"at bakit naman kita kailangan kilalanin aberr???"sagot nito na naiirita sa lalaki sa kayabangan
" Well, sinasabi ko lang sayo na di ka mananalo saakin"nakangisi parin ito habang nakatingin sakanya.
Natameme si Russy 'sino ba tong lalaki na to?bakit ganito nalang siya magyabang?'sabi sa sarili,
Bago nakapagsalita ay narinig niya muli ito nagsalita.
"Nga pala sinabi ko sa nanay mo na boyfriend mo ako"nakangiti ito habang binabanggit.
"ano??bakit mo sinabi yun???nasisiraan kanaba talaga???"gulat na sabi ni Russy
Lumapit ito sakanya at inilapit ang mukha ng lalaki sa kanyang tenga,bumulong Kay Russy
"yes you make me crazy little cute girl"nangaakit na tinig ng lalaki
namula ang pisngi niya at parang magaapoy ang kanyang katawan sa binulong ng lalaki. Nagsalita ito muli,
"wag muna tangkain na kontrahin ako,kundi sasabihin ko sa nanay mo kung ano mangyare satin kagabi"sabi sa babae habang nakangiti
Nagaapoy sa galit si Russy sa mga pinagsasabe ng lalaki pero no choice siya kundi panindigan ang sinabi ng lalaki sa nanay niya. Ayaw niya rin kasi nagaalala pa ito sakanya.
"walanghiya ka talaga!"tangkang sisipain niya na ito sa tiyan ng mabilis nito na macorner ang paa niya.
"as I said wala kang laban sakin." ngumiti lang siya sa babae lumapit at hinalikan ito sa lips.
Hindi niya alam pero gustong gusto niya na halikan ang babae. Lalo na pag nakikita niya ang mga labi nito.
Nagulat si Russy sa ginawa ng lalaki, akmang sasampalin niya ito ng magsalita ito,
"wag mo na tangkain, mahal ang bayad niyan"sabi nito na ngumiti ng nakakaluko
Sumimangot nalang si Russy at walang magawa.
"Okay naba pakiramdam mo?Nagugutom ka ba?anong gusto mo kainin?"pagiiba ni Raindel sa usapan.
"Hindi!wala akong gana kumain"sabi ni Russy
knock!knock!
Biglang kumatok ang nanay ni Russy at sinabi"ready na ang hapunan"
"sige nay!lalabas na po kami" sagot ni Russy
Tumayo si Russy naglakad papuntang pintuan habang nakasunod naman sakanya si Raindel.
Umupo sila sa hapag kainan.Nagdasal muna sila Bago kumain. Habang kumakain ay nagpapalitan lang sila ng tinginan.
Inabot ni Raindel ang bawat bowl ng pagkain at nilagyan ang plato ni Russy.
"anong ginagawa mo?"iritang sabi ni Russy
"nilalagyan ka ng pagkain,kailangan mo kumain ng marami para lumakas ka"tugon nito
"may kamay ako"inirapan niya ang lalaki
Ngumiti lang ito sakanya sabay sabi" gusto kita pagsilbihan habang BUHAY"sabay nakaw ng halik sa cheeks sa babae
"IKAW!" napayuko nalang ito sa pagkapahiya sa ginawa ng lalaki
Habang ang nanay niya naman ay natutuwa sa nakikita, naalala niya ang malambing na yumao niyang asawa.Kaya masaya itong pinagmamasdan ang dalawa habang kumakain.
Alam ni Russy na maraming gusto itanong sakanya ng nanay niya nagpipigil lang ito, hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang totoo.
First time lang makakain ni Raindel ng mga ganitong pagkain. Natuwa siya ng natikman ang mga ito,kahit bago sa panlasa ay nasarapan siya sa mga ito.
Kaya ng matapos siya sa pagkain ay pinuri niya ito at nagpasalamat.
"Napakasarap po ng luto niyo salamat sa masarap na hapunan nay!"sabi ni Raindel, hindi niya rin malaman bakit nakapagbitaw siya ng ganung salita.Napakamot nalang ito sa ulo.
Halos mabilaukan naman ang dalawa ng marinig ang sinabi nito.Nang matapos ang hapunan ay 8:30 na ng gabi.
Natuwa naman ang nanay ni Russy habang inoobserbahan ang lalaki, mukha naman na mahal na mahal nito ang kanyang anak at di pababayaan.
"Iho, gabi na mas mabuti siguro kung dito kana magpalipas ng gabi"nagaalalang wika ni nanay Marie.
Malayo pa kasi ang lalakarin nito kung sasakay ng trike at jeep.Baka mapano pa ito sa daan.
Nang marinig naman iyon ni Raindel ay agad itong sumangayon habang nakangiti. Nagulat naman si Russy sa sinabi ng kanyang ina.
"Nay wala siyang pagtutulugan rito"nakasimangot na sabi ni Russy
"sa room mo"sagot ng nanay habang nakangiti tumalikod na papunta sa kanyang silid.Hindi na nito hinintay ang pagsagot ng anak.
"pero-----"wala na magawa si Russy ng talikuran siya ng kanyang ina.Tumingin siya ng masama kay Raindel.
Dalawa lang ang kwarto nito,isang sala, kusina at cr.Maliit lang ang kanilang bahay. Tama lang sa kanilang dalawa magina.
Pumasok siya sa kwarto habang nakasunod si Raindel sakanya.
"pwede ba manghiram ng damit pantulog?"tanong ni Raindel
"May mga malalaki akong pantulog, di ko lang ALAM kung kasya SAYO!"sagot nito at umerap sa lalaki.
Pumunta sa kabinet naghanap ng pantulog na pwede sa lalaki. Buti nalang may nagkasya pero hapit sakanya'
Di niya alam kung maaaliw o matatawa.
Habang nasa banyo ang lalaki. Agad naman siya kumuha ng blanket at unan. Inilagay sa sahig.
Humiga sa kama habang hinihintay bumalik sa kwarto ang lalaki.Nang makitang pumasok ay agad itong sinabihan,
"Jan ka sa sahig matulog!"utos nito
Di siya pinansin nito kinuha ang blanket sa sahig at humiga sa kama sa tabi niya.
"hindi mo ba ako narinig?"iritang tanong ni Russy sa lalaki
Dedma lang ito patay malisya walang naririnig.
"hindi ka pwede tumabi saakin!"pagsaway nito
Tumingin ito sakanya" dito ako matutulog sa ayaw mo at sa gusto mo." nakangisi ito.
Pinikit na ni Raindel ang mga mata niya.Habang si Russy naman ay di malaman ang gagawin, nang makitang tulog na ang lalaki humiga narin ito at natulog.
Minulat ni Raindel ang mga mata niya ng maramdaman tulog na ang babae,tsaka pinagmasdan ang mukha nito. Hinalikan niya ito sa nuo "Goodnight my Little Cute Girl."Niyakap niya ito at ipinikit ang mga mata.