Nang makatulog ang lalaki. Agad naman si Russy nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili. Pinilit niyang wag makatulog para makaalis siya agad.Hindi niya malaman kung paano siya lalabas sa room na iyon. Ayaw niya din may makakita sakanya lalo na sa suot niya.
Nakatingin siya sa reflection sa salamin. Tinitignan ang sarili. Nawala na ang pinakaiingat ingatan niya.
"ang tanga tanga mo Russy!"di malaman ang gagawin habang kausap ang sarili sa salamin.
Punit ang pangitaas niyang damit dahil pinunit ito ng lalaki sa sobrang pagnanasa. Kaya no choice siya kundi kunin ang coat ng lalaki at isuot ito.
Kahit masakit ang katawan,Pinilit niya makaalis sa room na yun. Nilugay niya ang buhok para matakpan ang mukha niya palabas ng hotel.
Sumilip muna siya bago lumakad, nakitang busy ang mga kasamahan nito sa front desk mag entertain ng mga bisita at mga naglalabasan na galing sa party.Di niya namalayan na madaling araw na pala.Nagmadali siya para walang makapansin,nang makalabas sa hotel dali dali siyang pumara ng taxi.
Nagising si Raindel sa tunog ng cellphone. Napabalikwas at napatayo siya agad. Inabot ang phone . Ang sakit ng ulo niya sa dami ng nainum. Pagkakuha ng phone sinagot niya ito agad..
"Hello?"Raindel
"hello sir? nasa hotel pa po ba kayo?"John
"oo bakit?kakagising ko lang." Raindel
"ah sir pinacancel ko na po lahat ng schedule niyo for today."John
"what?bakit?anong oras na ba?"Raindel sabay tingin sa orasan
"what the hell???"1:00pm na???bakit di mo ako pinuntahan?bakit di mo ako ginising?"napatingin siya sa kama,nakita ang marka ng dugo at inalala ang lahat ng pangyayari.pinindot ang end button ng phone.
"ah sir-----+"pinatayan ng phone.
'mukhang tagumpay ang plano nila,hindi namn nalalate ng ganito si boss'nakangiti habang dinial ang IBANG phone number.
"hello John,anong balita?"Mr.Flaz
"sir,mukhang success plano natin! hanggang ngayon nasa hotel parin si sir Raindel, ngayon lang siya nalate"pagpapaliwanag ni John
"kung ganun bibigyan Kita ng bunos"nakangiti si Mr. Flaz at kumindat sa asawa na kanina pa excited malaman ang balita.
Kaya habang naguusap sila ay nakikinig lang ito sa tabi ng kanyang asawa.Naka loud speaker ito kaya dinig na dinig niya ang paguusap nito.
Nang patayin ang phone nagyakapan ang magasawa at nagtatalon sa tuwa na parang akala mo ay mga bata.
"Sweetheart hindi bakla ang anak natin"sabi ni Mr. Flaz
"Oo nga sweetheart, success ang plano natin!" sagot naman ni Mrs. Flaz na nagniningning ang mata sa galak.
"sabi sayo sweetheart kunting push lang yan eh"kindat sa asawa sabay nagtawanan.
Napaupo si Raindel sa sofa inaalala ang mga pangyayari kagabi. Nang maalala ang lahat bigla siya nagmadali kuntakin si John ang assistant niya.
ring...ring...ring...
"hello" John
"hello John! ibigay mo saakin lahat ng info ng nagtatrabaho sa hotel na ito,I need now!!!"
"yes sir"John nagtataka'bakit kaya gusto malaman ni sir lahat ng information ng tao na nagtatrabaho sa hotel nila?may nangyare ba na di ko alam?'sabi sa sarili
"Pandala mo na rin ako ng damit dito"sabay baba ng phone.
'Ano kaya siya oras umalis?bakit di ko namalayan'sabi sa sarili
Napangiti si Raindel ng maalala ang malaangel na mukha ng babae at sa pagkakaalam na parehas sila na nakauna sa isat isa.
Napatingin nalang si Raindel sa kama lumapit siya dito at humiga inamoy niya ang kama na may bakas pa ng amoy ng babae.
Tumayo siya lumakad papuntang banyo. Nagshower siya,habang tumutulo ang tubig sa kanyang buhok at katawan. Bumabalik sa isip niya ang mukha ng babae at kung paano nagdikit ang kanilang mga katawan.
Napahawak ang isang palad niya sa pader habang iniisip ang mga nangyare.Umiinit na naman ang kanyang katawan sa pagnanasa na maangkin ulit ang babae at mapasakanya.
Nang matapos magshower, ibinalot niya ang twalya sa kanyang baywang.Lumabas sa pinto ng banyo at umupo sa couch.
Ilang minuto pa ay nagdoorbell na si John dala dala ang damit at mga information ng bawat empleyado sa hotel.
ding dong!ding dong!
Binuksan ni Raindel ang pinto.Pumasok si John na may dala dalang damit at mga papel.Inabot ito Kay Raindel.
"Sir nandito na po lahat ng info lahat ng nagtatrabaho dito sa hotel"John
Tumango lang ito saka Inabot ang mga papel. Bigla tumingin sa kanya ng masama ang boss niya. Kinabahan siya bigla di malaman ang gagawin.
Tinignan siya ni Raindel at parang may naalala.
"John!Sino ung babaeng pumasok sa kwarto ko kagabi?"Raindel naalala niya ang unang babae na pumasok sa kanyang kwarto,naiirita siya pag naaalala niya ang itsura nito.
"Sir sinong babae?"pagmamatay malisya ni John sabay tingin sa kama na may markang dugo
paano nagkadugo yun?virgin ba ung babae?' nagtataka na sinabi sa sarili
Tumingin ng masama sakanya ang kanyang boss.At nilingon ang tinitignan niya. Nanginginig siya sa takot.
" Hindi kita sasahuran ng 3 months!"alam niya na may kinalaman ito sa nangyare kagabi at kung bakit ganun nalang ang init ng katawan niya.
" sir sorry po,boss di na mauulit, nababahala lang po kasi ako sainyo sir,tumatanda na po kayo pero wala padin ako nakikita na nobya niyo."nanginginig buong katawan nito habang pinagpapawisan
"so inaakala mo na bakla ako,ganun ba?"nakangiwi ang ngiti nito na kalmado
"hindi naman po sa ganun sir, baka lang kailangan niyo na nangmakakasama habang buhay"nagbabakasakali na maiba ang timpla ng boss niya at mukhang epektibo dahil nanahimik lang ito habang tinitignan isa isa ang mga papel.
Napakunot nuo niya ng wala duon ang babaeng hinahanap niya. Sa pagkakatanda niya ang niform ng babae ay parehas sa uniform ng nga babae sa hotel nila.
Nagtaka naman si John ng napakunot nuo na naman ang boss niya. Kumakalabog na naman ang dib dib niya sa takot.
"sir may problema ba?"tanong niya
"tawagin mo lahat ng empleyado pumunta sa lobby!now!"Raindel
"okay sir"sabay talikod at madali na umalis si John para bumaba sa lobby.
Nagtataka siya bakit wala ang pangalan ng babae na hinahanap niya duon para makasigurado kailangan niya makita lahat ng empleyado para makita ang babae. Dahil pag nagkataon di niya alam kung saan ito hahagilapin,hindi niya alam pangalan nito kundi "Rus" lang na nakalagay sa damit.
Agad siyang nagpalit ng damit, tumingin sa salamin. Confident siya sa kanyang itsura. alam niya na maraming nagkakandarapa sa kagwapohan niya. Nang matapos ay agad siyang bumaba para magtungo sa lobby.