Episode 15 “What are you doing to my girl?” IYON ang mga salitang paulit-ulit na tumatak sa aking utak matapos ako mawalan ng lakas at mapaupo sa sahig. Nakita ko si Carlos na nakahandusay sa sahig dahil sa malakas na pagkakasuntok sa kanya ni Silver. “Are you okay, Neri?” tanong sa akin ni Silver. Hindi kaagad ako nakasagot dahil nanginginig pa rin ako sa takot. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa akin. He almost r***d me! Kung hindi dahil kay Silver ay baka kung ano na ang nangyari sa akin. Tsinek naman kaagad ako ni Silver. Tinignan niya ang magkabila kong braso kung may mga sugatba akong natamo at nang makita niya na may galos ako sa braso ay kaagad siyang lumingon kay Carlos. “Bakit ka ba nangingialam? Sa pagitan naming itong dalawa ni Avy!” sigaw ni Carlos. Halos mamu

