Kabanata 21

2049 Words

MAKALIPAS ang kalahating oras bumuhos ang ulan nang malakas. Ginising ng ulan ang kaniyang natutulog na diwa sa pagtama sa kaniyang likuran. Hindi lamang iyon ang nagpapahirap sa kaniya nang mga sandaling iyon. Maging ang sugat sa kaniyang kanang paa ay ibayong kirot ang ibinibigay. Hindi niya maikilos ang nasaktang paa. Maliban pa rito, dumagdag pa ang pumintig-pintig niyang ulo. Pinagmasdan niya ang kaniyang paligid sa kaniyang pagtihaya nang higa sa malapad na tuktok ng bato na kaniyang kinalalagyan. Nagsisimula na ring manginig ang kaniyang buong katawan dahil sa dulot na lamig ng panahon. Sinubukan niyang umatras padikit sa gilid ng bangin upang hindi gaanong matamaan ng ulan na nagawa niya rin naman. Iniligay niya ang buo niyang lakas sa dalawa niyang kamay upang makagalaw habang i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD