KUMILOS ang lahat patungo sa kakahuyan na walang naiiwan sa kanila. Pinabayaan lamang nila ang katawan ng halimaw sa daan na nagsisimula na ring maglaho katulad sa nasusunog na papel. Nagpatiuna sa paglalakad ang tatlong manglalakbay habang napapagitnaan ng mga ito ang batang maputi ang buhok. Samantalang siya naman ay nagpapahuli nang ilang hakbang. Nababalot ang kakahuyan ng katahimikan. Makikita sa mga matatayog na punong kahoy ang mga tanda ng dumaang pagpuksa sa halimaw. Naroong nabali ang mga sanga ng mga kalapit na punong kahoy sa kanilang nilalakaran. Sa katawan din ng mga puno ay kapansin-pansin ang malalalim na kalmot ng halimaw. Sa pagtaas ng lider ng kanang kamay nito ay napatigil na lamang ang lahat sa paglalakad. Tumingin ito sa malayo pailalim ng kakahuyan. Lumingon kapagkuw

