Kabanata 29

2040 Words

Naalis ang talukbong ng taong soro sa pagbaba nito kaya nalantad ang may kahabaan nitong pulak buhok at mukhang puno ng pagkapoot. Nag-aapoy pa rin ang mga mata nitong pula sa galit. Hindi nga nagtagal pa ay nakarating na ito sa kaniya na ikinakalmot ang kamay na matutulis ang maruming kuko. Nang makaiwas siya sa pagsugod nito, tumalon siya patalikod na umiikot sa ere kung kaya nga walang natamaan ang taong soro. Ngunit nasira ang mga laryo sa nilapagan nito dahil sa lakas ng paglapag nito. Pagkatayo niya nang tuwid ay pinagmasdan siya nang taong soro na naglalaway. Malakas kapagkuwan itong umungol, pagkaraa'y muli itong sumugod sa kaniya na mabilis tumatakbo sa mga dalawang kamay at mga paa nito. Inihanda niya na lamang ang kaniyang sarili sa pagharap sa taong soro nang hindi siya nito ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD