Chapter 2

1068 Words
Chapter 2 After 5 years. Limang taon na ang lumipas ay hindi pa din nawawalan ng pag asa si Alejandro na mamahanap niya ang mag ina nito. Sa limang taon na iyon ay marami na ang nangyari. Nakakalungkot dahil wala siyang nagawa sa kanyang mag ina. Matapos ang araw na iyon, nagising siya na hindi niya maalala ang lahat napadpad siya sa isang isla. May galos ang kanyang mukha, buti na lang ay may tumulong sa kanya. Nang araw na maalala niya ang lahat ay dali dali siyang umuwi sa kanyang mag ina ngunit wala na ito. Natagpuan niya lang ang isang lalaking kamukha niya. Ang katulong na si Sara ang nagsabi sa kanya ng totoong nangyari kung bakit umalis ang mag ina niya. Nalaman din niya kung paano saktan ng nagpanggap na kamukha niya ang asawa niya. Kaya hindi siya nag atubili na ipapatay ito. " Sir, may balita na po kay Mam Daphne" Napatayo siya sa sobrang saya. Sa wakas ay nahanap na din niya ang pinakamamahal na asawa. Sa limang taon na paghahanap niya, finally. "Sabihin mo Jared, nasan ang asawa ko?" "Nasa isang isla po sila Sir" Dinampot niya ang kanyang coat at susi ng kotse. He doesn't want to wait. Gusto na niyang makita ang kanyang asawa at ang anak nito. "Let's go" dali dali silang pumunta kung nasan ang asawa niya ngayon. Nang makita niya ang bahay kung saan nakatira ang asawa. Halos hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan sa harap ng bahay na iyon. Di niya alam kung paano haharap dito at magpapaliwanag baka iniisip niyang siya talaga ang nanakit dito. Nakita niyang lumabas ang isang batang lalaki. Halos tumulo ang kanyang luha ng mapasin ang pagkakahawig nila. Alam niyang anak niya iyon, gusto niyang takbuhin ang bata at yakapin ng mahigpit. Pero sa hindi malamang dahilan ay natatakot siya. "Zandro, anak?" Tawag ng isang babae mula sa loob ng bahay. Nang lumabas ito dito na humagulgol si Alejandro. Nakita niya ang pamamayat ng asawa at nangngitim na ito dahil na rin siguro sa lugar na tinitirahan niya. He felt like he was going to break down ,nanghihina siya. Nang mapasin ni Daphne na may parang tao sa tapat ng gate nila. Binuksan niya ito ngunit walang tao. "Baby tama na ang paglalaro, maligo kana at tayo'y aalis" Tumayo ang bata mula sa pagkakaupo sa buhanginan. Naglalaro ito ng kotse-kotsehan. " Saan tayo pupunta mommy? " Tanong ng anak niya sa kanya. "Birthday ng Daddy mo ngayon pupunta tayo sa simbahan" " Nasan po ba si daddy, mommy?" " Diko alam pero babalik din si Daddy anak" Alam niyang hindi niya asawa ang kasama niya sa bahay. Naniniwala siyang may nangayari. Kaya ngayon kaarawan nito ay pupunta sila sa simbahan upang magdasal sa kaligtasan nito. Sa limang taon napaglayo nila umaasa siyang babalik ito at hahanapin sila. Sa kabilang banda hindi na nagpakita si Alejandro sa kanyang asawa at anak natatakot siyang baka madamay ang mag ina niya ngayon, hanggang ngayon kasi hindi niya alam kung sino may pakana ng aksidenteng nangyari sa kanya. Ayon sa lalaking nagpanggap sa kanya ay inutusan lamang siya. Pinigilan niya ang sarili niya kanina dahil alam niyang hindi niya matitiis na hindi yakapin ang anak at asawa. He miss them a lot. But he doesn't want them to suffer again. That's why he doesn't show up, kahit na gustong gusto niya. Bumalik siya sa opisina nito kasama ang assistant nitong si Jared. "Maghanap ka ng taong magbabantay sa mag ina ko , I want to be sure that they are safe. Hindi pa natin alam kung sino ang taong gustong pumatay sakin" Sa nagyon silang dalawa lang ni Jared ang nakakaalam ng totoo. Walang nakakaalam ang pagligpit nila mula sa lalaking nagpanggap na kamukha niya. Kaya ngayon sinasabayan niya ang agos ng pagpapanggap. Hawak niya ang cellphone ng lalaki, alam niyang ano mang oras ay tatawag doon ang mastermind ng lahat. "Makakaasa po kayo Sir Alejandro, ipapatawag ko po si Dread ngayon upang makausap niyo" " Okay" Pagkatapos ng pag uusap nilang iyon ay hindi na siya mapakali sa kinauupuan nito. Inaaalala niya ang sandaling makita ang asawa at anak nito. Tumulo na naman ang mga luha niya. Ang papanabik na makasama ang pamilya nito ang kinalulungkot niya. Pero alam niyang hindi iyon ang dapat niyang problemahin kailangan na muna niyang siguraduhin nasa maayos na ang lahat. Kailangan na niyang malaman kung sino talaga ang taong gusto pumatay sa kanya. ... "Mommy sana po makita ko na si Daddy no?" Nalulungkot si Daphne pero hindi niya alam kung paano ipapaintindi sa anak. Dahil kahit siya di niya alam. Nabuo na niya sa isip nito na babalik ang Daddy nito at susunduin sila. Pero kahit ganon ay patuloy siyang umaasang babalik ito. Miss na miss na niya ang asawa. "Malapit na baby, kaya pray ka kay papa Jesus para sunduin na niya tayo" " Sige po mommy" Natuwa siyang pagmasdan ang anak. May pagkakahawig ang mukha nito sa ama maging ang katalinuhan nito ay naman nito. Bibong bata si Zandro. Tanging ang mata lang nito ang naman ng anak. Matapos ang misa ay dumiretso na sila para umuwi. Habang nasa byahe. "Baby, kamusta nag pray kaba kay papa Jesus?" "Opo mommy , sinabi ko sa kanya na pauwiin na niya si Daddy miss ko na kasi siya" Niyakap niya ang anak. Nakakalungkot dahil wala siyang magawang. Nasa bahay. "Daphne, nabalitaan mo ba?" Bungad agad ni Marie sa kanya. "Alin?" Taka nyang tanong sa kaibigan "Si Sara, pinatay daw" "What?" Gulat niyang tanong. Mas lalo siyang kinabahan. Hindi maaaring mangyari ito. Napaupo siya sa sahig. "Daphne ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Marie. "Kasalanan ko ito" Sinisisi niya ang sarili kung bakit ganon na lang ang sinapit ng katulong nila. Nang dahil sa kanya, kung hindi siya umalis hindi mangyayari ang lahat ng ito. "Wag mong sisisihin ang sarili mo, limang taon na ang nakakalipas ng umalis ka, kung gusto nilang patayin si Sara dapat noon pa, bakit ngayon?" Naintindihan niya ang sinabi ng kaibigan at may punto ito. Panahon na siguro para lumaban. Yan ang nasa isip niya. Panahaon na siguro upang alamin ang taong gustong sumira sa pamilya niya. Ayaw na niyang magtago at hintayin na lang ang pagbabalik ng asawa. Kailangan na niyang kumilos dahil nakasalalay ang lahat para sa kanyang pamilya. Siya na mismo ang maghahanap sa asawa. Kailangan nilang alamin kung sino ang mastermind ng lahat. Itutuloy.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD