Willow's P.O.V.
"Tama na Aries, Maawa ka" pagmamakaawa ko kay aries, wala itong tigil sa pang gugulpi sa akin
"At bakit ako ma-aawa sayo? hindi ako naawa sa mga babaeng malandi" Sigaw nito sa akin "Ang kapatid ko na naman ngayon ang nilalandi mo ha? napakanambisyosa mo" dagdag niyo, gusto kong sumagot upang ipagtanggol ang sarili ko sa mga paratang nito, ngunit hindi ko magawa dahil walang tigil ito sa kakasuntok sa aking mukha. Maya2x ay Lumayo ito sa akin, binuksan ang malaking kahon sa gilid ng at kinuha ang isang baril at itinutok sa akin.
"No, please" sabi ko dito haban umiiling, ramdam ko ang dugo na dumadaloy nula sa aking ilong, bibig at ulo. Napati gin ako sa mukha ni Aries, Ngumingisi ito na parang wala sa katinuan. biglang nanindig ang aking balahibo sa takot. pinilit kong itaas ang aking kamay upang abutin si Aries ngunit bigla akong nakarinig ng putok ng baril.
Napabalikwas ako ng bangon, ngunit napahiga din agad dahil sa pananakit ng aking katawan partikular na sa aking leeg at puson. Napatingin ako sa paligid, Nag tataka kung kaninong kwarto ako naka tulog. napag tanto kong nasa ospital ako, at naka confine.
"Bakit ako nandito?" taka kong tanong sa aking sarili. Pinilit kong alalahanin ang nangyari sa akin, kung bakit ako naririto ngayon sa hospital. pinakiramdaman ko ang aking katawan, masakit sa may bandang leeg ko at halos hindi ako maka lingon, masakit din ang aking puson. Dahan dahan kong itinaas ang aking kaliwang kamay upang hawakan ang matigas na bagay sa aking leeg, ngunit hindi ko ito mai angat, saka ko lamang napag tanto na may humahawak sa aking kaliwang kamay, dahan dahan akong tumingin sa direction nito.
"Aries" Mahina kong tawag sa kanya, mahinbing itong natutulog habang hawak2x ang aking kamay. Agad na nag flash back ang lahat na nangyari sa library ng Mansyon Montalban, bigla ang pag akyat ng aking galit para kay Aries. Naalala ko bigla ang napanaginipan ko kanina, Nahintakutan ako. kaylangan kong maka alis dito at baka mapatay pa ako ng lalaking ito. Ibang iba na ito sa Jace na niligtas ko sa isla, Naging demonyo na ito.
Dahan2x kong inalis ang kamay nito na naka patong sa aking kamay, Nang ma tanggal ito ay inalis ko ay pabigla ko binunot ang hose ng dextrose at pati na ang oxygen. dahan2x akong tumayo at nag hanap ng damit na maisusuot ko dahil kasalukuyan akong naka suot ng lab gown. nakita ko ang damit ni aries na naka sampay sa likod ng upuan, agad akong nag bihis, at dahil malaki ang pangagatawan ni Aries nag mistula na itong dress sa akin, umabot ito hanggang sa tuhod ko, isinuot ko ang tsenilas na pag aari din ni Aries at kinuha ang sumbrero niya at ipinatong ko sa aking ulo. mabilis akong lumabas ng hospital room at mabilis na nag lakad sa corridor, pa labas ng hospital habang naka tinatagi ang aking mukha sa subrerong suot ko, Mabuti na lamang ay wala gaanong staff na naglalakad sa corridor. tagumpay akong naka labas ng hospital.
Isang oras na akong naka upo sa bench ng isang plaza, Nag iisip kung ano ang dapat gawin
"uhhhhh" reklamo ko, "Walang cellphone, walang pera, saan ako pupunta nito" reklamo ko. Nasa mansyon Montalban kasi ang mga importante kong gamit, ayaw ko naman na bumalik pa doon, dahil baka maabotan pa ako ni Aries doon at barilin ako, bigla kong naalala ang pag baril nito sa akin sa aking panaginip. Nakaramdam ulit ako ng takot, Agad ko itong inalis sa aking isip, ayaw ko nang maalala pa si Aries.
Ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bigla kong naramdaman at narinig ang pag kulo ng aking tyan "aaahhhhh" reklamo ko ulit, ang malas naman"
"Willow?" rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses ng lalaki sa aking likuran, mabilis kong nilingon ang pinanggagalingan ng boses.
"Leander?" mahina kong tawag dito. kinakabahan ako at baka bigla nitong tawagan si Leander
"Anong ginagawa mo dito? hindi ba dapat nasa hospital ka?" taka nitong tanong sa akin
"Ah-eh-kasi" nauutal kong sabi
"Kasi ano?" tanong nito ulit?
"Leander? tulungan mo akong maka balik sa Isla, kailangan ko nang bumalik doon" pakiusap ko dito, tinitigan lamang ako nito at parang pinag aaralan ang Expression ng aking mukha. "Please?" pakiusap ko ulit
"sige, tutulongan kita" sagot nito sa akin, ngumiti ako dito
"talaga?"Tanong ko na parang hindi maka paniwala
"Tayo na at ihahatid kita" sabi nito bago tumalikod at nakalakad patungo sa direction ng kanyang sasakyan, Agad akong sumunod dito at dali daling sumkay sa likurang bahagi ng sasakyan nito
"So, gagawin mo akong driver?" Reklamo nito sa akin, tumingin ako rearview mirror upang makita ang Expression mg mukha niya, para itong naiirita, kaya't agad na lumabas ako nag lumipat ng upo sa harapang bahagi. kailangan kong sundin ang gusto nito at baka mag bago pa ang isip nitong tulongan ako. tiningnan ko ito, napaka seryoso ng mukha nito, malayo sa Leander na nakausap ko noong isang araw. Bipolar din yata ito, tulad ni Aries, sabi ko sa aking isip.
habang binabay namin ang daan pa balik ng Aurora ay hindi ko mapigilang isipin si Aries. kamusta na kaya siya? ano bang rason kung bakit ayaw nya sa akin? tanong ko sa aking isip. dahil nga sa mahal nya ang trabaho nya diba? rinig kong sagot ng aking isip. Hindi ako naniniwalang dahil lamang sa trabaho, marahil ay may babae itong natitipugan , ngayon pa lamang ay naka ramdam ako ng inggit sa kung sino man ang babaeng iyon. bumuntong hininga ako, bakit ko nga ba iniisip ang lalaking iyon? hindi pa dapat ay galit ako sa kanya?
bigla kong naalala ang ginawa nito sa akin sa loob ng library. walang kapatawaran ang ginawa nito sa akin. buti na lamang ay dumating ang ina nito at si Leander dahil kong hindi ay malamang pinalalamayan na ako ngayon. naalala ko ang muka nito habang tinitingnan ako na hirap na hirap at humihingi ng tulong. kinuyom ko ang akong kamao, sa susunod na magkikita kami ay tutuparin ko ang kahilingan nito, ang umasta na parang hindi kami nagkakilala.