya kahit pa malaki ang pagkakagusto ko sa kanya ay hindi pa rin tama ang makipag relasyon sa binata. "sissy ang layo ng iniisip mo." bahagya akong ngumiti kay grace
"hindi naman seryoso." inismiran lang ako nito.
"mukhang seryoso nga itatanggi mo pa ang fake ng ngiti mo sissy."napangiwi na talaga siya dito.
"hindi pa nga kayo pero hindi kana makangiti
what more if he's girlfriend is bac..." hindi na nito tinuloy ang sasabihin nang yumuko ako.
"I'm sorry sissy" natahimik na lang silang dalawa habang pinapanood ang tatlong kaibigan nila na nag ba-basketball nandito kame sa gym
dahil may practice si lexter tinulangan Ito ni Nathan pero mukhang hindi makakapag concentrate ang dalawa dahil kay dom na panggulo. hinarap niya si grace nginitian Ito ng matamis. "wala namang dapat ipag alala sissy
kaya ko ang sarili ko noh." sabay akbay dito
"ako ang sasapak kay kuya gavin pag may hindi magandang ginawa iyon sayo." banta na lang nito. hinila niya ito para maki gulo sa practice ni lexter tutal ay nanggugulo lang naman si dom kaya dadagdag na rin sila. kumuha siya ng isa pang bola ilang beses niyang tinira iyon pero hindi ma shot. lumapit si nathan at tinuruan siya ng tamang position tumira ulit siya at tumama lang iyon sa ring ilang beses pa niyang sinubukan napangiwi siya ng makitang napakamot na sa ulo si nathan. "ayaw talaga sayo ng bola." natatawang sabi nito.
sabay kameng nagtawanan ng nagtititili si dom habang hinahabol Ito ni lexter lumapit Ito sa kanya at nagtago sa likod niya. para tuloy kameng mga bata na nag habulan sa gym mabuti ay kameng lima lang ang tao dito. siguro pag makita kame ng ibang studyante baka isipin nilang batang isip kame. malamang sa malamang talaga. huminto ako kakatakbo at umupo dahil hiningal na ako. ang saya hindi niya kasi naramdaman ang maging bata noon. pinabilis ng pangyayari ang pagiging matured niya. ni hindi niya naalala kung nakapaglaro ba siya noong bata siya. itinuon niya kasi ang sarili sa pagpapagaling dumaan siya sa iba't-ibang klase ng treatment para lang maka recover sa traumang natamo niya. huminga siya ng malalim bakit ba lately ay naiisip niya ang nakaraan. tumunog ang cellphone niya kinuha niya iyon para tinignan kung sino ang nagpadala ng mensahe
si kuya larry pala pinaalala na nasa labas lang daw siya. tumayo na siya para mag paalam sa mga kaibigan. uuwi na rin daw pala sila kaya sabay-sabay na lang silang lumabas. agad siyang nagpaalam sa mga Ito ng makita niya si kuya larry. pagkababa niya sa kotse ay siyang labas naman ni kuya. hindi na ako nagulat
kaya para makaiwas ay hindi ko Ito pinansin nagtuloy tuloy ako sa pagpasok sa loob.
"oy ganda halika magmeryenda ka muna." yaya sakin ni ate. lorien ng makasalubong ko siya sa sala. "busog pa po ako ate kumain na po kame ng mga kaibigan ko." tumango naman ito.
ang totoo ay wala siyang balak kumain. ngayo'ng nandito na si kuya hindi niya alam kung paano Ito harapin. umakyat na siya sa kanyang silid nag shower siya dahil puno siya ng pawis kanina. wala sa plano niya ang makigulo sa practice ni lexter. pero naengganyo sila ni grace sa kulitan ng tatlo kaya nakisala na rin sila
kaya umuwi siyang amoy pawis. nang makapag bihis ay humiga siya para magpahinga pero nauwi sa malalim na tulog hindi niya alam kung anong oras na sumasakit kasi ang puson niya. napilitan siyang gumising sa tunog ng kanyang cellphone. kinuha niya iyon nang tignan niya ang caller ay si tita jane iyon. "h-hello" paos niyang sagot sa tawag inaantok pa talaga siya.
"hi sweetie how are you?naisturbo ko ba ang tulog mo anak pasensya na ha..ngayon lang ako nakatawag dahil masyadong maraming ginagawa dito sa kompanya. ng daddy mo." mahabang turan nito. na mimiss na niya ang mga Ito. "inaalagaan kaba ng kuya mo diyan?"
nag aalalang dagdag pa nito. ngumiti siya kahit hindi nito nakikita. "tita malaki na po ako kaya ko na po sarili ko huwag na po kayo mag alala ni tito sakin. gusto ko pong mag enjoy kayo diyan habang nandiyan pa po kayo." gusto niya talaga ay mag enjoy din ang mga Ito at mag bakasyon. puro na lang kasi sila trabaho.
bumuntong hininga Ito sa kabilang linya
"iyon na nga sweetie mukhang matatagalan pa kame dito ng tito Ito nga at tulog na tulog na si bernard sa sobrang pagod." nag alala naman siya sa nalaman. "ganon po ba.?" mahinang saad niya. "sige po tita magpahinga na rin po kayo alagaan niyo ang mga sarili niyo huwag na po kayo mag alala sakin dito. okay lang po ako."
"ikaw anak mag iingat ka diyan miss na miss kana namin." napangiti siya. "miss na miss ko na rin po kayo tita." nang ibaba na ni tita ang tawag ay saka pa lang niya tinignan kung anong oras na 1am na pala ng madaling araw. nakatulog pala siya ng ganon kahaba. nakita niyang may pagkain sa ibabaw ng kanyang center table. hindi pa naman siya nagugutom gusto niya sanang uminom na lang ng gatas pero baka nasa ibaba na naman si kuya
sa isiping iyon ay hindi na siya bumaba. sumasakit ang puson niya makakaroon siya ng buwanang dalaw. napahawak siya sa tiyan ng sumigid ang kirot niyon. dali-dali siyang tumayo at kumuha ng sanitary napkin bago pumasok sa banyo. bumalik siya sa kanyang higaan hindi niya na nagalaw ang pagkain pagganitong may dalaw ay wala siyang ganang kumain. mas gusto niya ang mahiga at matulog lang buong araw. nakatulog siya ulit nagising lang siya sa katok "pasok." namamaos niyang sigaw
"ganda hindi kaba papasok?" si ate lorien.
"papasok po ako ate mag aasikaso na po ako"
napilitan siyang bumangon kahit masakit ang puson niya naligo siya ng maligam gam na tubig para maibsan ang sakit. nang matapos siya ay kinuha niya ang bag at sinukbit sa likod. binitbit niya rin ang tray na may pagkain na hindi nagalaw. dinala niya iyon patungo sa kusina pag dating doon. ay nakahinga siya ng maluwag dahil wala si kuya. ipinatong niya na lang sa lababo ang tray saka na lang siya babawi sa mga gawaing bahay pag okay na ang pakiramdam niya. "ate hindi na po ako kakain masakit po ang puson ko" alam nitong hindi talaga nakakakain pag ganitong may dalaw siya.
"ipagtitimpla na lang kita ng gatas para mainitan ang sikmura mo." tumango siya dito
habang hinihintay ang gatas ay ipinatong niya ang kamay sa lamesa at iniyuko ang ulo doon.
napahawak pa siya sa tiyan ng sumigid ang sakit niyon. parang ayaw na tuloy niya pumasok ngayon. mas gugustuhin pa yata niyang bumalik sa kwarto at umiyak sa loob ng banyo para walang makarinig. "ganda inumin mo na ito para mainitan na ang sikmura mo." nag angat ako nang mailapag ang baso sa harap ko "salamat po ate." nakita niya si kuya na nakaupo na mesa hindi niya na ito pinag tuonan ng pansin
kahit medyo mainit pa ay ininom na niya iyon
nang matapos ay nag paalam siya sa babae na aalis na. sumakay agad siya sa kotse nang makitang naghihintay na sa kanya si kuya larry.
pagdating sa kanyang room ay unti pa lang naman ang studyante kaya yumukyok siya sa lamesa. ilang sandali pa nang may humimas sa likod niya. patagilid niyang tinignan kung sino iyon. "are you not feeling well?" si nathan na mababakasan ng pag aalala.
hindi niya masabi dito kung ano ang dahilan at bakit wala siya sa mood ngayon. kaya tumango na lang siya. tumabi Ito sa kanya.
"is it because of the monthly visit.?" her jaw dropped because of what he said.
ka lalakeng tao nito. why does he know
about the monthly visit.? nagtataka niya itong tinitigan.
"don't ask me why I know." parang nahulaan niya kung ano ang nasa isip ko.
"I have ate's remember ganyan din sila pag may period." napapakamot pang saad nito.