Episode 2 Ang Pagmamahal ng Isang Anak

2028 Words
Maraming kuwento ang naiuugnay sa mga Anghel, may mga larawan nakukunan pa ng camera na nagpapatunay na may mga anghel na gumagala sa lupa. Tulad ng mga kakaibang nilalang na mga naglalaro sa ating isipan at imahinasyon. Ang mga Anghel ay mga nilalang na ispiritu at wala silang pisikal na katawan.Sa Bibliya ilang beses na rin nabanggit sa luma at bagong tipan ang mga anghel. Kadalasan sila ay mensahero at inuutusan ng ating Panginoong Diyos upang magbigay ng mensahe o babala sa mga tao. Ang mga Anghel ay kadalasan nagpapakita satin bilang isang imahe ng isang tao. Sa ibang pagkakataon, nagpakita ang mga anghel hindi bilang tao kundi sa anyo na hindi kayang ipaliwanag ng tao at sobrang nakakatakot para sa mga nakakita. Madalas, ang unang salitang kanilang sinasabi sa kanilang pinagpapakitaan ay 'huwag kang matakot,' dahil laging ang unang reaksyon ng tao na kanilang pinagpapakitaan ay sobrang takot. Kadalasan pa ang mga anghel ay may kaugnayan sating mga tao. May kakayahan ang mga anghel na ituro, baguhin, mamagitan, at patnubayan ang mga kaganapang nararanasan ng mga tao, subalit naaayon lamang sa paguutos at kagustuhan ng Diyos. Hindi nalalaman ng mga tao kung kailan ito nangyayari, bagkus nagaganap ito sa tahimik na kaparaanan lamang na hindi nakikita ninuman. Kagaya ng Anghel na si Sabriel. Siya ay banal na anghel ng mga himala at imposibleng paggaling. Siya ay pinaniniwalaan na isa sa pangunahing pitong Arkanghel. Gayundin, siya ang namumuno sa koro ng mga anghel na tinawag na Tarshishim. Ang koro na ito ay katumbas ng Mga Virtues. Nawala ang kanyang pagkabanal, ang kanyang ala-ala at ang kanyang halo nang mahawakan siya ng sundalo na may dugo ang kamay. Nagkaroon siya ng katawang lupa at tatlong araw na hindi pa nagkakamalay si Sabriel. Nakahimlay siya sa higaan ng hospital katabi ng batang lalaki na kanyang sinaklolohan sa pagsabog ng Intramuros. "Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyari ito kay Anghel Sabriel." sabi ng unang anghel. "Wala tayong maipapaliwanag sa nangyari, maaring isa itong pagkakamali at tanging ang nasa itaas lang ang nakakalam kung bakit naganap ito." sabi naman ng ikalawang anghel. "Kung akoy inyong pahihintulatan aking nang gigisinging si Anghel Sabriel." sabi nang pangatlong anghel. Wala naman ang tumututol sa anim na mga arkanghel. Nilapitan ng isang anghel si Sabriel upang gisingin ngunit hindi ito nagigising. "Ano at hindi siya nagigising?" wika ng pangtalong anghel patuloy niyang ginigising ang walang malay na anghel. Nakatingin ang ibang anghel sa kanya. Tumabi sila nang makita nilang papasok ng silid ang paika ikang naglalakad ang sundalo si Private First class Eugenio Rubios at ang amerikanong sundalo na si Captain John Peterson. "I think all of you should be under my custody, I have a property in pampanga you can stay there as long as you want." "Thank you Captain for your kindness, Im just wondering what will I or what will we do after we recover or after this war?" "Having a family is not bad at all." sabay tapik ng amerkanong sundalo sa binatang sundalo at pagkatapos ay lumabas ito ng kuwarto. Binigyan niya ng ideya ang sundalong Filipino. Naiwan ang binata na nagiisip, ngayon lang sumagi sa isip niya kung ano ang ginagawa ng magandang babae sa gitna ng giyera. Napahanga ang sundalo sa kagandahan ng natutulog na anghel. Umupo sa kanyang higaan hinagod niya ng tingin ang buong katawan ng babae, napansin din niya ang batang tulog. Napangiti siya nang alalahanin niya ang sinagot sa kanya ng amerikanong sundalo. Ibinaba niya sa gilid ng higaan ang kanyang saklay. Hihiga na lamang siya nang marinig niyang umuungol ang babae. Hinawakan niya sa braso ang babae para gisingin at hindi naman siya nabigo. Dumilat ang babae at marahan siyang bumangon. "Nasaan ako?" tanong ng anghel nang iginala niya ang paningin niya sa loob ng silid. "Nandito ka sa pagamutan katulad ko nagising na lang ako sa silid na ito?" wika ng sundalo. "Sino ka? Bakit wala akong maalala? Anong nangyari sakin?" sunod-sunod na tanong ng anghel. Sasabihin sana ng sundalo na siya ang asawa ng babae ngunit mas namayani sa kanya ang magsabi ng totoo. Aniya mas mainam na mangyari ang mga bagay ng maayos sa kanila baka kasing magbalik ang ala-ala nito masisira pa ang lahat. "Wala ka bang naaalala kahit ano?" tanong ng sundalo. Bigla na lamang napaiyak ang anghel, takip nito ng mga palad ang kanyang mukha. "Naku, sandali. Hindi ko alam ang gagawin sayo? Huwag kang umiyak." sabi ng sundalo. "Nakakaramdam ako ng takot dahil wala akong maalala." sagot ng anghel habang umiiyak. "Huwag kang matakot, malay natin sa ibang araw magbabalik din ng alaala mo." pagkasabi nito ay hinawakan niya sa balikat ang anghel. Hindi niya mapigilan ang sarili na mahulog ng husto ang loob niya sa babae. Niyakap niya ito para pumayapa ang kalooban. Yumakap din naman ng mahigpit sa kanya ang babae. Medyo humupa na ang pag iyak ng babae. "Tahan na, huwag ka nang umiyak pangako hindi kita hahayaan mapahamak. Kahit isang daang sundalong Hapon pa ang makaharap ko hinding hindi kita pababayaan." Kumalas ng pagkakayakap sa kanya ang babae at sabi ng... "Pangako?" "Pangako ko." tugon ng sundalo. Nagtaka ang mga Arkanghel sa nangyari. Pare-parehas sila ng katanungan. Bakit nagkatawang tao ang Anghel na si Sabriel? Taong 1946 Hindi na muli nagbalik ang alaala ng Anghel na si Sabriel. Nang mga panahon magkakasama ang sundalo , ang anghel at ang bata sa isang bahay na pag aari ni Captain John Peterson ay nahulog ang damdamin ng dalawa sa isat isa. Lumipas ang dalawang taon ngunit hindi na muna nagpakasal ang dalawa dahil hinanap na nila ang pagkakakilanlan ng babae. Nabigo ang sundalo na malaman ang tunay na pangalan ng babae kahit binigyan pa siya ng tulong at mga koneksiyon ni Captain Peterson. Imposible ito dahil isang anghel ang babae , bukod doon naging mahirap ang lahat dahil ang ibang gusali ng mga ahensya ng gobyerno noon ay kasamang naabo noon panahon ng giyera. Nagpakasal sila noong panahon ng kamatayan ng Pangulong Manuel Roxas. Maiki lamang ang  panunungkulan ng Pangulong Manuel Roxas  dahil namatay ito sanhi ng atake sa puso. Pumalit sa kanya ang Pangalawang Pangulo na si Elpidio Quirino, kinaharap naman ng bagong pangulo ang Hukbalahap ng panahong iyon. Nang magdalang tao ang  dating anghel ay ginawan ng paraan ni Captain Peterson na mairehistro sa munisipyo ang anghel sa pangalang Josefina Dela cruz. Inampon na din nila ang batang si Lucio bilang panganay nilang anak. Nakabuo sila ng isang masayang pamilya nang manganak ng kambal si Josefina. Pinangalanan nilang Eula at Edna dahil parehas na babae ang kambal. Mahal na mahal ng mag asawa ang isat isa kaya naman sumunod na taon ay nabiyayaan pa sila ng isa pang sanggol na babae at pinangalanan nila itong Eloiza. Nang ppanahong iyon ay umuunlad ang Pilipinas dahil sa tulong ng bansang amerikano sa nakalipas na sampung taon. Naimpluwesiyahan din ng kulturang amerikano ang mga pilipino. Mangilan ngilan na lamang ang nagsusuot ng mestisa dress. Isinusuot na lamang ito sa mga espesyal na okasyon. Bestida na lamang ang isinusuot ng karaniwang mga babae noon. Nadestino ang sundalong si Eugenio Rubios sa Pampanga kaya hindi nahirapan sa pag alalaga ng apat na mga anak si Josefina. Hindi nagkahiwalay ang mag asawa simula noon dahil sa katapusan ng World War II nooon. Masayang masaya ang kanilang tuwing linggo ay buo ang kanilang pamilya na nagsisimba. Paminsan minsan tuwing sabado ay bumibisita si Eugenio sa kanyang mga kaanak kasama ang kanyang mag iina. Nag-aral ng pag gawa ng damit si Josefina para makatangulong sa kanyang asawa. Habang maliliit pa ang kanilang mga anak ay nakapagpatayo sila ng tindahan ng mga damit. Lalo pang gumanda si Josefina sa kanyang ayos kaya ang puso ng batang si Lucio labis-labis na umiibig sa kanyang ina-inahan. Kahit kailan ay hindi niya ito kinilalang ina dahil batid niya ang lahat. Binatilyo na noon si Lucio at lalo pang sumidhi ang pagmamahal niya para kay Josefina. Wala siyang ibang dalagitang nagustuhan sa kanyang mga kaibigan at kaeskwela. Tanging ang kagandahan lamang ni Josefina ang kanyang pinagtutuunan ng pansin. Nakahiligan ni Lucio ang pagsusulat ng mga tula at siyay naging makata. Lahat ng mga isinusulat niya ay iniaalay sa kanyang ina-inahan. Lumaki din magaganda ang mga anak na babae nila Josefina at Eugenio. Inakala ng iba na triplets ang kanilang mga anak na sila Edna, Eula at Eloisa. Itinuring naman silang mga nakababatang kapatid ni Lucio. Isang araw ay hindi nailigpit ni Lucio sa kanyang ang kantang mga akdang tula. Nabasa ito ni Eugenio kaya nagalit siya sa kanyang panganay. Mahinahon naman itong kinumpronta ang binatilyo ngunit naging matigas ito gawa ng kapusukan na kadalasan naman pinagdaraanan ng mga tinedyer. "Kahit kailan ay hindi ko maituturing aking ina si Josefina, nay tunay akong ina at batid ko sa simula pa ang tungkol satin." galit na sabi ni Lucio. "Hindi maganda ang gingawa mong ito anak, isa tayong pamilya simula ng kupkopin ka namin." sabi ni Eugenio kay Lucio. "Hindi niyo nga maaring ipagpilitin sakin ang gusto ninyong mangyari noon pa simula ng bata pa ko ay mahal ko na si Josefina." pabalang na sagot ni Lucio. "Mali ang iniisip mo anak. Ako na ang tumatayong ina " giit ni Josefina. "Ang mali ay papaniwalain ang sarili ko sa hindi naman yun talaga ang katotohanan." mapusok na sabi ng binatilyong si Lucio. "Lapastangan ka samin matapos ka namin palakihin at alagaan ito pa ang gagawin mo samin." Matapos sabihin yun ni Eugenio ay sinampal niya si Lucio. "Mahal bakit mo siya pinagbuhatan ng kamay?"  nagulat si Josefina sa ginawa yun Eugenio. Naawa si Josefina sa panganay na anak lalapitan niya sana ito kaso nagtatakbo ito patungo sa kuwarto. "Hindi mo sana ginawa yun sating panganay." baling ni Josefina kay Eugenio. "Patawad na nadala lang ako ng emosyon, hindi ko kasi akalain na sa tinagal ng panahon ibang tao pa rin ang turing niya satin." Napapikit at huminga ng malalim na lamang si Josefina sa sitwasyon, gayon pa man bilang tumatayong ina, ginawa pa rin niya ang tungkulin ng isang ilaw ng tahanan. Inisip niyang dapat magabayan ng husto ang anak nilang si Lucio. Natural sa kanya ang pagbibigay ng gabay dahil tungkulin naman ng mga anghel ang gabayan ang mga tao. Isang araw hindi na matiis ni Josefina ang paglayo ng loob ni Lucio sa kanilang mag-asawa. Gusto na niyamg magkaayos sila tulad ng dati nilang pagtuturingan bilang masayang pamilya. Kumakatok si Josefina sa kuwarto ngunit hindi pa rin siya pinagbubuksan nito. Dalawang araw nang di kumakain si Lucio. Yayain niya sana ito mag amusal para isama sa pagsimba ngayon umaga. Nag alala na si Josefina nang wala pa rin siyang naririnig na pagkilos sa loob ng kuwarto. Kinuha niya ang susi para puwersahan nang pasukin si Lucio. Walang lucio siyang nakita sa loob ng kuwarto, bukas ang malaking bintana ng kanyang kuwarto. Tanging sulat lang ni Lucio ang kanyang natagpuan, Lumayas si Lucio. Nakasaad sa sulat na hahanapin nito ang mga kamag anakan at huwag na daw siyang susundan pa dahil hindi niya maaatim na ituring na ina ang babaeng minamhal niya ng labis. "Ina nasaan si Kuya Lucio?" tanong ni Edna na isa sa mga kambal. Kaagad na itinago ni Josefina ang sulat dahil ayaw niyang malaman ng kanyang mga sariling anak ang nangyayari dahil ang alam nilay kapatid nila si Lucio at pangalawa ayaw niya itong mabasa ni Eugenio dahil lalo pa niyang kamumuhian ang anak. Nagkaroon ng matinding dalahin sa isipan at damdamin ni Josefina ang paglayas ni Lucio. Gabi-gabi ay umiiyak siya inaalala ang sasapitin ni Lucio sa ginawa nitong pag alis sa kanilang poder. Mabuti na lamang at lumakas ang patahian ng kanilang mag asawa nagkaroon sila ng dalawang puwesto ng tindahan ng mga damit. Naging abala siya sa pagiging ina nang magsipag dalaga na ang mga mga anak niyang kambal at bunso nila. Nakalimutan man ni Josefina si Lucio perp sa puso niya ay naalala niya pa rin may anak siyang magbininata ma din. Hindi pa man nakakapagtapos ng kolehiyo ang dalawang kambal niya nay namatay sa hindi malamang sakit si Eugenio. Ipinagpapalagay ng mga duktor na sanhi marahil ito ng sinapit niya noon giyera ng mga Hapon at Amerikano-Filipino. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD